Chapter CXLVII

5.4K 941 97
                                    

Chapter CXLVII: Because He's the True Chosen One

Kagaya ng lahat, gulat na gulat din sina Maya at Mira sa puntong magkasabay nilang inalis ang saklob ng kanilang suot na balabal. Tama, kabilang din sila sa mga tagalabas na nanonood lang sa nangyayaring gulo at hindi nakikialam sa laban. Wala sa plano nila na makisali sa huling hamon dahil naririto lang sila para magmasid at alamin pa ang ibang impormasyon tungkol kay Finn. Ito lang ang dahilan kaya nananatili sila sa Land of Origins at hindi pa sila bumabalik divine realm kahit na ilang taon na ang nakararaan.

At matapos ang lahat ng nangyari mula noong magpakita si Finn sa pinangyayarihan ng laban, patuloy silang nagugulat sa bawat impormasyon na kanilang nalalaman.

Si Finn ay isa nang Abyssal Saint Rank. Iilang taon pa lang ang lumipas, subalit napakalapit na nitong makaabot sa Demigod Rank. Napag-alaman din nila na nagtataglay ito ng dalawang divine artifact na sobra nilang ikinabigla. Alam na alam nila kung gaano kahirap magkaroon ng divine artifact dahil kakailanganin nilang makipagdigmaan sa adventurer na nagmamay-ari ng ganito para magkaroon ng pagkakataon na mapasakamay nila ang pambihirang kayamaan na ito.

Ganoon man, dahil sa rami ng kailangang isakripisyo at isaalang-alang, hindi sumusugal ang kanilang puwersa. Hindi rin ganoon katindi ang kagustuhan ng kanilang kamahalan na magkaroon ng divine artifact dahil naniniwala ito na kahit walang divine artifact ay posible pa rin siyang maging pinakamalakas na nilalang sa divine realm.

Samantala, isa pang hindi lubos na mapaniwalaan ng kambal na heneral ng Celestial Sea Empress ay ang kakayahan ng mga water celestial ng New Order na gumamit ng water celestial skill. Hindi pa nila alam ang impormasyon na maaaring matuto ang mga water celestial ng mga water celestial skill, pero ngayon, aktuwal nilang nasaksihan ang pangyayaring iyon kaya mayroon na silang mahalagang impormasyon na madadala pabalik sa divine realm.

Hindi nila ikinakaila na labis ang pananabik nila matapos malaman ang tungkol sa impormasyong ito. Matagal na nilang hinahangad na mapaunlad pa ang kanilang mga sarili, at kung matututunan nila ang mga water celestial skill ng kanilang kamahalan, siguradong mas lalakas pa sila.

Hindi naisip nina Maya at Mira na si Finn ang nagturo sa mga water celestial ng Land of Origins dahil sa tingin nila, sadya nang marunong gumamit ng water celestial skill ang mga ito. Hindi sila naghinala, at ka-inti-intindi iyon dahil wala silang pa silang alam sa katotohanan. Ganoon man, sa kasalukuyan ay kanila na iyong malalaman.

Labis na ikinagulat nina Mira at Maya ang kasalukuyang nakikita ng kanilang mga mata. Kahit sa kanilang panaginip ay hindi nila maiisip na posible itong mangyari dahil talagang napakaimposible na umiral ang isa pang Water Celestial King o Water Celestial Queen habang umiiral ang kanilang pinaglilingkurang reyna.

Kaya ngayon, ang tanong ng dalawa sa kanilang sarili ay kung bakit at paanong nagtataglay si Finn ng Celestial Wrath na kapareha ng kanilang reyna? Buhay pa ang kanilang reyna kaya paanong mayroong umiiral na hari ng mga water celestial?

“Imposible! Hindi totoo ang bagay na ito! Mayroong mali rito... sigurado akong hindi totoo ang Celestial Wrath ng Finn Silva na 'yan!” bulalas ni Mira habang mababakas pa rin ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa kaniyang mukha. “Tama! Siguro ay ito na nga ang dahilan kaya nagawa niyang mapasunod ang mga water celestial ng mundong ito! Siguradong ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang Water Celestial King kaya sila sumumpa ng katapatan sa kaniya! Pangahas siya! Nilinlang niya ang iba at inagaw niya pa ang pagiging pinuno ng ating reyna!”

Halata ang matinding panggagalaiti kay Mira dahil pakiramdam niya, nabastos ang kanilang pinaglilingkurang reyna. Sa mga mata niya ay isang huwad si Finn dahil nagkukunwari itong Water Celestial King, ganoon man, hindi sila pareho ng sentimiento ni Maya.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum