Chapter XL

4.5K 876 40
                                    

Chapter XL: The Minokawas

“Minokawa..? Ang maalamat na halimaw na sinasabing may kakayahang mabuhay sa kalawakan kahit gaano pa katagal? Kaya nilang maging kasinlaki ng isang planeta kung gugustuhin nila at ang kakayahan nilang gumamit ng kapangyarihan ng araw ay sinasabing pangalawa lamang sa Sun God,” seryosong sabi ni Oglir. “Akala ng lahat ay naubos na ang kanilang lahi matapos ang digmaan ng mga diyos. Kasama silang nawala ng iba pang makakapangyarihang puwersa, pero sa nakikita ko, umiiral pa rin pala sila hanggang ngayon at naninirahan lang sila sa lugar na ito,” dagdag niya.

Napakunot ang noo ni Finn matapos niyang marinig na magsalita ang pinuno ng mga centaurion. Binalingan niya ito ng tingin at seryosong nagtanong, “Nahihiwagaan lang ako... ano'ng koneksyon nila sa Sun God? Isa rin ba sila sa mga nabiyayaan ng kapangyarihan nito?”

Umiling si Oglir at seryosong tumugon, “Hindi. Ang Sun God at ang mga minokawa ay hindi magkasundo. Ang lider ng mga minokawa noon ay nais palitan ang Sun God sa titulong pinakamakapangyarihang nilalang na may kakayahang gumamit ng kapangyarihan ng araw, subalit hindi sila nagtagumpay at palagi silang natatalo sa tuwing nagkakaroon ng sagupaan.”

“Ang mga minokawa ay isa lang sa mga lahing kumakalaban sa mga diyos. At kahit diyos ang kanilang kalaban, hindi sila nagagapi dahil sa kanilang taglay na kapangyarihan noon,” dagdag niya.

Napangiwi na lang si Finn dahil sa kaniyang mga narinig. Hindi niya nabasa sa aklat na ibinigay sa kaniya ng Creation Palace ang tungkol sa mga impormasyon na ito. Ganoon man, dahil mula ito sa pinuno ng mga centaurion, ng isang sinaunang lahi, hindi siya naghinala. Naniniwala siya sa mga ibinahaging impormasyon ni Oglir dahil sa isip niya, walang dahilan para magsinungaling ito sa kaniya.

Sa kabilang banda, naging tensyonado at alerto pa lalo ang mga miyembro ng New Order dahil napagtanto nila na mali ang desisyon nila sa pagpasok sa pugad na ito.

“Ibig bang sabihin ay mali ang imbestigasyon ng mga miyembrong nakatuklas sa kanila..? Kung gano'n, malaki ang posibilidad na hindi lang Saint Rank ang pinakamalakas sa kanila,” ani Finn. “Pero, ang mga minokawa na ito... dalawa sa kanila ay nasa Saint Rank lang kaya may pagkakataon pa tayong makatakas.”

Sasabihan na sana ni Finn si Auberon na paatrasin ang buong New Order, ganoon man...

SWOOSH!

CHIRRRRRP!

Hindi na naituloy ni Finn ang sasabihin niya dahil bigla na lamang lumipad patungo sa kanila ang dalawa sa limang minokawa. Humarang ang mga ito sa kanilang dinaanan kanina habang ang tatlo pang minokawa ay nanatili lang sa kanilang kinaroroonan habang kapansin-pansin ang kanilang pagbabagong-anyo.

Nag-anyong tao ang tatlo. Ang nangunguna sa tatlo ay isang babae. Ito ang pinakamalakas na Saint Rank, isang Supreme Saint Rank habang ang dalawa pa nitong kasama ay dalawang lalaki na ang isa ay nasa Chaos Saint Rank at ang isa ay nasa Abyssal Immortal Rank.

Matapos makapag-anyong tao ang tatlong minokawa, naglaho ang kanilang pigura at lumitaw sila ilang metro ang layo sa kinatatayuan ng New Order. Walang mababakas na emosyon sa kanilang mga mata habang nakatingin sila kina Finn.

“Akala ko ay nagkakamali lang ako ng naramdaman, subalit totoo nga talaga na bukod sa amin, mayroon pang ibang nilalang na nasa lugar na ito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mayroong napadpad dito kaya naman.. ano ang ibig sabihin nito? Sabihin ninyo sa amin kung sino kayo at kung paano kayo napadpad dito kung hindi ninyo hangad na magkagulo,” kalmadong pagbabanta ng babae.

Napasinghal si Eon. Ikinuyom niya ang kaniyang kamao at magsasalita na sana siya, subalit nahagip ng kaniyang mga mata ang matalim na tingin ni Meiyin. Muli niyang naalala ang paalala ni Finn kaya napatikom ang bibig niya at nagtimpi na lang siya ng galit.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Where stories live. Discover now