In Between

15.6K 907 427
                                    

Reign's POV

Foel Fras, North Wales, United Kingdom.

Natunton ko na kung nasaan ang digmaan ng Alphas, ngunit sa hindi malamang dahilan, hindi ako makalabas ng mist pagkatapos ko itong utusan na palibutan ako at dalhin sa Foel Fras.

I was stuck, in the middle of the black glittering mist that has been circling me since I summoned it.

Umikot-ikot ako sa kinatatayuan ko, nagtataka kung bakit hindi ako makalabas, eh ilang beses ko nang nagamit ang kapangyarihan kong ito. I was sure I could bring myself to another country, as I've already done it before, when I was practicing my teleportation ability.

What went wrong?

Inangat ko ang aking kanang palad at tinignan ang manipis na mist na tumatakbo sa gitna, tila isang naglalahong tali, sa aking kamay.

Pagkatapos, ibinaba ko ito nang nakakuyom.

I'm losing my grip of the mist, I thought, while looking around the darkness.

My own power...

I scoffed.

Unbelievable.

Humigpit ang pagkakakuyom ng aking palad. My own... Pinigilan kong manginig ang aking kamay sa matinding inis sa sarili. My own power.

Kung kailan pa talaga kailangan kong gamitin 'yong kapangyarihan ko, ay 'tsaka lang ito di gagana nang maayos?

"Are you kidding me?!" sigaw ko.

I took heavy strides towards the barrier of mist around me and grabbed a bunch of it. Galit ko itong hinawakan, at saka marahas na hinatak upang tanggalin ito.

For a moment, I was able to hold the mist, and pull it away, but it was quick to fly back to my surroundings. 

Frustrated, I used both of my hands and pushed them deep, into the wall of mist right in front of me. Hindi ko maaninag kung anong nangyayari sa aking mga kamay habang nasa loob ito ng mist, pero nagsimula akong makaramdam ng hapdi, na parang dinadaganan ng liha ang aking balat.

Sa halip ng patinding sakit, diniin ko pa ang aking mga kamay sa mist at tinipon ang aking lakas sa magkabila kong palad.

The pain grew unbearable. I felt the rushing of the wind in my hand, but instead of the wind, it was pins and needles that scratched my skin.

Though it was tempting, I didn't pull my hands back, and instead, endured the pain a little while longer, with gritted teeth.

Saka lang huminto ang aking pagdurusa sa sandaling narinig ko ang di-pamilyar na tinig ng isang babae.

Tumigil din kasi sa paggalaw ang mist at kasabay nito ay ang pagkawala ng sakit.

"You are lost?"

Her voice was coarse. It was too rugged to my ears, a bit painful to hear.

Dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay at humarap sa direksyon na pinanggalingan ng boses.

On the other side of the dark, a shadowy figure stood, and all I could see was a pale face on top of a robe made out of the mist, but I could tell the mist that dressed her was different from the mist that I know.

Because it was darker... and colder...

I noticed a drop of blood run down from her eye. Taking a step closer, I realized that her face was extremely wounded and beaten. Nabalot ito sa mga pasa, at mayroon din siyang mga hiwa kung saan nagsilabasan ang matutuling daloy ng dugo na sunod-sunod na dinungisan ang napakaputla niyang mukha.

Legends of Olympus (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon