Chapter VIII

5.2K 812 69
                                    

Chapter VIII: The Savage Side of Him

Matapos maipaalam kina Eon at Meiyin kung ano ang kaniyang plano, tumalikod na siya sa mga ito. Hindi niya balak na magsayang ng oras dahil napakarami niya pang kailangang asikasuhin. Bilang namumuno sa mga propesyonal sa grupong ito, responsibilidad niya na pangasiwaan ang mga kayamanan na kanilang natuklasan dito. Kailangan niya pang gumawa ng paraan para ma-i-uwi niya sa maayos na kondisyon ang mga ito dahil kinakailangan ng ibayong pag-iingat sa pag-iimbak ng mga ito. Bukod pa roon, nagmamadali siya dahil masyado na rin silang nagtatagal sa misyong ito at nag-aalala na siya para sa kasalukuyang sitwasyon ng New Order. Hindi siya komportable na matagal silang nakahiwalay dahil alam niya sa sarili niya na sila ang pinakamalakas na pangkat dahil kasa-kasama nila ang mga bise kapitan ng espesyal na dibisyon.

Ngayong sa tingin niya ay nasabi niya na ang lahat ng kaniyang kailangang sabihin, hahakbang na sana siya pabalik sa kaniyang gawaan, pero hindi siya nakatuloy dahil bigla niya na lamang narinig ang tinig ng kaniyang guro sa kaniyang isipan.

Ilang segundo siyang tumulala sa kawalan kaya nahiwagaan sina Eon at Meiyin kung ano ang kasalukuyang nangyayari.

“Bakit ka biglang huminto? Mayroon ka pa bang nakaligtaang sabihin?” Tanong ni Meiyin.

Nanatiling tahimik si Poll, pero makaraan ang ilang saglit, humarap siya muli kina Eon at Meiyin. Huminga muna siya ng malalim at marahang sinabing, “Nakatanggap ako ng mensahe kay Guro. Isang libingan ang natuklasan sa isang abandonadong lugar at may hinala ang karamihan na libingan iyon ng isang diyos. Ayon kay Guro, patungo na sila roon para makipagkompetensiya. Sinabihan niya ako na ipaalam sa inyo na kapag tapos na tayo rito, kailangan nating sumunod sa kanila sa lugar na iyon dahil kailangan niya ang mga bise kapitan at miyembro ng espesyal na dibisyon.”

Nagliwanag ang ekspresyon ni Eon. Bumakas ang pananabik sa kaniyang ekspresyon dahil malinaw sa kaniya kung ano ang ibig sabihin nito--isa muling pakikipagsapalaran kasama ang kaniyang master.

“Kung gayon ano pang hinihintay natin? Kailangan tayo ni Master kaya huwag na tayong magsayang ng panahon at madaliin na natin ang kailangan nating gawin dito,” ani Eon.

Napailing na lang si Poll sa loob-loob niya. Gusto niya ring magmadali para makasama na muli nila si Finn, subalit hindi ganoon kadali ang kailangan nilang asikasuhin dito. Sa rami ng dugo ng Dragon God, mahihirapan sila na iimbak ito. Gagawa pa sila ng mga imbakan na maaaring pag-imbakan nito, at hindi iyon simpleng bagay lang dahil kakailanganin noon ng tamang proseso at angkop na mga kayamanan.

Nang makapag-isip-isip, bahagyang tumango si Poll. Tiningnan niya sina Meiyin at Eon at sinabing, “Ipapaalam ko muna kay Guro na natanggap ko ang kaniyang mensahe at minamadali na natin ang mga bagay na kailangan nating gawin dito. Sa personal na lang natin banggitin sa kaniya ang mga nangyari dito para ma-i-detalye natin sa kaniya ang mga karanasan natin dito.”

“Ako na ang magsasalaysay sa kaniya. Ako pa rin ang lider ng grupong ito,” mapagmalaking sabi ni Eon at nagmamalaki siyang ngumiti.

Nagkibit-balikat na lang si Poll. Hindi na siya nakipagtalo rito, bagkus, muli na siyang tumalikod sa dalawa at bago siya bumalik sa kaniyang gawaan, ipinaalam niya muna sa mga kasama nilang alchemist, blacksmith, inscription master, at formation master na kailangan nilang magmadali.

At bago siya magsimula sa pagtatrabaho, naglabas muna siya ng isang Conveying Sound Inscription na may marka ni Finn. Pinagana niya ito gamit ang kaunting enerhiya at binigkas niya na ang mensahe niya para sa kaniyang guro.

--

Mag-isa at tahimik na nakatayo si Finn sa pinakadulong bahagi ng airship noong nagpadala siya ng mensahe kay Poll. Nakaalis na sila sa santuwaryo at kasalukuyan na silang naglalakbay patungo sa lugar kung saan nadiskubre ang libingan ng pinaghihinalaang diyos.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Where stories live. Discover now