Heartless

22.1K 747 522
                                    

Isa's POV

My head slowly tilted to the side while watching Raphael struggle to stand. His back hit the metal wall of the facility, and left a shallow crater before his body made a loud thud on the floor.

Nanatili akong nanonood sa inabot niyang kondisyon pagkatapos kaming maglaban ng higit sa isang oras.

Ang dating puti sa katawan niya ay nagkakulay ng pula. Nabalot ang kanyang katawan sa sarili niyang dugo, mula sa kanyang buhok hanggang sa kanyang mga sapatos.

I smirked.

The only thing left that's shining on his body is the once in a while shimmer of his silver accessories. Though covered in blood, the piercing on his lips managed to reflect a bit of light, and it continued to glow when he curved his lips into a sarcastic smile.

Mula sa kanyang duguang labi, umangat ang aking tingin sa mga mata niyang nanlilisik sa tuwa.

Nagawa nga naman niyang tumayo nang nakatukod ang isang kamay sa pader, habang yung isa ay nakahawak sa mahabang hiwa sa kanyang tagiliran.

"Red looks good on you," puna ko.

What I said obviously caught him off guard. I heard him skip a breath. 

Don't get me wrong. He's not the only one struggling to stand. My legs feel heavier too, and they're completely bruised and wounded. I've only managed to keep my balance because of the tall scythe I held beside me.

Humigpit ang aking pagkakahawak sa sandata ko nang harapin na niya ako, suot pa rin ang kakaiba niyang ngiti.

Tila nahawa ako rito dahil napangiti rin ako. Kumibot sa sakit ang isang sulok ng aking labi dahil sa pag-angat ko nito pero madali naman itong balewalain. 

Madali naman talagang balewalain ang sakit, lalo na kung gusto mo ito.

At ayon sa ngiti niyang lumapad, nalaman kong alam din niya na naglalaro pa lang kami. Sa duguang labanang ito, walang ni isa sa'min ang totoong nagtangkang pumatay.

Tumuwid ang kanyang likod. Bumaba ang kamay niyang nakakapit sa kanyang tagiliran, at nagsimula nang maglaho ang kanyang ngiti, kasabay ang pagbaba ng kanyang noo. Natabunan ng anino ang dating maluwag na ekspresyon sa kanyang mukha at nang muli ko itong nasilayan, nakita ko ang inis na dumapo rito.

"Did I cross a line?" I realized I reached the end of his patience. "I thought we were having fun?"

He snickered before spitting blood.

"You broke what's left of my wings," he said as he wiped the blood off a bruise on his cheek, and stained his glove.

His glove...

Hindi ako sumagot at sa halip ay nanood kung paano niya tanggalin ang mga ito at ibinungad sa'kin ang mapuputla niyang kamay at mahahabang daliri.

"You can't see me," I reminded him. "Stop showing off."

"I see you're getting the hang of it," aniya. "Wearing your grandfather's helm."

"Must be fun," dagdag pa niya. 

"Yeah," sang-ayon ko.

"No, I'm not talking to you," sabi niya, na ikinakunot ng aking noo. "I'm talking to my brother," dugtong niya. "...in-law..."

Nagtaka pa rin ako dito.

"I, am a son of death. I can see through everything. I can see souls, I can see more than the dead," he said. "And now I come across the helm of Hades, a weapon, that renders my powers useless."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now