Chapter CXXXVIII

4.4K 879 88
                                    

Chapter CXXXVIII: Wrath

Nang makabawi ang mga miyembro ng New Order mula sa sakunang dulot ng Evil Jinn, nagsimula nang kumilos ang mga heneral upang mapakalma ang mga ito. Kaagad silang nagbaba ng utos na kailangang mailayo ang mga nasawing miyembro sa pinangyayarihan ng labanan upang hindi na madamay ang katawan ng mga ito sa pag-atake ng Evil Jinn at ng ibang adventurer. May mga namatayan sa kanila, subalit kailangan nilang magpakatatag dahil hindi pa tapos ang laban.

Tungkol kay Kiden, nalaman niya na ang nangyari kina Noah at Vella--sa matalik niyang kaibigan at sa kaniyang asawa. Labis niyang ikinapanlumo ang pagkasawi ng mga ito. Matagal siyang natigilan habang pinagmamasdan niya ang duguan at butas-butas na katawan ng dalawa. Niyakap niya sila sa kaniyang mga braso, at hindi niya napigilan ang kaniyang matinding pagluha.

Hindi niya naihanda ang kaniyang sarili para rito. Akala niya ay makakayanan ng dalawa na makaligtas dahil kahit papaano, parehong nasa Abyssal Immortal Rank sina Noah at Vella, at pareho nagtataglay ang mga ito ng matibay na pangangatawan dahil sa kanilang pagbababad sa dugo ng Dragon God. Subalit, wala siyang magagawa dahil inuna ng dalawa ang kapakanan ng iba bago ang kanilang sarili.

Bumalik sa kaniya ang lahat ng alaala noong mga binata't dalaga pa lang sila, noong mga estudyante pa lang sila ni Siryu sa Cloud Soaring Sect. Marahil hindi sila sobrang nagkakasundo noon. Marami silang hindi pagkakaintindihan noong mga unang buwan nilang magkakasama. Madalas silang nag-aaway-away, subalit marami silang karanasan na hanggang ngayon ay pinahahalagahan nila ng sobra. Ang mga aalalang iyon ay dala-dala nila. Ang kanilang pagkakabuklod ay napakatibay, ganoon man, sira na ito ngayon dahil pumanaw na sina Vella at Noah.

Magkahalong paghihinagpis at poot ang nararamdaman niya sa pagkamatay ng dalawang sobrang pinahahalagahan niya. Nanggagalaiti siya sa galit. Nagngingitngit ang kaniyang mga ngipin habang nagkakaroon ng malaking pagbabago sa kaniyang hitsura. Humahaba ang kaniyang itim na buhok at unti-unti itong nagiging kulay pula. Ang pares ng kaniyang mga mata ay nanlilisik. Tinutubuan din siya ng maililiit na pangil, at makaraan ang ilang sandali, naglabas ng katakot-takot na aura ang kaniyang katawan.

Maingat niyang binitawan ang bangkay nina Vella at Noah. Ipinaubaya niya na ito kina Siryu na kasalukuyang nag-aasikaso sa iba pang mga bangkay. Hindi pa siya tapos magluksa. Gusto niya pang yakapin ang dalawa ng matagal, subalit alam niyang hindi iyon maaari dahil mayroon siyang mahalagang tungkulin bilang heneral.

Isa pa, ang labis niyang galit ang nagbibigay ng lakas sa kaniya para lumaban. Gusto niyang maghiganti sa nilalang na dahilan ng pagkamatay ng kaniyang asawa't matalik na kaibigan.

Mayroong lumitaw na circlet sa kaniyang ulo. Naglalabas ang bagay na ito ng kakila-kilabot na aura, at ang tindi nito ay may pagkakapareho sa tindi ng aura na inilalabas ng mga divine artifact nina Zelruer, Ashe, at Tiffanya.

Isa rin itong divine artifact, at ikinabigla ng mga nakasaksi ang pangyayaring ito dahil hindi nila inaasahan na mayroon ding pambihirang kayamanan ang isa sa mga heneral ng New Order.

“HAAAAAAA!”

Buong lakas na humiyaw si Kiden at kumalat ang napakalakas na puwersa mula sa kaniyang katawan. Galit na galit ang kaniyang mga mata, at habang nanlilisik ang mga ito, mayroon ding luhang tumutulo mula sa mga ito.

Isa lang ang nasa isip niya ngayon. Gusto niyang mapagbayad ang Evil Jinn sa ginawa nito sa kaniyang matalik na kaibigan, asawa, at sa lahat ng nasawing miyembro ng New Order. Inipon niya ang lahat ng kaniyang galit. Dito siya humugot ng pambihirang kapangyarihan, at nang maramdaman niyang nag-uumapaw na ang kaniyang lakas, pumadyak siya sa lupa at sumugod na sa kinaroroonan ng Evil Jinn.

Sinamahan si Kiden ng mga miyembro ng Dark Crow. Hindi rin sila nakaligtas mga itim na patalim, pero himalang hindi ganoon katitindi ang kanilang mga tinamong pinsala kaya nakakatayo at masiglang-masigla pa rin sila. Kaya pa nilang lumaban kaya sumabay sila kay Kiden upang mabigyan na rin ng panahon ang mga miyembro ng New Order na nasawi at malubhang napinsala.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Where stories live. Discover now