Chapter I

9.3K 935 85
                                    

Chapter I: The Source of Power

SWOOSH!

Iwinasiwas ni Eon ang kaniyang palakol patungo sa isang munting nilalang na pasugod sa kaniya. Ang munting nilalang na ito ay maihahalintulad sa nilalang na tinatawag na sprite--isang nilalang na walang pisikal na katawan at karaniwang naninirahan sa tubig. May pagkakatulad ang mga sprite sa mga fairy. Mayroon din silang mga pakpak at matutulis na tenga. Ganoon man, wala silang karunungan at animo'y mababangis silang halimaw na umaatake sa ibang nilalang na nanghihimasok sa itinuturing nilang teritoryo.

Ang mga sprite ay hindi ipinapanganak. Basta na lang silang lumilitaw dahil sa pagkakalantad sa isang partikular na enerhiya. Hindi pamilyar sina Eon sa uri ng sprite na kanilang kinakalaban, pero nakararamdam sila ng mahinang aura ng dragon mula sa mga ito kaya sigurado silang ang mga ito ay nabuo dahil sa enerhiyang pagmamay-ari ng isang dragon.

Dahil dito, nakumpirma nila na napakalakas nga talaga ng dragon na nandirito dahil may mga nabuong kakaibang sprite sa lugar na ito.

Samantala, matapos tamaan ng atake ni Eon, agad na nahati sa dalawa ang munting nilalang. Sandali nitong napanatili ang kaniyang kamalayan. Naibuka pa nito ang kaniyang bibig at nakapaglabas pa siya ng napakatinis na iyak subalit hindi nagtagal, nagliwanag ang kaniyang katawan hanggang sa maging butil siya ng liwanag na kumalat sa paligid.

Matapos mapatay ang munting nilalang, muling nakaramdam si Eon ng mararahas na enerhiya na nagmumula sa kaniyang likuran. Napasimangot na lang siya at paglingon niya, nakita niyang pasugod sa kaniya ang tatlo pang kakaibang nilalang.

“Hindi ba mauubos ang mga pesteng ito?! Saan ba sila nagmumula at bakit napakarami pa rin nila kahit daan-daan na ang napapaslang ko sa kanila?!” Iritadong tanong ni Eon.

Sinugod niya ang tatlong munting nilalang at hinampas niya ang mga ito ng kaniyang palakol. Nagawa niyang mapatay ang tatlo sa isang wasiwas lamang. Hindi niya kailangang magsumikap para paslangin ang mga kalaban dahil mahihina lang ang mga ito at walang masyadong kapabilidad na lumaban, ganoon man, sa halip na matuwa dahil madali niyang napapatay ang mga ito, mas lalo pa siyang nainis dahil habang tumatagal, parami nang parami ang mga munting nilalang na lumilitaw kung saan para sila ay guluhin.

Hindi banta ang mga ito sa kanilang buhay, pero nakakagulo ang mga ito at nakakapagdulot pa rin ng pinsala kapag hinayaan na lang. Iyon ang rason kaya inaatake nila ito ngayon habang patuloy pa rin nilang hinahanap kung nasaan ang hangganan ng nakakalitong maze.

Lumapit sina Poll at Meiyin kay Eon. Mayroon ding mga munting nilalang na umaatake sa kanila, subalit walang kahirap-hirap lang nila itong napapatay. Nagkumpulan muli sila at hinayaan nila na ang mga nasa espesyal na dibisyon ang kumalaban sa mga munting nilalang. Hindi sila maaaring magpatuloy sa ganito dahil habang tumatagal, kumukonsumo ng enerhiya ang pakikipaglaban sa mga nanggugulong munting nilalang.

Hindi nila alam kung ano pang panganib ang naghihintay sa kanila sa lugar na ito. Ito ang huling hantungan ng Dragon God kaya malaki ang posibilidad na mayroong panganib ang naghihintay sa kanila rito. Inaasahan na nila iyon kaya hangga't maaari, dapat ay nasa maayos silang kondisyon para lumaban o sumuong sa panganib.

Nang makakuha na sila ng tiyempo para makapag-usap, binalingan ni Meiyin ng tingin si Eon. Seryoso ang kaniyang ekspresyon at halatang hindi niya na rin makayanan na maging kalmado sa ganitong sitwasyon.

“Hindi tayo maaaring magpatuloy sa ganito. Mahihirapan tayong makausad kung pagtutuunan pa natin sila ng pansin dahil mas lalo tayong napapatagal dahil sa panggagambala nila. Hindi rin natin sila matakasan dahil may kakayahan silang tumagos sa mga haligi,” seryosong sambit niya. “Kailangan na nating tapusin ito dahil baka kung ano pa ang kahantungan natin kapag totoong panganib na ang kahaharapin natin,” dagdag niya.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Där berättelser lever. Upptäck nu