"Hoy!" Sita ko.

"Ako na nag-decline call para sa 'yo," sabi niya at binalik ang cellphone sa akin.

Tinabi ko na lang ang cellphone at nagpatuloy sa pagtuturo kung paano mag-archery. Masaya naman mag-archery. Nakakangalay nga lang siya sa braso.

At alam niyo rin ba? Nagkaroon kami ng slumber party sa buong kastilyo kinabukasan matapos namin mag-archery. May inaasikaso kasi ang mga magulang namin kaya kaming lahat ang naiwan sa kastilyo.

Hinampas ko ng unan si Jacob nang makita siyang kumakain ng strawberry.

"Napakasama mo! Kumakain ako tapos bigla kang manghahampas?!" Hinagisan niya ako ng unan.

"Nyee..." I mocked him. "Reina! Nasaan ang foam?"

"Why do we have foam?" Henry asked, confused.

Ngumisi ako. "Well..." Para namang kinabahan ang mga mukha nila.

"Darlene... don't tell me... you'll use that to slide in those stairs?" Tanong ni Georgio, kinakabahan.

"Why not?! It's fun!" Umalis ako sa kama.

Actually, nakasuot kami ng pajama lahat. Pink pajama ang sa akin. Labag pa nga sa loob nila, e, buti na lang um-oo sila.

"Let's have fun!" Lumabas ako sa kwarto.

Nakita ko ang mga maid doon. Hawak-hawak nila ang sandamakmak na foam.

"Pasaway na prinsesa..." Paepal talaga ang Jacob na 'to.

"This is fun!" Kumuha ng foam si Kate. "Shit, this is fun!" Aniya nang dumulas pababa.

"See?! This is really fun!" Ngumisi ako.

Wala naman silang nagawa kung hindi makisali sa gusto ko. Sobrang tuwang-tuwa naman silang lahat sa ginagawa namin. Muntik pa akong mawalan ng ngipin dahil sumubsob ang mukha ko sa carpet.

Tawa-tawa naman naman anh Jacob na 'to. Iyong tawa niya na parang ako talaga 'yong pinaka-tanga sa buong mundo.

Inirapan ko siya bago tumayo ng maayos.

Naging masaya ang slumber party namin. Iyon lang... muntik ng mabasag ang mga gamit sa loob dahil panay ang habulan, taguan, at harutan naming lahat.

"Let's have a game!" Si Kate.

"That's childish."

"It's really childish," sang-ayon nila.

Ibang laro basta huwag lang spin the bottle! Lagi na lang 'yan ang laro tuwing may ganito. Nakakasawa kaya 'yon.

"Why? Please?" si Kate ang pinakabata sa amin kaya wala namang nagawa ang mga pinsan naming lalaki kung hindi ang um-oo. "I'll spin the bottle!"

Huwag ako. Huwag ako. Huwag-Anak ng!

Napahawak naman ako sa noo ko. "Hays." Napabuga ako ng hangin.

"So, what's the deal?" tanong ni Cedric.

"Dare." Ayoko ng truth baka kung ano ang itanong.

"Text the last person who called you," dare ni Darius.

"Nananadya ka ba, ha?" Tanong ko.

"Yeah..." Tumango siya, nakangisi.

"And tell that person that you have someone new." Nilagyan pa nga ng twist!

Sumang-ayon naman ang mga pinsan kong lalaki.

Tangina! Ang gagong si Phoenix ang last na tumawag sa akin. Hindi na kasi siya tumawag matapos iyong sa archery. Sa chat lang kami nag-uusap ni Laureen.

The Girl in Worst Section (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя