Chapter LX

4.4K 868 74
                                    

Chapter LX: But, why?

Matapos maipahayag ang kanilang desisyon, umalis si Eulises kasama ang mga supreme elder at elder para bumalik sa kinaroroonan ng kanilang mga ka-tribo. Magpapatawag sila ng madaliang pagpupulong upang alamin kung ano ang pipiliin ng kanilang mga ka-tribo sa pagitan ng pananatili sa lugar na ito at panunumpa ng katapatan kay Kiden para makaalis dito. Ito ay patungkol sa hinaharap ng kanilang tribo, at dahil mismong si Varus na ang nagbigay ng payo, kailangan nila itong pag-usapan bilang isang buong pangkat.

Malinaw sa kanilang pahayag na ang mga batang axvian ang kanilang ipaprayoridad, ganoon man, dahil hindi pa ganoon kalalakas ang mga ito, para makasigurado ay magpapadala sina Eulises ng malalakas at matatandang axvian bilang gabay o protektor ng mga ito. Hindi maganda kung pupuntiryahin ang mga ito ng ibang lahi habang wala silang kalaban-laban, at hindi rin gustong umasa nina Eulises kina Finn patungkol sa bagay na ito dahil sa nakikita niya, walang kakayahan ang mga ito na protektahan ang kanilang mga ka-tribo dahil nagtataglay lamang sila ng mababang antas at ranggo.

Sa pag-alis nina Eulises, sina Finn at Kiden ay naiwan kasama si Varus. Hindi mapigilan ni Finn na sulyapan ang halimaw. Marami siyang gustong itanong dito, subalit hindi niya alam kung paano ito lalapitan o kakausapin.

Hindi man ito kagaya ng mga axvian na mainitin ang ulo at hindi nakikinig, wala pa rin siyang ideya kung ano nga ba talaga ang pag-uugali nito. Unang-una, isa itong nilalang mula sa unang panahon. Pangalawa, ito ang kasa-kasama ng Rage God noon. Isa pa, inatake sila nito noong naghahanap sila ng paraan para mabuksan ang lagusan ng tarangkahan. Isa iyon sa nais niyang itanong. Gusto niyang malaman kung bakit sila inatake nito, subalit hindi niya alam kung paano dahil nag-iingat siyang baka magalit niya ito.

Inihinto niya na ang pasimple niyang pagsulyap kay Varus dahil baka mapansin siya nito. Ganoon man, hindi pa man lumilipas ang ilang sandali, nakaramdam siya ng pagbabago sa paligid kaya muli siyang lumingon kung saan nakatayo ito.

Natigilan siya nang makita niyang humahakbang na ito papalapit sa kanila. Pareho silang napahinga ng malalim ni Kiden at hindi nila napigilan na magkatinginan.

“Kahit sa kawalan ako nakatingin, nararamdaman ko ang mga pasimple ninyong pagsulyap. Hindi iyon maganda at kung isa akong nilalang na mainitin ang ulo, siguradong tinuruan ko na kayo ng leksyon,” malumanay na hayag ni Varus.

Naging komplikado ang ekspresyon nina Finn at Kiden. Pilit silang ngumiti at nakaramdam sila ng pagkailang dahil hindi nila alam kung paano lulusutan ang kasalukuyan nilang sitwasyon.

“Paumanhi--”

“Pero, makabuluhan akong nilalang kaya ang ganoon kaliit na bagay ay wala sa akin. Isa pa, ikaw, Finn Silva ay panauhin ng mga axvian habang si Kiden ay isa sa kanila. Ang iniregalo mong alak sa tribong ito ay napakalaking tulong na para sila ay may mapaglibangan kaya kahit papaano, kailangan kong ibalik ang kabutihan sa iyo,” sambit ni Varus.

Naglaho ang pangamba ni Finn matapos niyang marinig ang sinabi ni Varus. Tila ba nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib at nakakahinga na siya ng maluwag dahil nakumpirma niyang madali lang itong lapitan at kausapin sa kabila ng pagtataglay nito ng kagalang-galang na pagkakakilanlan.

Ito ay kasa-kasama ng Rage God noong unang panahon, at dahil hanggang ngayon ay umiiral pa ito, hindi masamang sabihin na siya na ang may pinaka kagalang-galang na pagkakakilanlan na nakasalamuha ni Finn.

“Iyon ay pagpapakita lang ng kagandahang-loob. Nalaman ko mula sa mga minokawa na salat ang lugar na ito sa libangan kaya naisip kong maglabas ng ilang de kalidad na alak. Masaya akong makatulong at natutuwa ako dahil kahit papaano, napasaya ko rin si Pinunong Eulises at naibsan ko ang kaniyang pagkabagot,” malumanay na tugon ni Finn.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu