Chapter XCV

4.6K 861 44
                                    

Chapter XCV: Cooking War! (Part 4)

“Tama ka nga talaga, Master Chef Levira. Maganda nga ang magiging laban sa pagitan nilang dalawa. Masyado akong mabilis sa aking husga kaya nasabi kong hindi patas kay Finn Silva ang laban na ito. Akala ko ay dala lang ng bugso ng damdamin kaya niya hinamon si Master Chef Juego sa isang pustahan, gayunman, nagkamali ako dahil malinaw na sa akin ngayon na siya pala ay may kakayahan din bilang isang soul chef,” sabi ni Senkaku habang titig na titig siya kay Finn. “Ang kaniyang mga paggalaw ay hindi kasing pino ng kay Master Chef Juego, pero ang kaniyang mga ginamit na sangkap sa pagluluto... masasabi kong may pag-asa ngang matapatan ng kung anomang niluto niya ang inihandang pangunahing pagkain ni Master Chef Juego.”

Bahagyang ngumiti si Levira. Tumango rin siya bago malumanay na tumugon, “Hindi ba't sinabi ko nang magiging maganda ang kanilang laban? Tama ang kutob ko na magiging kapana-panabik ang laban nilang dalawa.”

Huminga ng malalim ai Senkaku at pilit siyang ngumiti. Tinatanggap niya ang kaniyang pagkakamali dahil malinaw na hindi magiging madali para kay Juego ang labam na ito. Ganoon man, hindi pa rin siya sobrang kumbinsido na mananalo si Finn sa pustahan dahil ano pa man ang mangyari, matagal niya nang kilala si Juego at alam na alam niya ang kakayahan nito.

“Malinaw sa akin na ang nilutong pangunahing pagkain ni Master Chef Juego ay ang kaniyang pinaka ipinagmamalaking putahe, ang Golden Shrimp Stew. Isa iyon sa pinakamasarap na pagkain sa inyong isla at sa tuwing nagtutungo ako rito, hindi pupuwedeng hindi ko iyon matitikman kahit isang beses. Mahihirapan si Finn Silva na pantayan o higitan ang Golden Shrimp Stew ni Master Chef Juego... lalo na't sa nasaksihan ko, simpleng putahe lang na may kakaibang sarsa ang niluto niya,” komento niya.

“Hindi kita sasang-ayunan sa iyong komento. Sa tingin ko ay hindi mahihirapan si Finn Silva na tapatan o higitan ang Golden Shrimp Stew ni Juego. Nasisiguro ko iyon dahil ang ginamit na karne ni Finn Silva ay siguradong karne ng isang Raging Sage Bull,” saad ni Levira.

“Raging Sage Bull?” Gulat na bulalas ni Senkaku. “Ang karne ng monstrous beast na iyon ay isa sa mga pinakamasasarap na karne sa buong mundo! Minsan na akong nakatikim ng putaheng ginamitan ng karne ng Raging Sage Bull, at masasabi kong isa iyon sa pinakamasasarap na putaheng natikman ko kasama ang Golden Shrimp Stew ni Master Chef Juego.”

“Kamangha-mangha ka talaga, Master Chef Levira. Nalaman mong karne iyon ng isang Raging Sage Bull kahit hindi mo iyon malapitang nasusuri,” papuri niya.

“Kung isa kang soul chef na mayaman na sa karanasan, madali na lang para sa iyo na malaman kung anong karne ang ginamit nila sa kanilang pagluluto. Mayroong pagkakaiba-iba ang bawat karne, kailangan mo lang pagmasdang mabuti ang kanilang hitsura at katangian para matukoy mo kung saang halimaw mula ang karne na iyon,” paliwanag ni Levira. “Gayunman, hindi lang ang karne ng Raging Sage Bull ang dahilan kaya sigurado ako na hindi mahihirapan si Finn Silva na tapatan o higitan ang Golden Shrimp Stew ni Juego. Mas interesado ako sa sarsang ginawa niya. Alam ko na Spicy Red Garlic at Rampage Chili Flakes ang ginamit niya, pero hindi ko mawari kung ano ang unang sangkap na ginamit niya para makagawa ng sarsa. Bago iyon sa akin... at dahil doon kaya sa tingin ko, ang putaheng niluto ni Finn Silva ay magbibigay surpresa sa atin.”

Samantala, natigilan si Edmund at hindi niya mapigilang mabaling kay Levira. Mahahalata ang gulat sa kaniyang mga mata dahil hindi niya inaakalang maririnig niya ang mga katagang iyong mula sa bibig nito.

“Kahit ikaw ay hindi alam kung ano ang sangkap na iyon, Master Chef Levira..? Paanong nangyari iyon?” hindi makapaniwalang tanong ni Edmund.

Kahit si Senkaku ay hindi rin makapaniwala na mayroong hindi pa alam si Levira na tungkol sa pagluluto. Sa kanilang mga mata, ito na ang kilala nilang pinakamahusay na soul chef sa buong Land of Origins. Natural lang na isipin nilang alam na nito ang lahat ng sangkap, pero tahasang inamin nito na hindi niya alam kung ano ang sangkap na ginamit ni Finn sa paggawa ng kakaibang sarsa.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Where stories live. Discover now