Huminga ako nang malalim upang makalma ang aking sarili. Nang tuluyang magmulat ay tsaka ko na tinanggal ang abaniko at hinarap ang mga ginoo.

"Paumanhin Señor, maligayang pasko." Ngumiti ako nang malawak habang nakatingin sa kanila. Hindi na nakaligtas sa akin ang pigil na tawa ni Carlos. Napabuntong hininga nalang ako.

Tahimik na natapos ang agahan at napagdesisyonan kong magtungo sa hardin nang maging abala sila Carlos at Agnes sa pamimigay ng aginaldo sa mga batang namamasko ngayong araw. Kailanma'y hindi ko talaga nagustuhan ang pasko, at kailanman ay tiyak na hindi ko ito magugustuhan. Dahil ito ang araw kung kailan nawalan ako nang pangalan, magulang at pamilya. Tila hinubaran ako ng kapalaran na magpasahanggang ngayon ay hindi ko makalimutan.

"Narito ka lamang pala, Binibini." Ganon na lamang ang biglang pagkabog ng aking puso nang tuluyang makalapit sa akin si Ginoong Leonardo. Halos hindi ko na namalayan ang presensya nang pagdating niya dahil lubos akong naging abala sa pagpitas ng mga magagandang rosas upang mapalitan na ang mga lantang bulaklak sa bawat florera sa loob ng mansyon. Masyadong malawak ang hacienda kaya naman laking pagtataka ko at talagang nagkadaupang palad pa kami rito sa hardin ng mga bulaklak.

Pinilit kong huwag ipaalam sa kaniya ang aking kaba at bahagya ko pa siyang sinungitan.

"Napakamalas ko naman yata ngayon at talagang sa lahat ng aking makakadaupang palad ay ikaw pa." Sumama ang mukha ng Ginoo. Parang gusto ko na lamang tuloy na mapatawa.

"Kay tagal kitang hinanap matapos ay ito ang iyong igaganti sa akin? Hindi ganiyan ang pagiging isang binibini," marahang pangaral pa niya habang sumisilay sa kaniyang labi ang nakalolokong ngisi. Nang hindi ko kayanin ang pinipigilang ngiti ay nagdesisyon akong talikuran na lamang siya at muling bumalik sa pagpitas ng mga bulaklak.

"Hindi naman kita inutusang ako ay iyong hanapin. Makaaalis kana kung wala ka nang iba pang sasabihin." Matapos ituran iyon ay payak akong napangiti. Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa kaniyang taglay na kakisigan ngayong araw. Bagama't isang kamesa de chino lamang iyon at salakot.

"Naghihintay sa iyo sa mansyon ang iyong mga kaibigan." Natigilan ako sa kaniyang tinuran. Kaibigan? Tuluyang nanlaki ang aking mata at hinarap na ang ginoo na may ngiti sa labi sa pagkakataong iyon.

"Ang iyo bang tinutukoy ginoo ay sina Laura?" Subalit nawala muli ang aking mga ngiti nang makitang kunot na kunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa aking kaliwang kamay. Ano ang kaniyang tinitingnan?

Nang balingan ko ang aking kaliwang kamay ay doon ko na lamang nalamang puno na pala iyon ng sugat. Natigilan na lang ako at tila roon na lang nakadama ng sakit. Aking nakagat ang pang-ibabang labi sa hapdi. Hindi ko na iyon namalayan, ngayon na lamang.

Hindi pa man ay mabilis nang nakakilos si Ginoong Leonardo upang balutan ng tela na tinastas niya mula sa aking saya ang aking kamay. Halos hindi ko na iyon namalayan sa bilis ng kaniyang mga galaw. Ang tangi ko na lang nagawa ay titigan ang ginoo habang ako ay kaniyang inaasikaso.

"Hindi ka man lamang nag-i-ingat." Bakas ang inis sa kaniyang boses. Napasimangot na lang tuloy ako.

"Pasensya na Ginoo, hindi ko na ito namalayan. Marahil ay sanay na ako sa ganito nang si Ramiro pa lamang ako." Napapikit na lang ako nang kaniyang higpitan ang pagkakabalot doon. "Magdahan-dahan ka, ginoo!" Hindi ko na napigilang hindi mapadaing. Subalit, nabitin ang lahat ng aking pagsigaw nang siya ay lumingon na sa akin. Habang hawak ang kamay ay kinatitigan niya ako.

"Ingatan mo ang iyong sarili, Binibining Olivia. Hindi sa lahat ng oras ay nariyan kami ni Carlos para sa iyo." Sa puntong iyon ay nahigit ko na lang ang aking hininga. Tila kinakapos ako sa hangin bagama't nagsimula nang sumayaw ang bawat halaman sa hardin nang dahil sa dalisay na simoy nang hangin.

Bago pa man mahuli ang lahat sa akin ay agad ko nang binawi ang aking pagkakatitig sa Ginoo. Dala ang bakol (basket) na puno nang rosas ay tumakbo ako palayo sa kaniya. Pakiramdam ko'y sasabog ang aking puso sa kakaibang damdaming nadarama ko sa kaniya. Mali ito, isa itong pagtataksil sa aking nararapat mapang-asawa. Tanging sa lalaking nagligtas sa akin noon ko ito dapat maramdaman. Subalit..

Natigil ako sa aking pagtakbo nang may mapagtanto. Ang kaniyang mga mata, ang mga mata niya ay kawangis ng mata ng aking tagapagligtas. Sa puntong iyon ay nabitawan ko na lamang ang bakol at muling napalingon sa pinanggalingan. Hindi maaari, hindi kaya ang binatang nagligtas sa akin at si Ginoong Leonardo ay iisa?

Napalunok na lamang ako sa isiping iyon. Kung ganon ay kailangan ko siyang makausap ngayon din. Kailangan kong makumpirma ang aking hinala.

Akmang tatakbo na sana muli ako pabalik nang biglang may pumigil sa akin. Nang lingunin ko iyon ay si Laura iyon kasama sila Maria at Paulita.

"Binibining Mira."

Bagamat sabik sa katotohanan ay hindi ko na nagawang makabalik nang ako ay yayain nila Maria na kami ay magliwaliw ngayong pasko sa plaza. Ayoko silang tanggihan dahil mga kaibigan ko sila. Gustuhin ko mang isama si Agnes ay tila mas naging malapit na sila ni Carlos nitong mga nakaraang araw. Nakatatampo man subalit mukhang maligaya naman si Agnes sa piling ng Señor. Hindi na ako magtataka kung dumating ang isang araw at magtapat na sila ng nararamdaman para sa isa't-isa.

A/n: Guys, do not be confuse here. Nasabi ni Ten na sa pagtagal ni Laveinna sa nakaraan ay lalamunin na siya ng katauhan ni Olivia. So, that is why nagkaganon pagkagising niya. Baka lang kasi may malito, malinaw ko naman iyong nailahad. Salamat sa pagbabasa, Ciao!

I M _ V E N A

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Where stories live. Discover now