"Okie!" Nakapameywang ako. "Attendance!"

Dinuro ko si Spooky. "Spooky, present."

Umikot ako at lumapit sa isa sa malalaking shelves na nasa kwarto.

"George, Georgie, Georgina..." Isa-isa kong tinignan ang bawat pares ng mga mata na lumulutang sa loob ng transparent jars. "Geoffrey, Helen, Henry-"

Natawa ako nang mahina nang maalalang may kapangalan nga pala si Henri sa koleksyon ko.

"Helena, Henshin..." Nagpatuloy lang ako sa pagbanggit ng mga pangalan nila.

Nang matapos na ako, lumipat na naman ako sa isa ko pang shelf na walang ibang laman kundi mga bungo, at isa-isa na namang tinawag ang mga pangalan nila.

Kasunod akong dumako sa napakalaking treasure chest na nasa isang sulok katabi ng higaan ko. Sa sobrang laki nito, kasya ang katawan ng mga tao.

Napangiti ako nang buksan ito.

Para naman talaga kasi ito sa mga katawan ng tao.

Birthday gift ni Daddy sa'kin 'tong freezer na naka-disguise as itim na treasure chest, nung nalaman niyang mahilig akong kumolekta ng mga katawan ng tao.

Syempre, hindi alam ni Mommy.

Ang alam niya lang kasi mga dolls lang ang kinokolekta ko.

Nilingon ko ang mga manika na may sarili ding shelf, at sa paanan nito ay may dalawang dollhouse.

"Wait lang, ah?" tugon ko sa kanila. "Attendance muna ako sa mga huntsmen."

Ilang sandali pa'y sinarado ko na yung treasure chest at lumundag-lundag patungo sa dolls ko.

"Okie!" Tinuro ko ang isa sa haunted dolls na niregalo ni Mommy sa'kin. "Annabelle..." at nagsimula na naman akong mag-attendance sa kanila.

"Tapos..." Umikot ako paharap sa dalawang skeleton sets na nakabitin sa poles. Isa sa kanila'y nakasuot ng groom's suit habang yung isa, ay nakasuot ng wedding gown.

Kumisap-kisap ako sabay piling ng aking ulo sa magkadaop kong mga palad. "Sina Samantha at Robert, ang ating bagong kasal..."

Pumalakpak ako. "Congratulations ulit sa inyo!"

Sa wakas ay nahanapan ko na rin ng asawa si Samantha.

Sabi ng lampad na binilhan ko nito, isang sundalo raw si Robert na namatay sa digmaan, at wala rin daw siyang mga anak at asawa.

Ibinaba ko na ang aking mga braso saka napabuntong-hininga.

"So, umm-" Nagpaalam na ako sa kanila. "Kailangan ko munang umalis kasi may iimbestigahan pa ako, ah?"

Tinignan ko si Spooky. "Spooky, ikaw in-charge dito, as usual, okie?"

Bahagyang humilig patagilid si Spooky habang nakasandal sa rocking chair kaya napangiti ako. 

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya nang may naalala ako.

"Isa," sambit ko. "Gusto mong ikaw na naman maghanap ng huntsmen ngayon?"

Matagal-tagal kong hindi narinig ang boses niya.

Ang totoo n'yan, simula bata pa ako, may babae na akong nakikita at kinakausap. 

Magkamukha lang din kami. Maitim yung mahabang buhok at walang kabuhay-buhay niyang mga mata. Mas maputla nga lang siya sa'kin.

Hindi ko pa siya pinangalanan no'n kasi hindi naman siya palasalita, eh. Nakikipaglaro lang.

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now