Balance

26.2K 2.2K 5.7K
                                    

Reign's POV

"Pero, Ma! Pa! Dinala lang talaga kami nina Grey at Vance!" depensa ni Amber nang makalabas na kaming lahat sa portal at nakabalik sa mechanical room. "Si Grey pa nga gumawa nung portal, eh!"

"Pinilit ba kayo? Ba't pumasok pa rin kayo sa portal?" sunod-sunod na tanong ni Mrs. Sol sa kanya, dahilan na matahimik siya.

"Ash, what happened?" mahinahong tanong ni Doctor Seht kay Ash na napayuko.

Sa tabi nila, nagpalitan naman ng namamahamak na mga tingin sina Zack at mga magulang niya.

"What were you thinking?" nangangalit na tugon ni Mrs. Prince kay Zack. "Was trespassing your grandfather's sacred grove not enough?"

Sa tabi naman niya ay si Tito Chase na nanliit ang mga mata at bahagya pang nakangisi, tila nalilibang sa kinahinatnan ng kanyang anak. 

Pero mabilis ding nabura ang kanyang ngiti nang magsalita si Zack.

"Ma, nginingitian ako ni Papa."

Dahil dito, napalingon si Mrs. Prince sa asawa niyang agad napaayos sa pagkakatayo. 

"Teka- ba't ako? Pagalitan mo pa siya."

"I'm going to kill you later," ani Mrs. Prince at muling tinignan si Zack. "The both of you."

"Pero tama naman talaga yung sinabi ni Amber!" Kumuyom ang mga palad ni Zack. "Nadamay lang kami nina Grey-"

"Tinataasan mo ba ako ng boses, Zacharille?"

"Tsk." Zack clicked his tongue before avoiding his mother's gaze. 

Mabilis ang paglingo'ng ginawa ni Mrs. Prince kay Tito Chase. "Chase?!"

"Oh, ba't ako na naman?" Umangat ang magkabilang kilay nito. "Sa'yo 'yan. Ikaw nga 'yan, eh."

"Chase!"

"Bella," mahinahon namang sambit ni Tita Art na may kasamang ngiti. "Ba't ka sumama sa council?"

"Sorry, Mommy." Nakangusong sagot ni Bella na nakatayo sa harap ng mga magulang niya. "Akala ko po kasi magpapatayan tayo do'n." 

Ilang sandaling napakurap-kurap si Tita Art saka nilingon si Tito Cal na nakapihit ang mga braso sa dibdib nito.

"I'm-" Pumihit-pihit si Bella sa kinatatayuan niya. "I'm sorry, Daddy..."

"It's okay, just don't do it again," sagot nito sa anak niya.

Kumibot-kibot ang isang mata ni Tita Art habang nakatingin sa kanyang asawa. "C-Cal?"

Nilingon siya nito. "What?"

"'Yan din sinabi mo nung pinrito niya yung niregalong mga koi fish ni Papa..." aniya. "-at pinakain sa'tin."

"Oh." Muling humarap si Tito Cal kay Bella. "You're good, Bella, but don't repeat it."

Hindi maipagkakailang ikinatuwa ito ni Bella dahil lumiwanag ang kanyang mukha. "Okie!"

"Huwag!" Napasinghap si Tita at natatarantang napahawak sa magkabilang balikat ng anak niya. "Bella, ang ibig niyang sabihin-"

"Yung council na naman pritohin ko at ihain?" nananabik niyang sabi. "Iiiiihhh!"

Nasilayan ko ang isang ngiti na namuo sa labi ni Tito Cal, samantalang mabigat naman na bumagsak ang ulo ni Tita Art sa kanyang dibdib.

Napabuga siya ng hangin, bago iangat ang kanyang tingin kay Bella nang nakangiti. "Bella, baby, anong sabi ko tungkol sa kamatayan?"

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now