Queen of Kings

18.7K 1.1K 1.5K
                                    

This chapter of Legends of Olympus is dedicated to Mr. Dane Godinez, whom I met and had a chance to talk to, last Manila International Book Fair. 



Reign's POV

Isang segundo lang ang kinailangan ko upang makapunta sa Underworld mula sa Elysium pero pakiramdam ko kalahati ng mundo ang tinahak namin dahil sa laki ng pinagkaiba ng realms.

"Gods," puna ko nang makaapak ako sa itim na lupa ng Underworld. Tila sinampal ako ng masangsang na amoy na agad pumasok sa ilong ko dahilan na mahina akong napahagod dito.

"You're right." Unlike me, Paige looked unbothered by the quick change of air once she stepped out of the portal. "Some gods do live here."

Nanatiling nasa loob ng portal si Raphael na nakangiti sa'min. "My apologies if I cannot accompany you, ladies," aniya. "I have got some errands to do."

"We're fine," sabi ni Paige.

Raphael's smile widened. "I know."

Habang nag-uusap-usap sila tungkol sa ruta papuntang palasyo ni Persephone, kung saan naninirahan si Hecate para sa 100-year punishment niya, umikot-ikot ako sa kinatatayuan ko at nagsimulang mabagal na naglakad.

From the far east, I could see the shadow of a volcano blowing off black steam that gathered thick above its crater. And on the west, was more mountains and glaciers, that had the same color as dried blood.

Mabuti nalang at mabilis na nasanay ang aking katawan sa nakakayamot kong kapaligiran kaya mayamaya pa'y natagpuan ko ang aking sarili na naglilibot-libot sa Underworld nang nakapalikod ang mga kamay at nakataas ang noo, tila tinitimbang ang bawat nakikita, hinuhusgahan kung sapat ba ang dilim at lamig na nakapaligid sa'kin, para sabihing nasa realm nga ako kung saan sumasakabila ang mga kaluluwa at kung saan din naninirahan ang deities na silang may hawak ng kadiliman.

"Is it what you expected?" tanong ni Paige na tumabi sa'kin at sinabayan ang mga hakbang ko.

Napadaan kami sa isang mababaw na burol sa lupa. Napansin kong may butas ito sa gilid, at mula rito, mayroong mga buto ng taong bahagyang nakalabas.

"The realm is dark..." I glanced at the horizon that offered nothing more than a thick fog and shadows. "And cold..." 

"And it stenches of death..." mahina kong dugtong. "It's everything that the books say. Why would I be surprised?"

"You say that like you've been here before," ani Paige.

Natawa ako nang mahina. "Paige, nakakapanibago din ang lugar na'to para sa'kin, pero pagkatapos ng lahat ng nangyari sa'tin, wala nang gugulat pa sa'kin, kahit gaano kalaking pagbabago ba 'yan mula kapaligiran ko... o mga bagay..." Binulong ko ang huling mga kataga. "O mga taong kasama ko..."

Matagal-tagal pa bago ko muling narinig ang boses niya.

"You're scaring me, Reign."

Nilingon ko siya, nagtataka. Ibinaba ko na rin sa magkabilang gilid ko ang aking mga braso.

"Bakit?" usisa ko.

"Ever since you found out about what Henri is capable of, you've been..." Nasilayan ko ang pagkibot ng kanyang kilay.

Kumunot ang aking noo. "Been what?"

She sighed. "Different."

"How?"

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now