Parental Guidance

18.2K 1.5K 1.5K
                                    

Vance's POV

I leaned back against my chair as Mom and Dad sat across Paige and I.

My finger continued to confidently tap on the table even after receving unhappy looks from our parents, while it was my sister who pulled her chair closer and calmly clasped her hands on the table.

Among Mom, Dad, Paige and I, we all waited for one of us to lower his or her guard down and be the first to speak. But after a few seconds of silently glaring at one another, it was clear that not one of us was willing to set his or her ego down on the table and say something.

The four of us were in defense mode, where one is ready to talk back once another one speaks.

Nagpalitan kami ng tingin ni Paige nang mahinuhang hindi sila magsasalita. Gano'n din ang ginawa ng mga magulang namin bilang reaksyon.

"Good morning," bati ni Tita Art pagkapasok niya sa conference room ng dorm namin. Kasama niya si Tito Cal na nakasunod sa kanya.

"Sorry kung late kami." Humagikgik siya. "Pinilit pa kasi ako ni Cal na sumama."

"Morning, Mommy," bati ni Bella pabalik sa kanya nang maupo sila sa tapat nito.

"Ano nga pala yung pag-uusapan natin?" Narinig kong bulong ni Tita Art kay Tito Cal.

Uncle Cal did lean back to whisper something, but his voice was lowered and I was too far away from them to hear it.

"Ah..." Tumango-tango si Tita Art, saka muling humilig papalapit sa kanyang asawa. "Pero okay pa naman si Bella, ah?"

Sa tabi ko, maingay na bumuga ng hangin si Amber. "Ako rin naman, Tita, okay lang din naman ako..."

"Tumahimik ka nga, Sandra," seryosong sabi ni Mrs. Sol na nakaupo sa tapat niya. "Hindi mo ba alam kung ilang gabi akong walang tulog dahil sa inyo?"

"Idagdag niyo pa yung ama niyong huli na nang sabihan ako na umalis kayo ng Academy," dugtong niya na may kasamang matalim na pagsulyap kay Doctor Seht.

"All their vital signs are fine," puna nito habang mahinahong nagbabasa ng mga papeles. "There's nothing wrong with them, aside from Zack's wings that needs to be checked every so often."

"Seht!" pabulong na sigaw ni Tita Thea sa kanya. "Kita mo ba 'yang mga sugat at gasgas nila sa katawan?!"

Napabuntong-hininga si Doc sabay baba ng suot niyang salamin. Pagkatapos, ipiniling niya ang kanyang ulo palingon kay Tita.

"I get to see them almost every week in the clinic, Thea," tugon niya. "I've seen them in worse conditions."

Mahinang natawa si Tita, tila hindi makapaniwala. "Alam mo kung ano yung worse, Seht?" naiinis niyang tanong. "Kung hindi nakabalik 'yang mga 'yan pagkatapos atakihin ang isa sa pinakamalaking facilities ng mga kalaban natin."

"Headquarters ng Asia?" Nagpipigil siyang sumigaw. "Buong Asya? Seht? Alam mo ba kung ilang bansa ang pinaghawakan ng facility na 'yon?!"

"Facility na wala na?" ani Amber.

Mabigat na napasandal si Tita sa kanyang upuan. Nakatingin siya kay Doc nang nanlalaki ang mga mata, na para bang nasa bingit na siya ng matinding kapaguran at handa na siyang sumuko kapag nagkataon na magsalita ulit si Amber.

Dahil dito, sinulyapan ni Doc si Amber na agad napaiwas ng tingin.

Napailing naman si Ash na tahimik lang simula nang makarating kami sa dorm.

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now