Unmasked

18.6K 1.4K 2.9K
                                    

Ash's POV

I sat beside Amber who has not stopped exchanging excited looks with the Alpha seated across her.

"Focus, Amber," paalala ko sa kanya. "We're in a serious meeting."

Nagpipigil siya ng ngiti nang iiwas ang kanyang tingin mula kay Ivan. "Sabi ko nga..."

"Ang sarap sapakin nung dalawa- amputa," ani Zack na nasa kabilang gilid ng kapatid ko. "Abot dito yung kahindutan niyo, eh."

"Gusto mo unang sapakin kita?" banta pabalik ni Amber sa kanya.

"Zack, dude, kumusta?" tanong ni Miles na nasa harapan niya.

"Okay lang bro, pinakagwapo pa ring descendant ni Hermes, bakit?" sagot ni Zack.

"Kapal ng mukha deputa," puna ni Miles na anak ni Hermes. "Parang di lang tiyuhin ang sinabihan."

"Sorry naman po, broskie." Zack didn't really sound like he meant his apology. "Eh alam ko naman kasing mas bata ka pa kesa sa'kin."

"Tatlong buwan lang agwat natin, dudeskie," paalala ni Miles sa kanya.

Sa tabi ni Miles, binati ni Hope na anak ni Hestia si Bella na kauupo lang sa kabilang gilid ko, at katapat niya.

"Hi, Bella." Nginitian niya ito.

"Morning," bati ni Bella pabalik sa kanya at napahikab pa.

"Di ka nakatulog nang maayos kagabi?" usisa ni Hope.

Umiling siya. "Hiniwalay ko kasi yung mga ulo ng huntsmen para ilipat sa mas maliit kong freezer, ih," paliwanag ni Bella. "Para di sila mabilis na mabulok habang wala ako, 'lam mo 'yun?"

Kasunod na napakisap-kisap si Hope sa kanya.

Sa tabi niya ay si Denzel, anak ni Hephaestus, na napamura.

"Puta?" aniya. "May mga bangkay ka ng huntsmen sa kwarto mo?"

"Nanghuhusga ka, Tito?" sabat ni Amber. "Gusto mong ipagkalat kong may mga manika ka sa kwarto mo? Huh?"

"Prototypes 'yon, bobo," giit ni Denzel.

"Mukha mo, bobo," sagot ni Amber. "Di marunong uminom."

"Stop it," sabay na sabi nina Paige at Sophia na nakaupo sa dulo ng mahabang mesa. 

Nakalingon si Paige kay Amber, habang si Sophia naman kay Denzel, dahilan na manahimik 'yong dalawa at nagmukmok sa sarili nilang upuan habang nagsusumbatan gamit ang kanilang mga mata.

Humilig si Vine, anak ni Dionysus, paharap para silipin si Denzel.

"Ikaw yung natalo ni Amber sa party?" nagtatakang tanong nito sa kanya, at nadidismaya.

Sa tabi ni Vine ay si Nero na anak din ni Dionysus, at sa kasalukuyang binibigyan ng nandidiring tingin si Denzel. "The fuck?"

"Sa-fuck-in ko mukha mo, Nero, dude?" ani Denzel na di na nag-abala pang depensahan ang sarili niya.

"Tinitingin-tingin mo diyan, Cleo?" Nagsalita na naman si Amber.

Hindi nga naman maipagkakailang ang kapatid ko ang may pinakamaraming kaaway sa Alphas.

"Vance at the party? And now, Ivan?" Nakaangat ang isang kilay ni Cleo habang nakahalukipkip ang mga braso nito sa dibdib. "Are you kidding me?"

"Oh? Kasalanan ko ba kung mas malakas hatak ko kesa sa'yo na anak ni Aphrodite?" tugon ni Amber.

"You stole my fling and now my ex, Amber?" ani Cleo. "Seriously?"

Legends of Olympus (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon