Chapter XLIX

6.6K 899 70
                                    

Chapter XLIX: Battle Between the Most Powerful Divine Beast

“Si Yotaro?” Ulit na tanong ni Muriel. Nagsalubong ang kaniyang kilay matapos niyang marinig ang tugon ni Finn. Hindi niya maintindihan kung ano ang binabalak nito dahil buong akala niya, seryosong laban ang iminumungkahi nito. Ganoon man, matapos niyang marinig na ang gustong makalaban ni Eon ay si Yotaro na isang Chaos Saint Rank, naisip niyang iba ang binabalak ni Finn at ng mga kasama nito.

“Ang ibig mo bang sabihin ay nais mong tulungan ni Yotaro ang iyong kasamang dragon sa pagsasanay? Gusto mong makalaban niya ang isang Chaos Saint Rank para matuto siya ng ilang mga bagay, tama ba ang pagkakaunawa ko, Finn Silva?” Dagdag na tanong ni Muriel.

Dahil sa tanong ni Muriel, napakunot ang noo nina Eon at Finn. Napasimangot si Eon sa loob-loob niya dahil pakiramdam niya ay minamaliit siya ng pinuno ng mga minokawa, ganoon man, dahil palagi niyang inaalala ang mga paalala ng kaniyang master tungkol sa pagsisimula ng gulo, pinilit niyang sarilihin na lang ang matinding inis niya.

Hindi niya kailanman gustong maliitin o hamakin siya ng kung sinoman, pero kailangan niyang kontrolin ang kaniyang sarili sa kasalukuyan dahil kapag gumawa siya ng ikagagalit ng kaniyang master, siguradong hindi siya makakasama sa Heavenly Gourmet Island.

Tungkol kay Finn, nakabawi siya agad at bahagya siyang ngumiti kay Muriel. Napagtanto niyang mali ito ng pagkakaintindi, at nauunawaan niya rin kung bakit ganito na lang ang naging reaksyon nito sa kaniyang pahayag.

Wala pa itong alam tungkol sa Four Guardians Killing Formation, at dahil si Eon ay kasalukuyang nasa 9th Level Heavenly Supreme Rank lang dahil sa restriksyon ng mundo ng pinagmulan, natural lang na isipin ni Muriel na ang gusto nila ay laban na matututo si Eon sa halip na seryosong tunggalian.

“Totoong para iyon matuto si Eon ng ilang mga bagay, subalit iba ang aking ibig sabihin,” mahinahong tugon ni Finn. “Seryosong laban ang hangad namin, Pinunong Muriel. Ang iminumungkahi ko ay totoong laban sa pagitan ni Eon at Yotaro. Tungkol sa malaking agwat ng kanilang antas at ranggo, hindi ninyo kailangang mag-alala dahil kayang punan ni Eon ang bagay na iyon sa pamamagitan ng aming Four Guardians Killing Formation. Hindi niya kayang maabot ang Chaos Saint Rank, pero kayang-kaya niyang maabot ang Abyssal Immortal Rank. Gano'n man, kaya niya lang manatili sa ganitong antas at ranggo sa loob ng maikling panahon lamang.”

Detalyadong ipinaliwanag ni Finn kay Muriel ang tungkol sa kakayahan ng Four Guardians Killing Formation para hindi na ito maguluhan. Seryoso sila sa gusto nilang mangyari, at upang mapapayag ang pinuno ng mga minokawa, kailangan niyang ipaalam na mayroon silang paraan para hindi maging ganoon kalaki ang agwat ng lakas nina Eon at Yotaro.

Matapos ang pagpapaliwanag ni Finn, sandaling natahimik si Muriel habang ang mga nasa likod niya ay hindi makapaniwala sa kanilang narinig.

Natural lang na maging ganito ang kanilang reaksyon dahil ang kakayahan ng Four Guardians Killing Formation ay kamangha-mangha at masyadong hindi makabuluhan. Sumasalungat ito sa natural na paraan dahil nagagawa nitong tapikin ang potensyal ng isang nilalang sa maikling panahon lamang.

Ang mga ganitong uri ng bagay na pansamantalang nakapagpapataas ng antas at ranggo ay sobrang pambihira--lalo na kung ang ranggong pag-uusapan ay napakataas na. Sa mababang antas at ranggo lang posible ang mga ganitong bagay, pero sa Heavenly Supreme Rank pataas, tila ba imposibleng may bagay pang may kakayahang makapagpataas ng antas at ranggo kahit ilang saglit lamang.

Sa kabila nito, sinakyan na lang ni Muriel ang sinasabi ni Finn dahil wala siyang maisip na dahilan para magsinungaling ito sa kanila. Isa pa, naibigay niya na ang kaniyang permiso. Sumasang-ayon na siya sa iminumungkahi nitong tunggalian kaya hindi niya na ito mababawi pa.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Where stories live. Discover now