Rumors

17.3K 1.4K 1.8K
                                    

Amber's POV

"Pa!" sambit ko habang nakasunod kay Papa sa clinic. "Di nga ako pinapapasok ni Mama sa mechanical room!"

"Give it time, Amber," mahinahon niyang sagot at tumawag ng isang aurai. May inutos siya rito, bago bumalik sa pag-iikot sa clinic. "Your mother's just blowing off steam."

"Di mo ba siya matutulungan sa pag-ano..." Napakamot ako ng ulo. "Pag-blow ng steam?"

Napatigil si Papa. Nilingon niya ako nang nakakunot ang noo.

"What do you mean?" tanong niya.

"Aba, malay ko." Binaba ko ang kamay ko. "Mag-date kayo? Bigyan mo siya ng flowers? Kahit ano basta madali niyang makalimutan yung galit niya sa'kin."

Tinaasan ako ni Papa ng magkabilang kilay.

"Pa..." Kinisap-kisap ko ang aking mga mata sa kanya. "Mamamatay ako kapag di ako makakahawak ng generator. Gusto mo bang mamatay yung anak mo?"

"You sound like your grandfather, Amber," nababagot niyang puna.

Nagkasalubong ang aking kilay. "Alin?"

"Both," aniya.

"Papa naman, eh!" reklamo ko. "Tulungan mo na kasi ako kay Mama!"

"Let your brother talk to her, she'll listen," suhestyon niya.

"Nahihiya nga kasi si Ash sa inyo kasi first time niyang ma-detention! Kaya di pa rin siya nagpapakita sa inyo hanggang ngayon!"

"Alright, fine." Napabuntong-hininga siya. "I'll talk to your mother if you let me finish my work."

Napahatak ako ng kamao sa ere. "Yes!" Tapos, nginitian ko si Papa. "Pumunta rin ako rito kasi inutusan ako ni Ash na magpaalam sa'yo para sa party mamaya."

"So, I heard..." Dumako siya sa likod ng desk niya at umupo rito. "Just be home before your curfew."

Sa totoo lang, ilang beses nang nabanggit ng mga magulang namin ang tungkol sa curfew na 'yan, pero hanggang ngayon di ko pa rin alam kung anong oras ang tinutukoy nila.

Di rin naman ako nag-aabalang magtanong.

"Okay po," sambit ko at patakbong naglakad papalabas ng clinic.

Habang nasa corridors, nagsimula na akong mag-isip ng susuotin ko para mamaya. Casual lang naman daw yung theme kaya di na ako mamomroblema sa paghahanap.

At kung wala akong mahanap sa closet ko, eh di do'n ako sa kay Reign.

Papalabas ng Academy, nadatnan ko ang mga estudyante na nagkukumpulan sa harap ng announcement boards kaya napalapit ako rito at di naiwasang makiusisa.

Tumingkayad ako upang mabasa ang malaking headline na nakapaskil sa board.

'A CHANGE OF TOP CLASS?'

Nakakunot ang aking noo nang basahin ang description sa ibaba nito.

'A survey has recently been conducted and it seems like majority of the students now believe that the Alpha Class ranks higher than the Omega! 

Such widespread public opinion is only strengthened by our latest news article: Where were the Omegas?'

Pinulot ko ang newspaper na nahulog malapit sa paanan ko at agad hinanap ang article.

'Witnesses report that while the Omegas were seen across the world to help the allies, their presence was not felt during the attack at the Orion's Headquarters.'

Legends of Olympus (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon