Breakthrough

17.9K 1.4K 1.2K
                                    

Amber's POV

Kung alam ko lang na matatagalan pala kami dito eh di sana naglaklak nalang ako ng gas para di ako maubusan ng kapangyarihan.

Sinunggaban ko ang hawak na kutsilyo ng huntsman. Dumaplis ito ng kaunti sa templo ng aking ulo, bago ko ito iginiya papalayo sa'kin. Pinasadahan ko siya ng nababagot na tingin saka siniko ang kanyang mukha.

Umikot ako sabay unat ng aking braso na may hawak ng kutsilyo.

"Ash!" sigaw ko at ibinato ito sa gawi niya.

Malakas niyang tinulak ang isang huntsman nang pumagitna ang ulo nito sa landas ng kutsilyo. Nang matamaan, napaatras ang huntsman nang ilang hakbang hanggang sa matalisod ito at nahulog mula sa platform.

"Amber?"

"Ay- puta-" Napamura ako sa gulat dahil kay Bella na sumulpot sa harapan ko.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang buong hitsura niya.

"Bella?!" Napuno sa maiitim na ugat ang kanyang mukha, pati na rin ang kanyang katawan. "Anong nangyari sa'yo?"

"Ah-" Yumuko siya upang suriin din ang sarili niya. "May mga tumama kasi sa'kin." Humagikgik siya. "Yung iba may lason."

Napalitan ng blankong ekspresyon ang pag-alala sa aking mukha. 

Bahagyang gumilid ang kanyang ulo nang may napansin siya sa likod ko. Inangat niya ang kanyang kamay at mula sa anino na nasa kanyang paanan, lumipad pataas ang isang duguang dagger.

Sinalo niya ito at matuling ipinadala sa kalabang pasugod sa likod ko.

Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa'kin. "Nakita mo ba bangkay ni Zack?"

Dahil sa tanong niya, napalinga-linga ako.

"Oo nga 'no?" sambit ko. "Sa'n na kaya katawan n'on?"

"Di na ako maka-teleport sa malayo, ih, baka lumipad pala 'yon," aniya. "Hanapin ko?"

"Huwag na," sagot ko. "Masasayang yung kapangyarihan mo kung hahanapin mo pa siya. Ipatay mo nalang ng huntsmen 'yan."

"Ah-haha..." Nagpakawala siya ng naaasiwang tawa, dahilan na mapangiti ako.

Sinenyasan ko siyang umalis. "Hanapin mo na."

Halatang nagulat siya sa biglaang pagbawi ko ng sinabi ko. "P-Pero-"

"Bilis!" Pagmamadali ko sa kanya. "Baka may ibang makapatay sa palakang 'yon."

Mahinang natawa si Bella. "Okie!"

Tila nahulog si Bella sa kinatatayuan niya nang kumalat ang kadiliman sa kanyang paanan at pumasok ang katawan niya rito.

Pagkaraan ng ilang segundo, unti-unti ring nandilim ang aking mukha.

Zack... Paige...

Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aking kapaligiran.

Nasa'n kayo?

Kami nalang dalawa ng kambal ko ang natira dito sa facility, at may bahagi sa'kin na nagsisimula nang mag-alala.

Umiling-iling ako.

Ba't ba ako kinakabahan? Eh, may tiwala naman akong hindi magpapatalo ang mga 'yon. Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na nagkahiwa-hiwalay kami habang naglalaban.

Tinignan ko si Ash na pinalibutan ng sampung huntsmen.

At dahil nauna kong naubos ang huntsmen na nagtangkang kalabanin ako at lahat ng natira'y nakatuon sa kapatid ko, napagdesisyunan kong tumungo sa mala-garaheng entrada ng facility kung saan may malaking overhead door na kayang magpasok ng dalawang tangke.

Legends of Olympus (On Hold)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz