Chapter XXIII

5K 891 84
                                    

Chapter XXIII: Opened

Pinag-aralan ni Finn at ng mga Creation King at Queen ang anim na bula. Naipaliwanag na sa kanila ng mga dating formation master ng Beast God kung ano ang mga simbolo at elementong inirerepresenta ng bawat isa rito. Alam na nila kung ano ang kanilang gagawin, at iyon ay kailangan na lang nilang tukuyin kung nasaang bula ang mga simbolong nagrerepresenta sa elemento ng apoy, tubig, hangin, lupa, liwanag, at kadiliman para masimulan na nila ang sunod na hakbang tungo sa pagpapawalang-bisa ng Abyssal Gate Formation.

Ganoon man, napakatagal na nilang pinagmamasdan ang bawat bula, subalit hindi talaga nila malaman ang eksaktong simbolo na tinataglay ng bawat isa rito. Kapag sumubok sila at nagkamali sila, kakailanganin pa nilang maghintay ng sapat pang panahon hanggang sa makargahan ang susi. At kapag paulit-ulit silang nagkamali, masasayang ang oras nila at mas lalong matatagalan bago nila mapawalang-bisa ang Abyssal Gate Formation.

“Walang patutunguhan ang ginagawa natin. Mas lalo lang nasasayang ang panahon natin sa pagsuri sa mga bula gayong hindi naman natin makita ng malinaw ang mga simbolo. Kung hindi ninyo mamasamain, oras na siguro para subukan ang pagsubok at pagkakamali.” Basag ni Iseranni sa katahimikan. Seryoso niyang pinasadahan ng tingin ang mga nasa paligid at nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Ipinaliwanag ng mga soul puppet ni Finn Silva na walang masamang mangyayari kahit pa pumalya tayo. Iluluwa lang tayo ng bula at matatanggal ang susi sa susian. Kakailanganin lang nating maghintay ng maikling panahon hanggang sa makargahan muli ang susi, at pagkatapos noon, maaari na tayong sumubok muli.”

Agad na tumango-tango si Adlaros. Ngumisi siya kay Iseranni at sinabing, “Ako, si Adlaros Garthorn ay sumasang-ayon sa iyong mungkahi. Gayunman, paano natin sisimulan ang sunod na hakbang? Pipili na ba tayo ng anim na kandidato na papasok sa bula para kargahan ng enerhiya ang mga ito?”

Umismid si Iseranni. Inilahad niya ang kaniyang kamay at malumanay siyang tumugon, “Tama ka, Haring Adlaros. Ang una nating kailangang gawin ay pumili ng mga dalubhasa sa paggamit ng elemento ng apoy, tubig, hangin, lupa, liwanag, at kadiliman. Kailangan nating mamili mula sa pinakamahusay sa lahat ng pinakamahusay dahil kapag hindi sapat, hindi pa rin tayo magtatagumpay na ipawalang-bisa ang Abyssal Gate Formation.”

“At ang kinakailangan ay anim na Demigod Rank. Dahil narating nila ang ranggong iyon, siguradong napakahusay nila sa paggamit ng kanilang kapangyarihan,” kalmadong singit ni Finn sa usapan. Binalingan niya ng tingin ang mga Demigod Rank sa kanilang pansamantalang alyansa at malumanay na nagpatuloy sa pagsasalita, “Mayroon bang kahit sino sa inyo na nais magboluntaryo?”

Pagkasabing-pagkasabi nito ni Finn, agad na may mga umabante para ipakita ang kanilang intensyon na maging isa sa mga dahilan ng pagpapawalang-bisa sa formation. Napunta ang atensyon ng lahat sa mga ito, at kaagad na sinuri ni Finn ang bawat isa sa unang apat na nagboluntaryo.

Ang apat na nagpakita ng intensyon na lumahok sa pagpapawalang-bisa ng Abyssal Gate Formation ay walang iba kung hindi sina Ranaya ng Ancient Phoenix Shrine, Exvious at Ivos ng Draconian Tribe, at Goyle ng Darkiyan Clan.

Si Ranaya ay malinaw na para sa elementong apoy. Si Goyle sa tubig habang sina Exvious at Ivos ay sa elemento ng lupa at hangin.

Mayroon pang dalawang kulang, at ito ay ang mga nilalang na nagtataglay ng elemento ng liwanag at kadiliman. Walang nagboluntaryo sa mga elemento na ito kaya napakunot ang noo ni Finn. Pinasadahan niya ng tingin ang mga naroroon at napadako ang tingin niya sa mga moriyan—sa lahing nagtataglay ng natural na kapangyarihan ng kadiliman.

At habang ang iba ay nananahimik, si Goyle na likas ang kapangahasan ang bumasag sa katahimikan.

“Manonood na lamang ba kayo, Gorden, Rivern?” Pasinghal na tanong ni Goyle.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Where stories live. Discover now