Achilles' Heel

14.2K 864 474
                                    

Reign's POV

Namalayan ko ang pangingitim ng magkabilang sulok ng aking pananaw. Dahan-dahan akong napahawak sa mist na kusang lumabas mula sa aking mga mata at tumakbo patungo sa aking magkabilang templo.

Bahagyang bumukas ang aking bibig at mabagal akong napabuga ng hangin habang dinadama ang kapal at lamig nito sa dulo ng mga daliri ko.

My eyes... my fingers...

Why do I feel like they're a mile apart when I know they're just touching against each other?

"Hope..." malumanay kong sambit nang hindi pa rin siya binabalingan ng tingin dahil nakatuon pa rin ako sa sarili ko.

"Can you?" Tinignan ko ang aking mga kamay na nabalot sa maitim na mist. "Do what I asked you?"

"Scratch all our plans," aniya. "Do whatever we want."

A low humm broke from my closed lips as the mist started to fade.

"Reign," tawag ni Hope. "The founders."

Umikot ako, at napatingala sa tuktok ng facility kung saan naroon sina Dad at Tito Chase na lumulutang sa ere. Habang si Tita Kara naman, ay tumatakbo sa bubong nito upang umilag sa mga palasong ipinapadala ng tatlong maiitim na chariots na humahabol sa kanya.

Tutulungan na sana siya ni Dad nang biglang may dumaang malaking ibon na sinasakyan ng isang babaeng huntsman. Sinadya nitong tamaan si Dad dahilan na mapaikot siya't maalis ang kanyang atensyon mula kay Tita Kara.

I could almost hear my Dad hiss because of it. Dahil din sa nangyari sa kanya, mas lalong kumapal ang mga ulap na nagtipon-tipon sa itaas nila, hanggang sa mangulimlim ang bahagi ng kalangitan kung saan naroon sila.

Lumitaw ang kuryente sa braso ni Dad at namuo ng isang lightning bolt na agad na tinapon niya sa isa pang huntsman na kalaban ni Tito Chase.

And to my surprise, it missed, because another huntsman carrying a shield reflected it back to him, at bago pa man ito maiwasan ni Dad, bumalik ang malaking ibon para pigilan siyang makaalis, dahilan na tumama ang sarili niyang lightning bolt sa katawan niya.

There's something about the way that the founders fought that made me confused, because they too, look confused while fighting the huntsmen, at saka ko lang nalaman kung bakit.

They're not fighting.

They're only defending themselves.

Because every time they try to fight back, something comes up to stop them, kaya nagdadalawang-isip sila sa sarili nilang mga galaw.

Palaging may humahadlang sa mga atake nila, kaya hindi ito natutuloy. Alam nilang maaari nilang masaktan ang isa't isa at sarili nila kapag hindi sila maingat. 

I haven't seen my Dad, a son of Zeus, fight with such patience, and I could clearly see he's not liking it. Pati na rin si Tita Kara na tumalon pababa mula sa bubong, kaso bumagsak siya sa isang chariot at wala sa oras na napalaban sa dalawang huntsmen na sakay nito.

Gano'n din si Tito Chase. Tila hindi umaayon sa kanya ang bawat pagkakataon na balak niyang saktan ang huntsmen.

So this is what fighting against the force of destiny looks like...

It seems as if whatever you do, the enemy will always be ahead of you.

My Mom once mentioned, that while Chaos is responsible for the beginning, Destiny is the one responsible for the ending.

So how exactly? napatanong ako sa sarili ko. How are we ever going to fight against his son? Who has the ability to control everyone's end?

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now