Crack of Dismay

18.2K 1.4K 2.2K
                                    

Reign's POV

"Are you sure the others won't be looking for you?" tanong ni Elpis.

"No." Nakakunot ang aking noo habang iniikot-ikot ang kutsara sa pospas na niluto niya para sa maaga nilang hapunan. "They won't."

"Seeking refuge with hope then, I see," puna niya. "Is that what your mother taught you when you feel upset?"

I looked at Elpis, the Ancient Greek spirit of hope. She wore a mortal's clothing with her black wavy hair tied in a loose ponytail, and though she looked like a normal person, her skin sometimes glowed white, and her feet never touched the ground. She continued to float while preparing herself a meal.

Nasa maliit na kubo ako nila, sa kabilang dako ng ilog na hinahati ang valley, at pareho naming hinihintay si Galatea na makauwi mula sa lakad nito.

"I don't know," mahina kong sambit. "I told you I came here to look for Medea."

"She's still not feeling well," pagbibigay-alam niya. "Even after we took a vacation."

"So, where is she?" usisa ko.

"Back in Greece," sagot niya.

Bumalik ako sa paglalaro sa pagkain na nasa harapan ko habang paulit-ulit na pinapakinggan ang sinabi ni Medea sa aking isipan.

"Is it because we're in war?" ani Elpis.

Sinundan ko siya ng tingin na dahan-dahang naupo sa katapat kong upuan bitbit ang sarili niyang salin ng pospas, suot ang isang nag-aalalang ngiti.

"Your voice, Reign." Maingat niya itong inilapag sa mesa. "Something's changed with your voice... So, is it because we're in war?"

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"It's lingering, echoing..." aniya, na mas lalo kong ipinagtaka. "Like you're whispering to a void."

"Wala akong naiintindihan," tugon ko.

"Exactly." Lumitaw sa kanyang kamay ang isang kutsara. "Kaya ba nagbabago ang boses mo dahil wala kang naiintindihan?"

"Not in a way that I don't understand what I'm saying, no," sagot ko. "I just don't understand what's happening, that's all."

"Why are you defending yourself, demigod?" Marahan siyang natawa habang hinahalo ang pagkain niya. "I am only asking you a simple question."

Inangat niya ang kanyang tingin. "You think you can't trust anyone, Skyreign?"

"Ba't nga ba naman hindi?" naniniyak kong tanong. "Pagkatapos ng lahat ng nangyari?"

"Don't hold your guards up too high, or you won't see what's ahead of you," aniya. "So, if you want me to help you, Reign, I will need your trust and calm."

"But I am... calm," giit ko.

"Please." She laughed lightly again. "Hininaan mo lang ang boses mo, pero wala pa ring nagbabago."

Minasdan ko si Elpis na natatawa habang umiiling-iling, at sinimulang kainin ang kanyang niluto.

Ilang sandali pa'y humugot ako ng malalim na hininga at napabuga ng hangin. "Fine."

"That porridge is infused with herbs from the Hesperides' garden, and ambrosia." Sinenyasan niya akong kumain din. "Try it. It might help."

Muli na naman akong napabuntong-hininga at nagsandok ng isang kutsara ng pospas. Hinipan ko muna ito bago tumakam, at agad napatigil nang biglang naglaho ang lahat ng init ng pagkain dahil pinalitan ito ng masarap na lasa sa sandaling dumapo ito sa aking dila.

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now