PROLOGUE

1.1K 25 3
                                    

LONDON, UNITED KINGDOM 2015

Cristina Mendz calling on messenger....

"Hi mommy. Good morn....ay anong oras na ba diyan sa atin mmy?" tanong ni Elle matapos niyang sagutin ang tawag ng ina through messenger's video call.


"Lunch time nak, alas dose pasado. Kumusta kayo ni Tita Cheska mo diyan?" sagot ng kanyang ina habang inaayos ang kung anong bagay sa mesa.


"Eto po, kakauwi lang namin ni Tita galing resto, 7:00 pm na po ng gabi dito."


"Ay naku ate! Nawili na masyado si Elle sa mga customers kanina sa restaurant. Naging instant part timer namin. Gustong-gusto na tumulong eh." sambit naman ng Tita Cheska niya na kanina pa pala nakikinig.


"Well, I really enjoy being here mmy. It's two days left at uuwi na rin ako..."


"Naks naman ang anak ko, englishera ka na ahh." si Henrico iyon, ang daddy niya na sumingit sa screen.


"Hi daddy, ofcourse! Nasanay lang kasi akong kausap araw-araw sa resto nila Tita Ches ay mga foreigners. Di sila makakaintindi pag nagtagalog ako, worse pag nag bisaya pa hahahaha." saad ni Elle sabay tawa ng malakas.


"Oo nga naman."


Tumawa naman ang kanyang ama ng mahinahon.


"What do you want ba for a pasalubong?" si Elle.


"Ate ako gusto ko pagkain, yung pagkain na wala dito saatin" si Lara iyon, ang nakababata niyang kapatid na babae.


"Hala ka Lara, ang takaw mo talaga. May nginunguya ka pa nga diyan oh. Magdiet ka oy. Naku sinasabi ko sa'yo."


"Siya na nakakaubos ng pagkain sa ref. Hahahaha. Basta ate saakin sapatos ha? Sabihin mo din kay Tita Cheska." singit naman ni Lucas, ang nakababata niyang kapatid na lalaki.


"Naririnig kita Lucas, oo na alam ko naman na yan yung gusto mo." sagot naman ng Tita Cheska nila.


"Naksss! Thanks tita, dabest ka talaga!" pasenyas-senyas pang sagot ni Lucas na di maipinta ang mga ngiti sa mukha.


"Basta ate at tita ha, alam niyo na sa akin." singit uli ni Lara.


"Haynako etong dalawa talaga, basta nak ang gusto ko lang pictures mo, yung masayang masaya ka ha?" tugon naman ng mommy niya.


"Yes nak! Deserve mo ang bakasyon na yan." si Henrico.


"Aweeee, mommy and daddy naiiyak naman ako. Salamat po. Opo sisiguraduhin ko na abot hanggang tenga yung mga ngiti ko sa pictures ko. Hahahaha"


Mangiyak-ngiyak na sagot ni Elle habang kausap ang mga magulang.


"Okay, just enjoy your trip. O siya, magpahinga na kayo dahil alam kong susulitin niyo pa ang natitirang dalawang araw niyo diyan simula bukas."


Her mom said na malapad ang mga ngiti sa labi.


Tumango naman si Elle bago sumagot.


"Thanks mommy, good night po. I love you all, mwaahh."


"Good night ate Cristy and kuya Henry. See you next day soon sa Pinas!" sambit ni Cristy na kumakaway pa sa kausap sa video call.


"Sige Ches, mag iingat kayo ni Elle diyan."


Pahuling sagot ni Henrico bago tuluyang pinutol ang tawag.


My Dearest Asymptote (Sandro Marcos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon