Mastermind (OA Book II Raffle)

26.3K 926 472
                                    

Reign's POV

"Reign!"

Mula sa mga kalaban, inilipat ko ang aking atensyon kay Luke na kalalapag lang ang mga paa sa lupa. Nagmamadali siyang tumungo sa'kin, bakas ang kaunting inis sa mukha.

"What are you doing here?!" tanong niya.

Sinulyapan ko ang malaking facility kung saan siya galing bago sumagot, "I don't think I should answer."

"This is our war, Omega."

Para sa kanya, hindi dapat ako kasali sa digmaang ito.

"Our war," pag-uulit ko.

Ngunit para sa akin, kasali na ako bago pa man ito nakapagsimula.

Luke and I both looked like we just came out of a war, even though we were still fighting it. His hair struggled to hold up against the blood and sweat. It was obvious. We were on the verge of exhaustion.

"Go back," sabi niya, nang-uutos ang boses at nagmamadali, dahil alam niyang hindi titigil ang digmaan na nangyayari sa paligid namin dahil lang tumigil siya sa paglaban para kausapin ako.

"Nandito na ako, Luke," sabi ko sa kanya. "At wala ka nang magagawa."

"Go back, Reign!" He pointed to the mountains with urgency. "You can't be here!"

Nanliit ang aking mga mata pagkatapos niya akong sigawan. Hindi ako sumagot at sa halip ay tinitigan lang siya, halatang walang balak na sundin ang utos niya.

"Why-" He said, frustrated. "Why the hell-"

"Because I want to," tugon ko. "I want to see for myself how this war will end."

"Great." He chuckled sarcastically. "You've underestimated us. You don't believe we can win this?"

"You will," giit ko. "I know you will."

Tinignan niya ako nang nagtatanong ang mga mata.

I sighed. "Luke, sigurado akong-"

Umangat ang kanyang magkabilang kilay.

"Sigurado akong mananalo kayo," paliwanag ko. "Pero hindi ako sigurado na walang mawawala sa inyo."

Unti-unting nanlambot ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha.

"So, just let me, okay?" I asked. "Let me be here."

"Your father's here," paalala niya. "Don't you trust him? Because he swore to protect us," aniya. "And Kara and Chase."

"I know..." Nanghina ang aking boses. But who will protect them? From him?

"Then go," udyok niya.

"I won't," I insisted. "I'm going to stay until I make sure all of you are safe-"

"You can't do everything, Reign!"

Napatigil ako sa muling pagtaas ng kanyang boses. Nanumbalik din ang galit sa kanyang mga mata kung saan tumatakas ang maliliit na kislap ng kuryente.

"At this point, Skyreign Austria, I believe you're not underestimating us, but rather overestimating yourself," dagdag niya. "Do you really think you can be everywhere at the same fucking second?!"

Napahugot ako ng malalim na hininga sa sinabi niya.

"You may be powerful but you are not that powerful!" Nagsimulang mandilim ang kalangitan sa likod niya at kumapal ang mga kislap na nagsilabasan mula sa kanyang mga mata. "So listen to me when I say you should leave, Reign!"

Legends of Olympus (On Hold)Där berättelser lever. Upptäck nu