One at A Time

17.1K 1.5K 973
                                    

Reign's POV

Sinundan ko ng tingin si Tito Chase na maingat na inihiga ang natutulog na Mikhail sa passenger's seat.

He's sleeping deep, because Doc said that the labyrinth drained energy from the children.

Nilingon ko si Mama na mahinang inuugoy-ugoy si Celeste at tinatapik ang likod nito simula nang makatulog ito sa kanyang bisig, kahihintay kay Dad na dumating dala yung kotse nila pauwi sa mortal realms.

"Are you sure you're going to be okay?" tanong ko sa kanya.

"Reign..." Humarap siya sa'kin. "Isa lang ang babantayan ko sa bahay. Pero ikaw, marami," paalala niya sa'kin. "Sigurado ka bang magiging okay ka rin?"

Huminga ako nang malalim at saka napailing, hindi alam kung anong isasagot.

"Skyreign..." Nanghina ang kanyang boses. "Hindi mo kailangang abutin ang langit para mamahala, katulad ng pangalan mo."

"Anak kita," sabi niya. "May mga magulang ka, kaya magsabi ka sa'min kung hanggang saan lang aabot ang lahat ng makakaya mo, dahil tutulungan ka namin."

"Minsan kasi nakakalimutan mo kung saan ka galing at sino yung mga kasama mo palagi." Gumuhit ang isang nag-aalalang ngiti sa kanyang labi. "Delikado 'yan, anak, alam mo ba 'yon?"

Umiling ako.

"Mahal kita, Reign, at ayokong makita ka na mawalay sa sarili mo para sa iba," aniya. "Huwag mong kalimutan kung sino ka, at ang mga taong minamahal at handang ipaglaban ka."

Napabuntong-hininga ako.

"Ikaw ang pinakamakapangyarihan na kilala ko," saad niya. "Pero mabilis lang matatapon ang lahat ng meron ka sa sandaling mauubusan ka ng pahinga at pasensya."

"Magpatulong ka..." Nanlambot ang kanyang ngiti. "Kung gusto mong mapasan ang bigat ng buong mundo, magpatulong ka."

"Kontrolado mo rin lahat, hindi ba?" Mahina siyang natawa. "Disiplinahin mo muna yung sarili mo, bawas-bawasan mo muna yung mga gusto mong gawin, pagkatapos, mamamalayan mo nalang na magagawa mo na pala lahat, nang hindi nag-aaksaya ng oras at enerhiya."

"Ganyan ang ginawa mo bago mo nadiskubre yung kakaibang kapangyarihan mo, anak," Lumapad ang kanyang ngiti. "Nag-train ka lang, pero hindi mo pinagod ang sarili mo. Nakita ko sa mga ala-ala mo."

"Sinunod mo ang sinabi namin ng Dad mo sa'yo, na magpatuloy pero magpahinga," aniya. "Masunurin ka pa no'n kasi ang bata-bata mo pa, eh..."

Napangiti na rin ako sa sinabi niya.

"Mahal kita, at nag-aalala ako sa'yo," paalala niya ulit. "Kaya sana mahalin mo rin ang sarili mo at mag-aalala ka rin hindi lang sa iba, kundi na pati sa'yo."

"Mmm," sang-ayon ko.

Pinaningkitan niya ako sabay ngiti, na para bang nanunukso.

"Aanhin ang napakaraming kapangyarihan ng mga kalaban, kung may Omegas naman kami na may sarili ding kapangyarihan..." Gumuhit ang determinasyon sa kanyang mukha. "Kapangyarihan na hindi nila kayang makopya, o kung makokopya man, hindi nila kayang malalamangan."

Tumango-tango ako. "I know, Ma."

"Papasok tayo sa digmaan ng mga kapangyarihan, handa ka ba rito?"

"I will be," sagot ko. "Eventually."

"Kung gano'n ipangako mo sa'kin na susundin mo yung sinabi ko. Na maghahanda ka, nang hindi nakakalimutang magpahinga."

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now