Ilang sandali silang nagtugisan ng pwersa, hanggang sa mapasigaw si Kuya at sapilitang iginiya ang blade ni Celeste pababa.

Gumulong si Celeste sa lupa at huminto nang nakaluhod ang isang tuhod at nakatukod ang isang palad sa lupa, habang hawak-hawak pa rin ang espada sa kamay niya.

Ako na naman ang napaatras nang sumugod siya sa direksyon ko.

Umikot ako at dinama ang pagdaplis ng blade sa bandang tagiliran ng damit ko. 

She's fast.

Hindi ko naiwasang mapangiti.

I used my stabled foot to spin around again and was about to hit the back of her head with the width of the blade when-

"Stop."

Otomatikong tumigil sa paggalaw ang buong katawan ko.

I snickered and gave her a knowing glance. "Ginamit mo yung ability mo. Out ka na."

"No." Umiling siya. "Mom's here."

"Trev!"

Ibinaba ko ang aking kamay at nilingon si Mama na patakbong naglalakad sa open hallway sa gilid ng bahay. Meanwhile, Dad just looked at her with arms against his chest.

"Ang sabi ko bantayan mo lang yung mga bata!"

"Did you?" tanong ni Dad sa kanya.

"Nous ne sommes plus des enfants, Ma!" sabi naman ni Kuya habang winawagayway ang espada sa kamay niya. 

'We're not children anymore, Ma!'

Nilingon kami ni Mama nang namumuyat ang mga mata saka napabuntong-hininga. Ngunit mabilis ding nagkabuhay ang kanyang mukha pagkatapos makita si Celeste.

"Celeste?!"

Binitawan ni Celeste ang espada niya saka tumakbo sa kinaroroonan nila.

"Celeste-" muling sambit ni Mama pero madaling nakapagtago si Celeste sa likod ni Dad sabay kapit sa dulo ng polo nito.

"Sorry, Ma," tugon ko. "We tried to stop her, pero gusto niya talagang sumali."

Ilang segundo niyang ipinikit ang kanyang mga mata at sa kanyang pagmulat, namuo ang isang naninimpatyang ngiti sa labi niya.

"Mmm." She looked back at us with a gentle expression, and she spoke with an even gentler tone. "Gabriel, Skyreign." Sinenyasan niya kaming pumasok sa bahay. "Kararating lang ng mga sulat at gamit niyo."

Lumapit kami ni Kuya sa kanila.

Yumuko si Dad upang buhatin si Celeste at nanguna sa paglalakad.

Nang makarating ako sa tabi ni Mama, naramdaman ko ang marahang paghawak niya sa aking balikat.

She gave me a gentle squeeze. "May hair bands ka pa ba?"

"Don't worry, Ma," sagot ko. "I still have some left for until school, tapos pwede na akong bumili ng isa pang daang piraso pagkarating ko doon."

Narinig ko ang mahina niyang tawa na agad din namang naputol dahil kay Kuya na pumagitna sa'min.

"Ma!" sigaw niya, na para bang sobrang layo nito sa kanya. "Did you see me fight? Because Dad certainly did."

Umiling si Mama.

"But Mama-" Tuluyan na ngang inilayo ni Kuya si Mama sa'kin at nagsimulang ikuwento rito ang nangyaring labanan, as if naman ikakatuwa nga ng isang ina ang marinig na nagpapatayan yung mga anak niya.

Legends of Olympus (On Hold)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora