Chapter LXXIV

5.1K 881 58
                                    

Chapter LXXIV: Really Grateful

“Hmph! Ang Finn Silva na iyon... mukhang kailangan na natin siyang iwasan at ang kaniyang pinamumunuang puwersa. Mas makabubuti para sa atin na iwasan sila sa hinaharap lalo na ngayong pumanig na sa kanila ang Water Celestial Tribe,” pasinghal na sabi ni Ragos, ng pinuno ng mga forsaken. “Nagkaroon na tayo ng pagkakataon, subalit dahil sa pakikialam ng iba, hindi natin nagawang mapaslang o makuha si Finn Silva. Nakakapanghinayang, sadyang nakakapanghinayang,” dagdag niya pa na para bang dismayadong-dismayado siya.

Pero, makaraan ang ilang sandali, makahulugan siyang ngumiti at patuloy na nagsalita, “Subalit, hindi na bale. Mas lalong naging kapana-panabik ang mga mangyayari sa mundong ito dahil sa pag-unlad nila. Hindi na ako makapaghintay na masaksihan ang malawakang labanan... at kung susuwertehin, dinadalangin kong sana ay madamay ang mga kasumpa-sumpang moriyan sa mga babagsak na puwersa sa mundong ito.”

“Inagaw nila ang dapat na para sa atin. Magagamit sana natin ang mga Nephirium Ore sa minahang iyon para makabuo ng koneksyon sa Creation Palace, subalit dahil sa kanilang pang-aagaw, nawala sa atin ang lahat at nabawasan pa tayo ng mga kasamahan,” dagdag niya at hindi niya mapigilang lantarang ihayag ang kaniyang pagkasuklam sa mga moriyan.

“Magpapatuloy ba tayo sa pagtugis sa mga tagalabas, Pinuno? Marahil doon ay makakabawi tayo. Kung pupuntiryahin natin ang mga tagalabas na may hindi pangkaraniwang estado sa lugar na tinatawag nilang divine realm, malaki ang posibilidad na makakuha tayo ng kapaki-pakinabang na kayamanan mula sa kanila,” suhestyon ni Vegos.

Muling lumapad ang ngiti ni Ragos matapos niyang marinig ang mungkahi ni Vegos. Tumango-tango pa siya at binasa niya ang kaniyang mga labi bago siya masiglang tumugon. “Magandang ideya iyan! Kailangan lang nating mangalap ng impormasyon patungkol sa kanila. Mas masayang kalaro ang mga adventurer na nagtataglay ng matataas na ranggo, subalit nalilimitahan sila ng mundong ito. Siguradong matinding pagkamuhi ang ipararamdam nila sa atin, at hindi na ako makapaghintay na makita ang kanilang reaksyon kapag sinimulan na natin ang pakikipaglaro sa kanila.”

Nanabik ang mga forsaken sa kanilang bagong misyon. Hindi sila nagtagumpay sa isinagawa nilang pakikipagsapalaran sa libingan. Wala silang nakuhang kapaki-pakinabang na kayamanan bukod sa mga kayamanang nakuha nila sa kanilang mga napaslang, ganoon man, muli silang nagkaroon ng magandang plano kung paano sila makakabawi mula sa kanilang mga pagpalpak.

At iyon ay walang iba kung hindi ang pagpuntirya sa mga indibidwal o pangkat na mula sa divine realm.

--

Katahimikan ang namayani sa loob ng silid. Malalim pa ring nag-iisip si Finn tungkol sa kaniyang mga nalaman. Hindi lang ito basta-bastang bagay kaya labis niya itong ikinababahala.

Pero, may sumagi sa kaniyang isipan. Bigla niya na lamang naimahe ang mga malalapit sa kaniya--ang kaniyang mga kaibigan, kapamilya, at kasama sa New Order. Muli niya ring naalala na siya ay isang nilalang na sumasalungat sa kagustuhan ng kalangitan kung hindi niya ito gusto, at matapos siyang maliwanagan kung ano ang nararapat niyang gawin, bumalik siya sa ulirat at agad siyang huminahon.

‘Ang kamatayan ko... kailangan iyong mapigilan. Ang unang pangitain ni Filvendor ang totoo kong kapalaran, at ako na ang magdedesisyon noon. Hindi ko hahayaan na ang kalangitan ang magpapasya kung ano ang mangyayari sa akin sa kasalukuyan at sa hinaharap dahil ako--si Finn Silva--ang gagawa sa aking tadhana,’ sa isip ni Finn.

Matapos maliwanagan na kailangan niya lang magtiwala sa kaniyang kakayahan, agad niyang itinuon ang kaniyang tingin kay Filvendor. Matamis siyang ngumiti rito at malumanay siyang nagtanong.

“Alam mo nang posible akong mamatay nang hindi naisasakatuparan ang pagpuksa sa mga diyablo. Ngayon... handa pa rin ba kayong samahan ako at ang New Order sa hangarin naming mapuksa ang mga diyablo?” tanong niya.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Where stories live. Discover now