Skies

25.4K 2.1K 1.8K
                                    

Reign's POV

Habang nasa corridor ng mga kwarto namin, napatukod ako sa pader at napahawak sa aking tagiliran. Yumuko ako rito at tinignan ang kaunting dugo na bumahid sa palad ko.

Pero kalalagay ko pa lang ng bandage...

Umikot at maingat na bumalik sa aking kwarto.

Sa sandaling nakapasok ako, napaluhod ako sa sahig at napabaluktot sa sakit.

Zack. It was Zack who threw one of my brother's sharp mirrors at me and hit me. Bumaon ito sa tagiliran ko at ang mas malubha, dumiin ito kaya nang sinubukan ko itong tanggalin, nabasag ito.

Dahan-dahan akong napagapang patungo sa higaan. Mabigat na bumagsak ang aking palad sa ibabaw nito nang iangat ko ang aking katawan at umupo rito.

Tinignan ko ang kapa na nakasabit sa clothing rack na nasa kabilang dulo ng kwarto ko.

Itinapat ko ang aking palad dito para sana'y kunin ito nang biglang kumirot ang malalim na sugat ko kaya dalawang kamay ang gamit ko nang mapahawak dito.

Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha ko pero pinigilan ko ito habang nakayuko.

Malakas akong napasinghap at nagpakawala ng nanginginig na ginhawa.

Ang sakit.

Lumalim ang bawat hugot ko ng hangin dahil sa patinding sakit ng sugat ko. Dahan-dahan kong inihiga ang aking sarili at mabagal na napakisap sa kisame.

Bahagya kong inangat ang dulo ng aking damit at dinama ang bandage. Namamasa ito, ibig sabihin, namumula-mula na rin siguro ito sa dugo.

Nanghihina kong nilingon ang kapa.

Namimigat ang aking mga mata nang sundan ito ng tingin na lumipad sa'kin pagkatapos itong palibutan ng hangin.

Isang nakakagaan na ngiti ang namuo sa aking labi sa sandaling unti-unti itong lumutang pababa sa ibabaw ng aking katawan, hanggang sa takpan ako nito, na parang kumot.

Dinama ko ang nakakagaan na enerhiya na dumapo sa'kin. Lumuwag ang pagkakahawak ko sa aking sugat at sa huli, napapikit ako, nang nakalaylay ang isang braso sa gilid ng higaan.

Nagising ako gitna ng kadiliman.

Nanatili lang akong nakatayo, dahil kahit mag-isa ako hindi ako nakaramdam ng takot at lamig.

'Reign...'

Napalingon ako sa direksyon ng malalim na boses ng lalaking tumawag sa'kin.

'He will reign.'

Kumunot ang aking noo.

'He will...'

Umikot-ikot ako sa aking kinatatayuan. Napahinto lang ako pagkatapos mahagilap ang anino ng isang lalaki na nakaupo sa nandidilim na trono.

Dahan-dahan akong napalapit dito nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Henri.

'Daughter of the Crown.'

I pursed my lips after the shadow slowly moved its head, perhaps to look back at me, and I swear I also caught a glimpse of a smile.

Nakaramdam ako ng namumuong lamig sa aking paanan kaya napatingin ako rito, at napasinghap nang bigla akong tumagos sa madilim na mga ulap.

Bago pa ako tuluyang mahulog sa lupa ay ginamit ko ang aking kapangyarihan upang lumutang sa ere.

Kasunod akong nakarinig ng namimilipit na sigaw ng isang babae kaya napaikot ako sa direksyon ng balcony ng isang malaking bahay.

Dahan-dahang bumukas ang aking bibig nang salubungin ako ng iilang pares ng mga mata na lumiliwanag at kulay ginto.

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now