Chapter CXIV

4.8K 804 41
                                    

Chapter CXIV: The Victor

Hindi nagkaroon ng pagbabago sa ekspresyon ni Faino kahit na napagtanto niyang gagamitin na ni Finn ang pag-aari nitong divine artifact na God-eater Sword. Matikas pa rin siyang nakatayo sa hindi kalayuan habang hawak-hawak niya ang kaniyang espada. Nanatili ring blangko ang kaniyang ekspresyon. Hindi siya makikitaan ng pangamba at para bang wala lang sa kaniya kahit pa tila ba unti-unti na siyang nagiging dehado sa laban.

Makaraan ang ilang sandali, dahan-dahang umarko ang kaniyang mga labi at pumorma ito sa isang makahulugang ngiti. Tumindi ang kaniyang aura at mas naging aktibo pa lalo ang kaniyang enerhiya. Ang mga sugat na makikita sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan ay unti-unting nawawala at sa isang iglap lang, agad na bumuti ang kaniyang kondisyon mula sa katawang halos puro pinsala.

Animo'y bumalik si Faino sa isandaang porsyento ng kondisyon, pero hindi ganito ang kaso dahil malinaw na nararamdaman ni Finn na sa pagbuti ng kalagayan nito ay sa paghina rin ng aura na inilalabas ng katawan nito. Hindi siya nangangamba kahit na bumalik sa ayos ang kondisyon nito dahil alam niya na malaki ring enerhiya ang kinailangan para magawa ito ni Faino--kagaya na lang ng paggamit sa pambihirang skill ng Fire Sovereign Art.

Upang magamit ang “Overpower”, kailangan niyang magsakripisyo ng malaking bahagi ng kaniyang enerhiya, pero ayos lang iyon dahil kahit nasa bingit na siya ng kamatayan ay maibabalik pa rin ng “Overpower” sa isandaang porsyento ang kaniyang kondisyon.

At sa tingin niya, ang kakayahan na ginamit ni Faino ay katulad lang ng “Overpower”. Gumaling ito mula sa mga pinsala, pero malaking bahagi ng enerhiya nito ang nawala.

Hindi pa natapos si Faino sa paghahanda para sa nalalapit na katapusan ng kanilang laban. Mayroon pang isang pangyayari ang naganap na naging dahilan para magulantang si Finn.

Napansin ni Finn na bigla na lang nagbago ang hitsura ng hawak na espada ni Faino, at noong naglabas ito ng aura, hindi makapaniwala ang kaniyang ekspresyon dahil ang taglay nitong aura ay hindi nalalayo sa taglay na aura ng kaniyang God-eater Sword.

‘Ang kaniyang sandata ay maihahalintulad sa isang divine artifact!’ sa isip ni Finn habang nakatitig sa espada ni Faino. ‘Kung gayon, iyon pala ang totoong anyo ng kaniyang sandata. Ikinubli niya iyon sa isang animo'y luma at kalawanging malaking espada, pero ang totoo, isa pala iyong kamangha-manghang sandata.’

‘Hindi na rin nakapagtataka na nagmamay-ari siya ng ganiyan dahil sa kanilang mundo, siya ang tinagurian pinakamakapangyarihan bukod sa Guardian Spirit King.’

Sa madaling sabi, marahil nawala ang mga tinamo nitong pinsala at lumabas na ang totoong lakas ng sandatang gamit nito, subalit hindi pa rin ito ang nakalalamang sa pagitan nila ni Finn. Ang makatotohanang husga ay patas na sila ngayon, at nakadepende na lang sa kanilang katibayan at matinding kagustuhan kung sino sa kanilang dalawa ang mananalo.

Sa puntong ito, malinaw na sa dalawa na rito na magsisimula ang mas matinding sagupaan. Balak na nilang gamitin ang kani-kanilang alas, at ito ay malinaw na senyales na nalalapit na sila sa katapusan ng kanilang laban.

Makaraan ang ilang sandali, walang salitang sumugod sina Faino at Finn sa isa't isa. Naglaho na lang bigla ang kanilang pigura, at kasunod na nito ang magkakasunod na pagsabog mula sa iba't ibang lugar sa ika-isandaang palapag.

Nagpapalitan ng mga atake ang dalawa. Masyadong malakas ang puwersa ng kanilang mga atake kaya sa tuwing nagsasagupaan sila sa kalupaan, kaagad na yumayanig at nagkakaroon ng malalaking bitak ang lupa. Ilang hukay na ang kanilang nalikha dahil sa kanilang pagpapalitan, at dahil sa bilis nilang ipinamamalas, animo'y naglalaho ang kanilang pigura habang inaatake nila ang isa't isa.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ