“Angas naman no’n. Pati sa kamatayan gusto magkatabi ang Miranda at Velasquez? Baka pag-namatay tayong dalawa gano’n rin.” Magkapitbahay lang kaming dalawa.

“Who said that we’ll gonna be neighbors?” Tinaas niya ang isang kilay.

“Huh?” Tanong ko, naguguluhan.

“If you and I died, Miranda. I don’t want us just to be a neighbors. Gusto ko na isang coffin tayo.”

“Gago, Velasquez.” Malakas akong tumawa, muntik pa akong maubo dahil sa narinig ko. “Tangina, mahal, seryoso ka diyan?”

“Yes, I’m dead serious! I want that! I want to asked the care taker of dead bodies if we can share the one coffin? Kahit naka-back hugged lang. Pwede kaya ‘yon? Or maybe you’re sleeping in my arms while I’m hugging you?”

Mas lalo akong tumawa dahil sa sinabi niya. “Tangina, tigilan mo nga ako! Tigilan mo nga kakaisip kung pwede ang mga ‘yan!” Pucha! Naka-back hugged daw sa coffin?! Gago! “Saka, ayaw ko pa madeads! Joke lang ang mga sinasabi ko!”

“Why? Ayaw mo bang pumunta sa langit kasama ko?” Napatigil siya nang mayroong marealized. “Sounds gross.” Tinuon niya ang paningin sa daan.

Sounds gross saan? Hindi ko maintindihan kung sa ano’ng parte doon ang gross. Hinayaan ko na lang at tumingin na lang rin sa daan.

Ngayon ko lang na-realized na hindi masyadong na-enjoy ni Phoenix ang childhood niya dahil sa ginagawa niyang pakikinig sa ama niya, at pagte-training.

Stuck ako between sadness and happiness. Una sadness kasi hindi niya naranasan ang maglaro ng todo noong bata siya, at hindi niya man lang na-enjoy ang childhood niya. At pangalawa, happiness kasi lumaki siya na kayang tumayo sa sariling mga paa niya.

Na kaya niyang mag-isa noong wala pa ang Tita Grace niya. Na kaya niyang mag-isa kahit hirap na hirap na siya to the point pati siya susuko na. Pero dahil sa dalawang kapatid niya at pangako niya sa Mommy niya na hinding-hindi niya iiwan ang dalawang kapatid niya kaya nagawa niya.

Ako nga noong eight years old ako, naglalaro pa ako ng mga kung ano-ano. Tapos siya tamang hawak lang ng business tapos noong thirteen years old naman ako nasa bahay lang ako. Tapos siya… nag-hihirap sa buhay dahil namatay ang parents niya.

Pero at least na manage niya. Parang nag&matured siya. I mean nag-mature talaga siya! Kaso noon walking red flag raw siya sabi ni Laureen pero sa nakikita ko naman ngayon parang hindi naman.

I guess… he changed himself.

Napangiti ako nang lingunin siya na abala sa pagda-drive.

Nang makarating kami sa cemetery agad kaming bumaba sa kotse. May mga tao sa cemetery. Bumili rin kami ng bulaklak para sa parents niya.

Pumasok kami sa loob ng isang gate kung nasaan ang grave ng parents niya. House Cemetery ‘to at sa labas may pangalan na ‘Velasquezʼ. Pinatong ko ang bulaklak ibabaw at binasa ang pangalan ng Mommy niya.

Ricalina Dominique J. Velasquez

Ganda naman ng name.

“Ano ‘yong ‘J’ mo?”

Nagsisindi siya ng kandila.

“Javier,” sagot niya nang matapos sa ginagawa.

Napatango ako bago tumingin sa harapan.

Kung bibilangin siguro, four years nang patay ang parents niya. Grabe, ‘no? Apat na taon siyang nagluluksa sa kamatayan ng parents niya. Halata sa kaniyang hindi pa siya handang kalimutan ang Mommy at Daddy niya, I mean kalimutang patay na sila.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now