Isang luha ang tumulo mula sa sulok ng aking mata at tumakbo pababa sa gilid ng aking ulo.

Nanginig lang ang aking kamay nang subukan kong ikuyom ang aking palad.

"Reign-"

"You don't understand." Hindi ko pa rin siya magawang tignan. "I can't be like this-"

"But you are like this," aniya. "And everyone can become like this, so why are you-"

Sunod-sunod na nagsilabasan ang aking mga luha.

"I..." Palihim akong humikbi. "I can't feel helpless, Henri."

Matagal-tagal pa bago ko muling narinig ang boses niya.

"Reign..." He called my name, almost to a whisper, as if he was softly pleading.

Nakakapanibago ang boses na ginamit niya, ngunit mas nakakapanibago pa rin ang sitwasyon ko ngayon, kung saan pati ang simpleng pag-kain ko lang ay nangangailangan pa ng tulong ng iba.

"I-I'm sorry," naluluha kong sabi.

Naramdaman ko na naman siyang gumalaw.

"Don't touch me," utos ko.

I flinched after feeling his fingers lightly graze on the side of my cheek to gently pull my hair that almost fell on my face.

"W-Why don't you listen-"

"You're not helpless, Reign," mahina niyang tugon.

My tears continued to fall as I chuckled bitterly. "I am."

"I know how you always refuse to depend on anyone else, and I know how much you want to help others."

I bit my lower lip to stop myself from screaming my frustrations.

"So, you're not helpless," sabi niya. "You're only feeling sorry for yourself because you can't help."

Hindi na ako nagsalita pa at patuloy na umiyak nang mataimtim.

"Reign..." Tila nagsusumamo ang boses niya. "Why don't you help others by helping yourself first?"

Humugot ako ng malalim na hininga, at ilang sandali pa'y dahan-dahang ipiniling ang aking ulo sa kanya, nang hindi pa rin siya tinitignan dahil agad akong tumuon sa bowl na nasa kamay niya.

Napapikit ako nang ramdamin ang magaan niyang pagpunas ng aking mga luha.

"Should I call a nurse?" nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako.

Nasilayan ko mula sa sulok ng aking pananaw ang namuong malambot na ngiti sa kanyang labi. 

"What happens here, only stays in here," tugon ko. "Please."

He silently pulled a chair beside the bed and sat across me, kaya wala akong ibang magawa kundi harapin ang nanlalambot na ekspresyon sa kanyang mukha.

"Mmm." He hummed before lifting a spoon of the porridge.

Sinundan ko ito ng tingin at bahagyang binukas ang aking bibig para kainin ito.

Sa sandaling nilunok ko ito, muntik na akong mabulunan dahil sa biglaang paghapdi ng lalamunan ko.

"It hurts?" tanong niya.

Tumango ako.

Tumayo siya. "Let's try feeding you without your head leaning to the side."

Sinunod ko ang sinabi niya at madahang itinuwid ang pagkakasandal ng aking ulo sa higaan.

Legends of Olympus (On Hold)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ