Masquerade V: Tethered Tempest

18.2K 1.7K 2.8K
                                    

Reign's POV

Mahinang tumapik-tapik ang aking hintuturo sa skirt ko habang nakatitig sa paintings ng mga magulang ko sa harapan ng hall.

"Reign?"

Nilingon ko si Paige. "Hmm?"

"The students are starting to go home to fly their lanterns," pagbibigay-alam niya. "The others are asking if we can go too, to make our wishes."

Tinignan ko ang loob ng hall at nakitang iilan nalang ng mga estudyante ang natira at yung iba sa kanila'y papalabas na.

"You go first," tugon ko. "I'll be the last to leave together with the band."

"Are you sure?" tanong niya.

Nginitian ko siya. "I want to see the program through the end."

"Reign-"

"I'm fine," I assured her. "And can you leave my lantern in my room?"

Matagal-tagal niya akong tinitigan, nagdadalawang-isip kung iiwan ba ako, bago siya napatango.

"I will," sagot niya. "If you say so."

Pagkatapos sabihin 'yon, hindi pa rin siya umalis dahilan na matawa ako nang mahina.

"Paige," sambit ko nang natatawa.

"If you say so," pag-uulit niya at sa wakas ay umalis na rin.

Tumungo siya kila Amber na binigyan ako ng nagtatanong na tingin at nginitian ko lang bilang sagot.

Nang makarating si Paige sa harap nila, sabay silang napatuon sa'kin.

Kinawayan ko sila bilang paalam at senyas na rin na umuna sila.

Hinatid ko sila ng tingin papalabas ng hall, at saka dumako sa students na nagpapatugtog.

"Hi," bati ko sa lalaking napatigil sa pagtugtog ng kanyang violin. "You can go after a few minutes."

Nginitian niya ako at tinanguan, bago nagpatuloy sa pagtugtog.

Pagkatapos, muli akong napaharap sa direksyon ng paintings ng labindalawang founders. Wala sa sarili akong napapunta na naman dito, at huminto sa tapat ng stage nang bahagyang nakatingala sa mga larawan nila.

Kasunod kong naramdaman ang paglapit ng isang presensya kaya napalingon ako kay Luke na tinabihan ako habang nakatuon din sa paintings, bitbit ang isang glass ng champagne.

"Alpha..." Hindi niya ako binalingan ng tingin. "Omegas..."

Ibinalik ko ang aking atensyon sa portraits na nakahanay sa aming harapan.

"They look like they're moving, don't they?" puna ko. "Like they're watching you."

"So that's what it feels like to be one of their children?" aniya. "Like your parents are always watching."

"Says the son of a god," sabi ko.

"How can I feel him watch over me when I haven't even met him?" Mahina siyang natawa. "I can't even sense his presence because I have never felt it once."

"The gods tend to be cold and rude like that," pagbibigay-alam ko sa kanya. "'Yon ang sabi ni Dad sa'kin."

"Si Hera nga yung nakapatay sa dalawang kapatid niya, eh," dagdag ko. "He watched my two aunts get devoured by a monster while they were still children, and it was his stepfather's shady business that killed his mother."

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now