Chapter LXV

4.7K 843 48
                                    

Chapter LXV: Departure and the Next Plan (Part 2)

“Pinaslang namin sina Deronia at Hannibal ganoon din ang kanilang mga tauhan kaya siguradong marami na ang hahabol sa atin na nagmula sa divine realm. Tauhan si Deronia ng kasalukuyang alchemy god, at dahil nagtataglay ako ng blue-green alchemy flame, hindi nila ako tatantanan at gagawa sila ng paraan para iligpit ako. Marami sa kanila ang nakikita tayo bilang malaking banta dahil sa ating mabilis na pag-usbong, at kung hindi nila makukuha ang lingkod natin, sa isip nila, mas mabuti pang pabagsakin na lang nila tayo kaysa mas umusbong pa tayo.”

Patuloy pa rin si Finn sa pagsasalita sa unahan. Iniisa-isa niya pa rin ang mga kaganapan sa loob ng libingan, at ngayon, nasa paksa na siya kung saan sinalakay sila nina Deronia at Hannibal.

“Hangga't naririto tayo sa mundong ito, walang magagawa ang mga taga-divine realm sa atin. Hindi sila banta sa atin, at magiging banta lang sila kapag muli nang naglaho ang mundong ito,” komento ni Yuros. “Ang tanong na lang ay kung hanggang kailan pa magtatagal ang mundong ito? Hindi pa tayo handa para makipagkompetensiya sa malalakas na puwersa sa divine realm. Marami na tayong kalaban, at kapag sunod-sunod nila tayong pinuntirya... siguradong hindi maganda ang kahahantungan natin.”

“Sa pagkakaunawa ko, ang impluwensya ng alchemy god ay hindi dapat maliitin. Kaya niyang tapatan ang puwersa ng isang emperador o imperatris dahil sa lawak ng kaniyang koneksyon. Marami ang handang tumulong sa kaniya dahil karamihan sa mga adventurer, malakas man o hindi ay gustong sumipsip sa kaniya para sa mga benepisyo. Pero ang mas malaking problema natin ay ang Blood Demon Emperor. Siguradong hindi niya rin palalampasin ang paggamit mo kay Reden, sa kaniyang dating pinakamalakas na heneral, bilang isang soul puppet. Hayagan mong ipinasaksi sa mga taga-divine realm na ginawa mong soul puppet ang kaniyang tauhan kaya hindi malabong manggalaiti siya sa galit at gumawa ng paraan para mapaslang ka lamang,” dagdag niya pa.

Ngumiti si Finn dahil sa mga sinabi ni Yuros. Bahagya siyang tumango rito at sinabing, “Salamat sa mga sinabi mo, Kapitan Yuros. Iyan na rin sana ang sasabihin ko upang paalalahanan kayo sa panganib na papalapit sa atin sa oras na mawala na ang mundong ito. Kahaharapin natin ang malalakas at maiimpluwensiyang kalaban kapag nawala na ang Land of Origins, at kagaya nga ng sinabi mo, hindi pa tayo handa para labanan sila. Pero, bahagi iyon ng pakikipagsapalaran natin--bahagi iyon ng pagsasakatuparan ng ating hangarin na maging pinakamalakas na puwersa sa buong sanlibutan.”

“Hindi natin kailangang matakot kahit na kanino. Tayo ang may pinakamalaking potensyal na maging pinakamalakas na puwersa sa lahat dahil napakarami nating kayamanan na makatutulong sa ating pagpapalakas. Taglay natin ang mga naiwang kayamanan ng Beast God at Dragon God. Naging sobrang mabunga rin ang ating pakikipagsapalaran sa mundong ito dahil nakakuha tayo ng magandang karanasan sa aktuwal na pakikipaglaban. Bukod pa roon, sa tingin ko ay tayo lang ang puwersa na binubuo ng iba't ibang lahi, subalit nagagawa nating magkasundo. Mayroon tayong iba't ibang lakas na hindi kayang tapatan ng iba. Ang mga ito ang ating kalamangan at basta mabibigyan pa tayo ng ilan pang taon, mayroon din tayong magagawang Demigod Rank. Kung walang indibidwal o pangkat na mayroong Demigod Rank ang gustong umanib sa atin, tayo ang magpapalakas para magkaroon tayo ng mga Demigod Rank,” dagdag niyang paliwanag.

Matapos magsalita ni Finn, tumayo si Yopoper. Mababakas ang malapad na ngiti sa kaniyang mukha, at nag-uumapaw sa determinasyon ang kaniyang mga mata.

“Kasama mo kami, Panginoong Finn! Gagawin ng ikalawang dibisyon ang lahat para maisakatuparan ang hangarin ng New Order. Handa kaming lumaban kahit kanino, at kung kinakailangan, handa kaming ibuwis ang aming buhay para sa iyo! Panginoong Finn, sumusumpa ako na hanggang wakas, sa iyo lang ang katapatan ko at sa iyo lang ako maglilingkod!”

Ganito katindi ang determinasyon ni Yopoper dahil masayang-masaya siya sa una nilang pakikipagsapalaran bilang miyembro ng New Order. Naipamalas na nila ang kanilang lakas, at naipakita nila sa iba ang kanilang kakayahan bilang mga soul puppet master.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Where stories live. Discover now