Thunder Child

27.2K 2.1K 3K
                                    

Reign's POV

Nakabantay pa rin kami kay Mrs. Prince na nakasunod sa'min habang papunta kami sa malawak na field. Baka kasi bigla na naman siyang magbato ng mga kutsilyo.

Mrs. Prince has one of the most unusual ways of training. She randomly throws spears and daggers, and the worse that happened to us was when we were supposed to have our PE and she was absent, kaya nagka-vacant subject kami.

Yun pala, nasa mortal realms siya dahil may inasikaso at pagbalik niya sa Academy, sa hatinggabi kung kailan tulog na ang lahat, biglang nagsulputan ang naglalakihang mga lobo sa loob ng dorm namin.

Tandang-tanda ko pa, nung nagising ako hindi dahil may narinig akong umaangil na mga halimaw, kundi dahil nakagat ang binti ko.

"Zack."

Sabay kaming napatigil sa boses ni Mrs. Prince.

Paanong hindi, eh halos lahat ata ng mga estudyante ay na-trauma na sa bawat tawag niya pa lang ng pangalan.

Isang estudyante lang ang may kakayahang labanan ang kanyang tingin at minsa'y sumasagot pa.

Nilingon namin si Zack. 

"Oh?" aniya.

"Go get your capes," utos ni Mrs. Prince. "You're going to need it."

"Ma naman!" angal ni Zack. "Ba't ngayon mo lang sinabi ngayong nasa field na tayo? Ang layo-layo na kaya nung village!"

"You have both flight and speed," paalala ng nanay niya sa kanya. "Stop being ungrateful."

Zack gave her an annoyed look before disappearing.

Nanatili kaming nakatayo sa field habang hinihintay si Zack. Walang ni isa sa'min ang gumalaw dala ng takot na baka sa unang piling, hilig o hakbang namin, may lilipad na blade sa aming kinatatayuan.

Umiling ako kay Henri na luminga-linga nang nakakunot ang noo, tila nagtataka sa inaasta namin.

Pagkaraan ng ilang segundo, naramdaman ko ang tulak ng hangin na nilagpasan ako, at ilang sandali pa'y natagpuan ko ang isang puti at ginintuang kapa na nakapatong sa balikat ko.

Ikinabit ko ang mga butones nito sa harapan ng kwelyo ko at tinali nang maayos ang manipis na braided strings nito. Hindi gaanong kahigpit, at hindi rin gaanong kaluwag. Sapat lang para lumaylay ito sa ibabaw ng vest ko.

Nilingon ko si Grey na binutones lang ang kapa na nakapalipot sa kanyang leeg at di na nag-abalang magtali.

Hinatak niya rin ang lapel ng blazer na nasa ilalim nito, dahil kahit may kapa na ngang nakapatong sa kanyang uniform, di pa rin niya sinusuot yung sleeves niya.

"Nice," ani Amber. "Para na naman tayong mga miyembro ng kulto."

Inangat niya ang kanyang hood sabay yuko at daop ng mga palad. "Reign, ang aming pinuno, ano ang iyong panghuling utos?" tanong niya pa gamit ang malalim na boses.

Natawa ako. "Amber!"

Kumisap-kisap si Bella. "Human sacrifice?"

Humalakhak din si Amber bago tanggalin ang hood niya.

"Amber, para kang tanga," puna ni Zack.

"Mukha mo, tanga," sagot naman ni Amber sa kanya.

"Ma! Mukha raw akong tanga!" pagsusumbong ni Zack. "Eh diba magkamukha lang tayo?"

Ginantihan sila ni Mrs. Prince ng nababagot na tingin.

Legends of Olympus (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon