Frustrations

22.6K 2K 3.3K
                                    

Vance's POV

I pulled my blazer up my chest and hurriedly walked through the corridors of the Beta's dorm. I buttoned my polo uniform first before tugging to loosen my collar.

"Good morning, Vance," bati ng mga babaeng estudyante sa'kin na nakasalubong ko pababa ng hagdan.

Hindi ko sila binalingan ng tingin. "Good morning, ladies."

Nilaktawan ko ang panghuling tatlong hakbang at sa sandaling lumapat ang aking mga paa sa open hallway, panandalian kong ginulo ang aking buhok bago patakbuhin ang aking palad dito upang maayos ito.

Nagsimula na ulit akong maglakad papaalis ng building habang binubutones ang blazer ko.

Ramdam ko ang mga mata ng isang grupo ng mga lalaki na nilagpasan ko. May iba sa kanila'y napakunot ng noo at may iba ring napasingkit, para padalhan ako ng nanghihinalang tingin.

Sinulyapan ko lang sila mula sa sulok ng aking mga mata, saka itinuon ang aking atensyon sa lalaking nakapamulsa malapit sa nakabukas na gate.

Nang makarating ako sa tabi niya, sinabayan niya ako papalabas ng residential area ng Beta Class.

"You know it's hard to stop by the Beta's residence when I could just summon a portal to the school, right?" ani Grey.

"We're taking the platform?" tanong ko.

"Mmm." He hummed in response. "We still have time."

I adjusted my cuffs. "Did my sister notice I spent another night away?"

"She probably did," sagot niya. "But you know she's not one that talks."

Sinundan ito ng ilang minuto ng katahimikan habang inaayos ko ang aking sarili.

"Pull up your collar," tugon ni Grey. "You have a mark."

"Shit-" I said under my breath and circled my neckline with my hand. "I told them not to leave anything-" Scowling at the disobedience, I pulled my collar to cover the base of my neck.

"Them?"

Napabuga ako ng hangin. "Two."

"You know, I still don't get why you can't wait until the next school break," mahinahon niyang sabi. "I thought you already spent our last summer vacation in the island?" tanong niya. "While your sister just stayed in your apartment."

"I did," matipid kong sagot.

Pagkarating namin sa platform, sinalubong kami ni Henri na kahahatak lang ng isang sleeve niya para takpan ang kanyang relo.

Of course he would know when and where to meet with us without asking. He was, the son of Destiny.

"There's lipstick on your jaw," pagbibigay-alam ni Henri sa'kin nang makasakay kaming tatlo ni Grey sa platform.

"Seriously?" naiinis kong sambit at hinagod-hagod ang aking panga.

Ilang sandali pa'y nakarinig kami ng mahihinang hagikgik, kaya sabay kaming napalingon ni Grey sa mga babaeng nasa likod namin.

Meanwhile, Henri just quickly lowered his head to the side to give a subtle glance.

Nagpalitan kami ng tingin ni Grey bago muling humarap sa tanawin ng village na unti-unting lumiliit sa aming paningin.

"Fortunate of you to not have been in the dorm last night, Vance." Itinaas ni Grey ang kanyang noo at humugot ng malalim na hininga.

My brows furrowed with curiosity. "Why?"

Legends of Olympus (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon