Itinulak ko ang aking sarili palayo sa kanila pero napahinto rin ako nang mamukhaan ang isa sa kanila, na siyang nakatayo sa pinakamalapit sa glass panels.

'Dad?' bulong ko.

Tinignan nila ako na parang isa akong malaking banta sa kanila.

Dahan-dahang bumagsak ang aking mga mata.

Imposible. Hinding-hindi ako titignan ni Dad nang ganyan.

Muling umangat ang aking ulo. Mabagal akong umikot, sabay tingala sa maiitim na mga ulap.

Pinaningkitan ko ito.

They're not looking at me. They're looking at the man on the throne.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata pagkatapos marinig ang mahinang pagpatak ng ulan mula sa labas ng bintana.

Nagkasalubong ang aking kilay, nang damhin ko ang isang luhang tumakbo mula sa sulok ng aking mata.

Madahan kong tinignan ang tigdudulo ng aking mga daliri.

Itinukod ko ang aking magkabilang palad sa higaan at napaupo, dahilan na mahulog mula sa aking dibdib ang nakakapit na kapa.

Inalis ko ito upang masuri ang aking sugat na natamo ko sa PE namin. Napangiti ako nang makitang tuluyan na nga itong naghilom.

Tinanggal ko ang bandage. Tumayo ako at nagbihis ng panibagong t-shirt.

Nilingon ko ang bintana at pinatahan ang ulan. Nalaman ko na ring gabi na.

Madahan kong hinatak ang tali mula sa aking buhok at hinayaan itong bumagsak para palibutin ang aking magkabilang balikat.

Napabuntong-hininga ako.

Hindi pa ako nakakain ng hapunan...

Dahil dito, napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto. Sinalubong ako ng katahimikan at kaunting lamig, mula sa dumaan na ulan.

Some of the lights were also turned off, kaya wala akong gaanong makita.

Nakaabot na ako sa tuktok ng hagdan nang mapatigil ako.

Kusang dumako ang aking mga mata sa balcony kung saan isang lalaki ang nakapamulsa at nakatalikod sa'kin.

Matagal-tagal akong napatitig sa kanya.

Napahawak muna ako sa railing, bago ko natagpuan ang aking sarili na napalapit sa kanya.

Ipiniling ko ang aking ulo sa likod ng glass panels at nakita si Henri na nakatingala sa kalangitan.

Mula sa kanya, lumipat ang aking paningin sa malayo, nang maalala ang sinabi niya kay Miss Ira.

'You've met my father. What would he do once he meets me instead of just watching?'

Napansin ko ang maliliit na butil ng tubig sa kabilang dako ng salamin. 

Pagkatapos, napatingala rin ako sa kalangitan at malumanay na napangiti, nang gamitin ko ang aking kapangyarihan para hatiin ang maninipis na ulap sa langit.

Minasdan ko kung paano dumapo ang liwanag ng mga bituin at buwan sa kanyang mukha, sa sandaling bumungad ang mga ito sa kanya.

His once darkened eyes slowly turned to a dull gold. Nakakamanghang tignan kung paano nagbago ang kulay ng kanyang mga mata dahil lang sa kaunting liwanag, at hindi ko naiwasang maisip kung gano'n din ba yung akin.

Akmang ibabaling ko na ang aking atensyon mula sa kanya nang masilayan ko bigla ang unti-unting pag-angat ng isang sulok ng kanyang labi.

Palihim akong napasinghap.

Henri smiled.

And he didn't just curve his lips. 

He let his eyes flutter lightly at the sky, as he gently parted his lips to release a long and relieved sigh.

Napatulala ako habang nakamasid sa lalaking nakamasid din sa kalangitan, suot ang isang kakaibang ngiti, na ngayon ko pa lang nakita.

Kung siya ay napangiti sa langit, ako naman ay napangiti sa kanya.

Why do I feel lucky to have seen him smile like that?

And then, I remembered that he spent majority of his life in the Underworld, where there was no sky at all. No stars, no clouds, not even the sun.

Natawa ako nang mahina. "You like the sky, huh?"

Henri, was raised in the Underworld, a dark abyss...

But perhaps the Underworld isn't so dark after all, now that I saw him smile with warmth and light.

There's a strange cold inside him. There is a void. But like what I said, it was calm. So maybe there was also warmth inside him.

'Because I have another dad, and though I don't have my mother, I have Thanatos and Matilda...'

"Son of Destiny," bulong ko. I hope you always smile that way.

And this may be the only time that I get to see him smile like that, which is why, I wish to see it again.

Muli kong narinig ang boses ng lalaking napanaginipan ko.

'He will...'

And he will, smile as if the world was the entire sky that he loved to look at...

Because I'm going to make sure of it.

Binigyan ko ng huling sulyap ang lalaking nasa labas ng balcony bago umikot na at ipagpatuloy ang aking balak na kumain sa kusina.

'He will reign...' I first heard.

But only now did I notice there was a light pause.

'He will, Reign...'

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now