Kaagad akong nag-tipa.

To: bibi
Table sa harap. Kumakain. Kumain ka na rin muna kasama nila Finn. I love you.

Binaba ko ang cellphone ko nang dumating si Darius na dala-dala ang pagkain ko.

"Bakit may gulay? Ayoko n'yan. Hindi ako kumakain ng gulay," reklamo ko.

"Papa, Darlene doesn't-"

"Oo na. Kakain na. Sumbungero." Kinuha ko ang plato sa kamay niya.

Si Gianna at JP lang ang kasama namin. Nasa ibang table iba. Si Katherine naman ay umalis na.

"Masarap ang veggies." Kumuha ng kutsara si JP para kainin ang gulay sa plato niya. "Lalo na ang broccoli."

"Hindi ako kumakain n'yan."

Kumakain na rin ang iba. Panay salita ang host sa harap, natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya habang kumakain. At kung kanina ay may pagkapormal pa ang party ngayon ay wala na. Parang naging bar na dahil may nagpalit ng kanta. Mukhang wala namang pakialam ang mga ibang tao dahil nag-e-enjoy rin. Lalo na ang mga kaibigan ni Kuya.

Nakikita ko mula sa kinauupuan ko si Amir na buhat-buhat ni Kuya habang nakahawak sa baywang ni Ate Anya. Kausap ang friends nila.

Kinuha ko ang mint sa maliit na bag ko. Matapos sa ginagawa tumayo ako. May mga nagsasayaw doon sa may gitna, umay... papalitan ko ang kanta.

"Hoy, Michelle, saan ka pupunta?" Tanong ni Darius.

"Saan dito 'yong pwesto ng DJ?"

"Bakit?"

"Basta, sumama ka sa akin." Hinila ko ang necktie ng kapatid ko, nagmukha siyang aso.

"Ano ba, Darlene." Inalis niya ang kamay ko kaya binitiwan ko na siya.

Dumiretso ako kung nasaan ang DJ para mag-request ng song. Kumuha ako ng wine at akmang ibubuhos kay Darius kaya umatras siya.

"Isa! Itutulak kita!" Lumayo siya sa akin.

Tinawanan ko siya bago tumigil sa pwesto ng DJ. Mahabang discussion ang nangyari dahil masyadong papansin ang kapatid ko.

"Ako nauna dito tapos e-epal ka?!" salubong ang kilay ko.

"Mas nauna ako sa 'yo."

"Nagpasama lang ako sa 'yo! Ako ang may gustong palitan ang kanta. Iyong Weak po ang i-play n'yo."

"No," kontra ni Darius. "Just do what I said." Ginawa nga ng DJ ang gusto ng deputa na 'to.

Hinila na ako ni Darius bago pa ako magsigaw doon. "Bwisit naman 'to kaya hindi ka nagkaka-girlfriend."

Inirapan niya ako. "Masaya ako kahit single ako."

Minock ko lang siya. Dumireto kami pero may dumaan na waiter kaya kumuha ako ng wine at gano'n rin siya. Tinaas ko ang champagne glass ko para mag-cheers kaming dalawa bago inumin habang naglalakad kami. Masyadong maingay ang mga tao. Sayawan ang nangyayari sa gitna.

Nakikisali na lang ako sa kanila. Nandito na kasi silang lahat tapos akala mo nasa club. Mabuti na lang mabait si Kuya dahil nasasapawan na ang birthday niya.

Lumingon ako sa likod ko at namataan ko doon si Phoenix. All black ang suot niya. Black polo sleeve, black blazer, at black slacks. Mayroon rin suot na silver necklace. Naka-open ang first two buttons ng sleeves niya. Inaayos pa niya ang buhok niya habang papalapit sa pwesto ko.

Hala, ang pogi naman... wala na, in love na talaga 'ko.

Tumingin ako kay Phoenix nang makarating siya sa pwesto ko. "Ang expensive mo naman tingnan." Humawak ako sa balikat niya habang ang isang kamay niya ay nasa baywang ko.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now