"Paano mo ako nakita roon?" Sa tanong niyang iyon ay napatigil ako. Ngumiti muna ako bago siya sinagot.

"Nagtatrabaho ako roon."

Nagsalubong ang kilay niya. "Nagtatrabaho? Paano ka magtatrabaho sa ganoong lugar at tsaka hindi naman kita naki-" Napahiyaw na siya this time. "Ikaw 'yung lolo?" Medyo malakas kaya naman bahagya akong napangiwi. Ang lapit-lapit lang naman kasi ng tainga ko tapos ay sumisigaw pa siya.

"Huwag kang sumigaw, napakalapit lamang natin sa isa't-isa!" Napapangusong panenermon ko sa kaniya. Umatras naman siya na hinayaan ko na lang. "Heto, kainin mo habang mainit pa." Sa pagkakataong ito ay iniabot ko naman sa kaniya ang isang mangkook na may lamang lugaw. Mukhang gutom naman na talaga siya kaya hindi na umangal. Doon ko naman siya napiling pagmasdan nalang na ubusin iyon.

"Teka nga! Baka may lason ito?" Huminto siya at pinagtaasan ako ng kilay.

"Walang lason 'yan, ako kaya nagluto." Siya na nga ang ipinagluto, reklamador pa. Hindi ko na isinatinig iyon at hinintay na lang ang magiging reaksyon niya. Paborito niya ang lugaw na niluto ko, bagay na bata pa lang ay paulit-ulit niyang hinihingi sa akin noon.

"Bakit may saging ang lugaw?" Napapangiti na sa tuwang tanong niya.

"Alam ko kasing paborito mo 'yan." Halos hindi ko na napag-isipan ang aking tinuran. Kaya naman, bago pa niya mahalata ay dinugtungan ko na. "Mukha ka kasing unggoy!" Inasahan ko na ang biglaang paghampas niya sa akin ng kutsara, gayunpaman ay masakit pa rin pala.

"Ka-imbyerna ka!"

Nang matapos siya sa pagkain ay inilabas ko lang ang tray, hindi ko naman inasahang sa pagbalik ko ay makikita ko nang suot niya ang dragon hairpin ni Señora Geneva.

"Ang pang-ipit na ito ay mula pa sa ninuno ng pamilya ko." Natigilan siya at napatingin sa pang-ipit. Hindi naman talaga mula sa ninuno ko ang pang-ipit dahil mula ito sa kaniyang Ina. "Ang sabi ni Ina, ang pang-ipit daw na ito ay pagmamay-ari pa ng isang magaling na mamamana noong panahon ng mga Espanyol." Sa pagkakataong ito, isang katotohanan na ang sinabi ko.

"Pero hindi ba galing ka sa Spain? Hindi ba Espanyol ang pamilya mo? Paanong ninuno mo ang may-ari nito. Sa palagay ko ang pang-ipit na 'yan ay isang Chinese Hairpin at galing iyan sa China, ano bang pinagsasasabi mong panahon pa ng Espanyol. Niloloko mo na naman yata ako!" Sinamaan niya ako ng tingin, tuloy ay nabitawan ko ang kamay niya at napatawa. "Hoy! Ikaw 'wag ka ngang mag-imbento ng kwento! Kung gusto mong mag-imbento, isulat mo 'yan tapos ipasa mo sa isang publishing company, bukod sa nakapangloko kana, kumita ka pa!" inis na bulyaw na niya. Akmang aalis na siya kaya naman mabilis ko siyang hinawakan sa braso.

"Hindi kaya ako nagbibiro, isang Tsinay ang nanay ko at batay sa Philippine History, may mga Tsinay sa Pilipinas sa panahon ng Espanyol. Palibhasa puro fiction ang binabasa, wala kang alam sa history."

"Anong sabi mo?"

"Wala! Hindi mo ba nabasa ang Hey Horizon ni Ten? Hindi ba't isang Tsinay si Geneva Cartello? Sabi ko naman kasi sa iyo na totoong nangyari 'yon!" pangungumbinsi ko. Pinamay-awangan naman niya ako.

"Sa tingin mo paniniwalaan kita, wala ka ngang proweba."

"Paano kung sabihin kong kay Geneva Cartello ang hairpin na 'yan?" Doon na nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at napatingin muli hair pin na hawak niya.

"H'wag mo nga akong paglolokohin! Una sa lahat, hindi mo pa nga sinasagot ng ayos ang tanong ko kanina! Trabaho bilang lolo? Kagaguhan! Tapos gagawa ka pa ng ganitong kwento? Baliw ka!" naiinis nang turan niya. "Maniniwala lang ako sa pinagsasasabi mo kung ikaw ang nagsulat ng kwentong 'Hey Horizon', ibig sabihin kung ikaw si Ten." Napanguso na lang ako sa isinagot niya. Mukhang mahirap nga akong paniwalaan.

"Bahala ka, kung ayaw mo maniwala. Tsaka iyo na rin 'yan, tutal hawak mo na 'yan." Tutal sa iyo rin naman iyan. Doon na siya napangiti na tila sinabi ko ang pinaka-nakakatuwang bagay ngayong gabi.

"Talaga?" Tinanguan ko nalang siya.

Hindi ko inaasahang matapos ang araw na iyon ay sunod-sunod ko nang mai-u-update ang Arrow Pen. Hanggang sa dumating na nga ang araw na mahanap ko na ang kaniyang talaarawan na nakatago pala sa kubong itinayo ni Olivia sa gubat na dati ay San Fernando. Sira-sira na iyon at halos tila mga kahoy-kahoy na lang. Kung hindi ko pa napansin ang kahon sa ilalim ng puno ng acacia na sinasandigan ng kubo sa itaas ng puno ay hindi ko pa iyon matatagpuan.

Muntik pa nga iyong makita ni Laveinna at mabulilyaso ang lahat. Sa pagkakataong ito, ang tangi ko na lang namang hinihintay ang ay pagdating ni Peter nang taong 2013.

I M _ V E N A

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now