Chapter III

5.4K 789 62
                                    

Chapter III: The Father of All Dragons

Unang nakabawi si Grogen mula sa sobrang pagkabigla. Napahinga siya ng malalim. Pinilit niyang huminahon kahit na sobrang komplikasyon ang nararamdaman niya ngayon. Pinagmasdan niyang mabuti ang dambuhalang bangkay na nasa ibabaw ng tambak ng mga kayamanan. Sinigurado niya munang totoo ang nakikita ng kaniyang mga mata, at noong mapagtanto niyang hindi siya namamalikmata, isa lang ang agad na pumasok sa isip niya.

Natagpuan na nila ang kanilang hinahanap. Natatanaw na nila ngayon ang pakay nila sa lugar na ito.

“K-Kagalang-galang na Grogen... ang bangkay na nasa ibabaw ng mga kayamanan... posible kayang siya na ang tinutukoy nilang Dragon God..?” Nag-aalinlangang tanong ni Leonel.

Hindi niya na napigilan ang kaniyang sarili. Masyado siyang nabigla sa kanilang natanaw at hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman sa kasalukuyan. May bahagi sa kaniya na nananabik, pero nangangamba rin siya dahil hindi niya alam kung ano ang nakaabang sa kanila kapag nagtungo sila sa tambak ng mga kayamanan kung saan naroroon ang dambuhalang bangkay.

May iba siyang nararamdaman dito, subalit hindi niya alam kung panganib ba ito o oportunidad kaya naghintay siya ng opinyon mula kay Grogen ukol sa sitwasyon na ito.

“Malaki ang posibilidad, pero...” bumaling si Grogen kina Ceemara. “Kung mayroon mang makakakumpirma sa tanong mong iyan, sila iyon at hindi ako.”

Bumalik din sa ulirat sina Oglir. Pinilit din nilang huminahon. Nakipagtinginan pa sila sa isa't isa bago may magdesisyon na magwika.

“Hindi rin namin makukumpirma ang inyong hinala sapagkat hindi kami nabuhay sa panahon ng Dragon God,” saad ni Oglir. Huminga siya ng malalim. Pinanliitan niya ng tingin ang katawan ng dambuhalang dragon at sandali siyang napaisip. “Pero, tugmang-tugma ang hitsura ng Dragon God sa bangkay na iyan kaya posibleng... posibleng iyan na nga talaga ang bangkay ng Dragon God.”

Hanggang ngayon, hindi pa rin sila makapaniwala sa kanilang mga nararanasan. Bawat isa sa kanila ay hindi inaakala na darating sila sa punto ng kanilang buhay na personal nilang makikita ang katawan ng aktuwal na diyos. At hindi lang bangkay ng isang diyos ang kanilang nakita. Padalawa na ito at ang una ay walang iba kung hindi ang bangkay ng Beast God.

Isa itong napakagandang karanasan para kina Ceemara, Oglir, Vord, at Fenris. Dito sila namulat sa mundo ng mga diyos, subalit kahit kailan, hindi nila personal na nakita ang isang aktuwal na diyos. Nasusulat lang iyon sa kasaysayan kaya mayroon silang alam, pero magmula ng manumpa sila ng katapatan kay Finn at sumali sila sa New Order, sunod-sunod na kamangha-manghang bagay na ang kanilang nasasaksihan at nararanasan. Isa itong oportunidad na minsan lang daraan sa buhay nila dahil sa totoo lang, maraming naninirahan sa divine realm ang naghahangad na matagpuan ang mga naiwang kayamanan ng diyos o kahit ang bangkay ng aktuwal na diyos.

“Bangkay ng isang totoong diyos...” pabulong na sambit ni Loen. “Hindi ko lubos-akalain na makakakita ako ng isang aktuwal na diyos sa tanang buhay ko. Higit pa roon, iyan ang bangkay ng Dragon God... ang siguradong pinagmulan ng lahat ng dragon.”

Pinagmasdan ni Grogen ang reaksyon ng kaniyang mga kasama habang pinananatili niya pa ring kalmado ang kaniyang ekspresyon. Totoong nagulat din siya at nananabik sa kasalukuyang sitwasyon na kinalalagyan nila, ganoon man, mas prayoridad niya kung ano man ang benepisyong makukuha nila sa nangyayaring ito. Hindi siya naparito para lang makita ang bangkay ng isang diyos, nagsumikap siyang makarating dito dahil gusto niya pang lumakas at gusto niyang magkamit pa ng kapangyarihan na higit sa nakamit niya noon.

Nasa harapan niya na ang oportunidad. Natatanaw niya na ang posibleng paraan para magkaroon pa ng pag-unlad sa kaniyang kapangyarihan at potensyal.

“Lalapit pa ako. Hindi sapat na pagmasdan lamang ang bangkay na iyan. Gusto kong makumpirma ang hinala natin at hangad kong malaman kung may kapaki-pakibang ba sa tambak ng mga kayamanan na iyan,” lahad ni Grogen. “Kung gusto n'yo sumunod, malaya kayong sumunod. Gayunman, pinaalalahanan ko ang bawat isa sa inyo na wala ni isa sa atin ang may karapatang mangkamkam ng kayamanan nang wala ang pagpayag ng iba.”

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Where stories live. Discover now