Checklist

19.2K 1.4K 1.5K
                                    

Reign's POV

Finally, a normal day in the life of being the Omega's class representative.

Nilabas ko ang listahan ng mga gawain ko sa araw na'to. May listahan pa ako sa bawat araw ng isang buong linggo pero iniwan ko lang sa dorm kasi baka madali akong mapagod kapag parati kong nakikita ang dami ng gagawin ko.

"Tapos ko nang pakainin yung owls..." Nilabas ko ang isang ballpen mula sa bulsa ng vest ko at naglagay ng check mark sa panglimang task ko.

Kung anong ginagawa ko sa gitna ng kagubatan at nagpapakain ng owls ay dahil ito ang parusa ko.

The Omegas left school and skipped classes for a week and as punishment, I was also given a series of tasks for every day of a week.

They told me that as a leader and the de facto class president, I wasn't disciplining my classmates enough. As if I had a chance to stop them, eh nasa ICU naman ako sa panahon na naisipan nilang lumabas ng Academy.

Binasa ko ang kasunod na task.

'Feed Cetus.'

Itinupi ko ang papel at kasama ang ballpen ay ibinulsa ito.

Inangat ko ang baldeng naglaman ng bird feed saka bumalik sa stables para kumuha ng pagkain ni Cetus.

Pagkarating ko sa shed, nginitian ko ang lalaking estudyante na caretaker. "Hi, kailangan ko ng isang cart ng isda, at isang horse meat," tugon ko sa kanya. "I think Cetus deserves a treat today."

"Oh, we just ran out of horse meat," nadidismaya niyang sabi. "But we do have kangaroo meat, would that be okay?"

"Okay lang," sang-ayon ko. "Pero pwede bang dalawahin?"

"Yes, of course," aniya bago pumasok sa shed.

I let out an exhausted sigh and tightened the white handkerchief tied around my head. Ito lang ang hindi ko nakalimutang suotin kaninang umaga dahil sa pagmamadali.

I was supposed to wear a plastic apron and gloves but I forgot to, so now I'm only wearing my usual uniform that's already stained with dirt and maybe, just maybe, a bit of animal poop.

Napatigil ako nang makita ang caretaker na lumabas ng shed tulak-tulak ang isang kareta ng isda at sa ibabaw nito, nakalatay ang katawan ng dalawang kangaroos na binalatan.

Kumibot-kibot ang isang mata ko, di inaasahang buong kangaroo pala ang tinutukoy niyang karne.

Hinatid niya ang kareta sa harap ko. "This thing's heavy, are you sure you can carry it all the way to the lake?"

Umiling ako bago tumango. "Yes, thank you."

Pinalitan ko sa pwesto ang caretaker. Iniunat ko muna ang aking mga braso bilang paghahanda at saka mahigpit na ipinalipot ang aking mga daliri sa magkabilang hawakan ng kareta.

Humugot ako ng malalim na hangin sabay angat nito.

Muntik na akong mabulunan sa bigat nito pero binigyan ko lang ng isang magaan na ngiti ang caretaker bago itulak ang kareta patungo sa lawa.

Nang makalayo ako sa mga mata niya, ibinaba ko ito at napahagod sa balikat ko.

"Ang bigat..." bulong ko.

Pinunasan ko ang namumuong pawis sa noo ko bago muling inangat ito at tinulak.

Pagkalagpas ko ng ilang metro, binaba ko ulit ito at sandaling namahinga. Tapos, pinasan ko ulit ang likod ng kareta at naglakad na naman tulak-tulak ito.

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now