Sinulyapan ko lang siya bago maingat na ibinaba ang maleta niya sa lupa. Masigla rin siyang lumundag mula sa van at napalinga-linga, nakakapit ang isang kamay sa bag na nakasabit sa kanyang likuran.

"Tangina- haunted house nga!" puna niya sa mga istatwa na hindi pa nadadapuan ng liwanag mula sa araw na sisikat pa lang.

"Where's the suitcase for the weapons?" tanong ko kay Grey.

"Here." Paige was the one who answered and handed to me a black suitcase, and another white. "And careful with the white one," aniya. "It's Ash's medical supplies."

Bumaba na rin siya mula sa van, at sumunod sa kanya si Reign na namimigat ang mga mata, halatang naaalimpungatan pa. "Yung mga gamit ko..."

Inalalayan siya ni Grey palabas ng kotse. "Will make sure of them, ma belle."

"Guys! Guys!" Tumatakbo si Bella pabalik sa'min. "Nasa CAP na sina Mommy at Daddy, ih, kasama yung ibang founders, pero nagtanong sina yaya kung gusto niyo ba raw sa bahay mag-breakfast?"

Sabay naming nilingon si Raphael na napakibit-balikat. "I suppose I might need something to eat after the long ride?"

"Okie!" Masiglang tugon ni Bella bago nahulog sa aninong nasa kanyang paanan.

"Sinasabi ko sa inyo isang buong bahay ang laki ng kwarto ni Bella, gago," pagbibigay-alam ni Amber sa'min. "May pool pa nga yung banyo niya."

"What did you expect?" Raphael chuckled. "Her father's a prince."

"May malaking fish pond din naman kayo, ah," ani Zack. "Na pwede niyong maliguan kung gusto niyo talaga."

"Hello, masters."

Tila nagising ang buong kaluluwa ko nang magpakita ang tatlong babae na parehong nakasuot ng mahahabang damit. Lumulutang sila, at kasingputla ng kanilang mga balat ang kulay ng kanilang mga damit. At sa likod din nila, mabagal na umaalon-alon ang maiitim nilang buhok.

Lampads, nymphs from the Underworld.

"Oh diba? Sabi ko rin sa inyo mga white ladies yaya nila," sabi ni Amber.

"I am Gregoria," pakilala ng lampad na nasa gitna, habang nakadaop ang mga palad sa harapan ng kanyang mahabang palda. "One of Lady Isabella's lady-in-waiting."

"Hi, Gregoria!" bati ni Amber sa kanya. "Long time no see."

"Lady Alexandra." The nymph slightly bowed her head down and in the most sophisticated tone, informed, "The manor is glad to be graced by your presence once again."

She then looked at us. "Please," aniya. "Let us make the most of your short stay here in the manor."

"We shall bring your baggage, and Benedict the courtier, will meet with you by the entrance," pagbibigay-alam niya. "May you feel at home as our beloved guests, Omegas."

Sa likod niya, lumitaw ang iilan pang lampads na agad lumapit para kunin ang mga maleta, pati na ang bags namin.

"Bro..." namamanghang sambit ni Zack nang iabot ang bag niya sa isang lampad. "Gusto ko lang ipaalala sa inyo na walang ganito sa Tartarus. Kaya sigurado na ba kayo, mga 'tol? Sigurado na ba tayo?"

"Siraulo ka ba?" ani Amber. "Gusto mong manirahan lang tayo dito kila Bella habang may digmaan?"

Naunang naglakad sina Reign at Amber patungo sa mala-palasyong mansyon, na agad din naming sinundan.

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now