The Omega Way

26.4K 2.3K 3.8K
                                    

Reign's POV

Nakapangalumbaba kaming tatlo nina Hedone at Paige sa kusina habang pinapanood si Ash na naghuhugas ng pinggan.

Hedone and I had both our elbows on the counter while Paige just leaned on one arm with her other hand resting on an open book.

Narinig ko ang mabagal na pagbuntong-hininga ni Hedone na pinagitnaan namin.

"Attention, to the representative of Omega Class, you are being called to the conference room."

Mabilis ang paglingo'ng ginawa namin ni Paige sa isa't isa.

Yung meeting!

"Paige-" sambit ko at dali-dali kaming nagsibabaan sa aming mga upuan. "Paige!" Kumaripas kami ng takbo sa harapan ng dorm.

Pagkalabas namin, sabay kaming lumundag at gamit ang aming mga kapangyarihan, mabilis kaming lumipad paangat sa lumulutang na isla.

Nang makapasok kami sa Academy, inayos namin ang aming mga sarili at patakbo lang na naglakad patungo sa conference room.

Isang aurai ang bumukas ng pinto para sa'min. Tinanguan namin siya bago pumasok sa silid kung saan naghihintay ang ibang teachers at class representatives sa'min.

"My apologies," tugon ko. "We had a visitor."

Sa loob ng malawak na silid ay may malaking circular table na pinalibutan nilang lahat. May hugis-bilog din na espasyo sa gitna ng mesa kung saan nakatayo si Miss Bliss.

Nginitan niya kami. "It's okay."

Dumiretso kami ni Paige sa magkatabing bakanteng upuan at nagsiupuan.

Nagpalitan kami ni Paige ng tingin bago ituon ang aming mga atensyon sa folders na nasa'ming harapan.

"You can now open your folders," sabi ni Miss.

Sabay-sabay namin itong binuksan, at bumungad sa'kin ang isang mahabang table kung saan naka-printa ang mga petsa, mga lugar at ang mga bansang kinabibilangan nito.

"That's information provided by Mr. Austria, about the decreasing populations of mythological creatures in the world."

Kumunot ang aking noo. Decreasing?

"For years, we have been on the look out of changes in our populations, and indeed we've noticed that there's something strange going on."

Inangat ko ang unang pahina at napatigil sa mga litrato ng mga bangkay ng mga aurai.

Lahat sa kanila'y tinanggalan ng mga pakpak at meron ding iba na nakatali pa ang mga paa't kamay.

"What the hell is this?" Narinig kong tanong ni Luke, ang representative ng Alphas.

Napapikit ako sa mga litrato, bago tignan ang kasunod na pahina kung saan naka-printa ang larawan ng mga katawan ng satyrs at centaurs na napuno sa mga pasa at sugat.

"Mr. Austria has been collecting intelligence about the massacre of mythological creatures from all corners of the world." Miss Bliss informed us. "And he just expressed his concern about its growing impact."

"He and his men has been controlling this issue for years now, but the time has come that he has asked the Academy for assistance."

I pursed my lips.

Dad...

"It's an international organization, he believes, that is the culprit," dagdag pa niya. "Their goal? power... and in doing so, they are greatly causing disturbance to both mythological and mortal realms."

Legends of Olympus (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon