Chapter XCIX

5.7K 1.1K 207
                                    

Chapter XCIX: Trustworthy

Sa isang kagubatan sa Crimson Lotus Realm kung saan matatagpuan ang isang animo'y abandonadong bundok, isang grupo ng mga nakasuot ng napaka pulang balabal ang kapansin-pansing mabilis na tumatakbo patungo sa bunganga ng isang kuweba. Ang kanilang hitsura ay natatakluban ng suot nilang balabal na may saklob. Bumibilang ng apat ang mga ito, at ang bawat isa sa kanila ay naglalabas ng aura ng Heavenly Emperor Rank.

Dahil sa kanilang bilis, malapit na agad nilang marating ang bunganga ng kuweba, ganoon man, bago pa man sila tuluyang makalapit dito, napahinto sila nang mapalibutan sila ng mga isang grupo ng adventurer na may mga hawak na sandata. Tinutukan sila ng mga ito ng sandata, at bakas ang karahasan sa mukha ng lalaki na namumuno sa grupo ng mga adventurer.

“Sino kayo at ano ang pakay n'yo sa lugar na ito?! Hindi n'yo ba alam na ang lugar na ito ay eksklusibong pag-aari ng aming panginoon?!” Marahas na tanong ng lalaking may peklat sa kaliwang mata.

Gumuhit ang ngiti sa labi ng nangunguna sa grupo ng nakasuot ng napakapulang balabal. Marahan niyang ibinuka ang kanyang bibig at nagwika, “Gusto naming makita't makausap ang iyong panginoon. Mayroon akong mahalagang sasabihin sa kanya.”

“Kalokohan! Sino kayo para kausapin ang aming panginoon?! Hindi n'yo ba alam na hindi tumatanggap ng kahit sino ang aming panginoon sa ngayon?!” Marahas na tugon ng lalaki.

Tumawa ang nakasuot ng napaka bulang balabal. Iginalaw niya ang kanyang kamay kaya naging alerto ang grupo ng adventurer na nakapalibot sa kanya. Marahan niyang hinawakan ang saklob ng kanyang balabal, at dahan-dahan niya itong inalis bago nakangiting nagwika, “Hindi ka pa rin nagbabago, Ratan. Napakamasunurin mo pa rin sa kanya hanggang ngayon.”

Nang masilayan ng lalaking nagngangalang Ratan ang mukha ng nangunguna sa grupo ng nakasuot ng napaka pulang balabal, ang ekspresyon sa kanyang mukha ay nagbago. Bumakas ang matinding gulat sa kanyang mga mata, at nanginig ang kanyang kamay. Napaawang ang kanyang bibig, at tila ba may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya masabi.

“Dalhin mo ako sa kanya. Gusto ko siyang makausap tungkol sa mahalagang bagay. Mahabang panahon kaming hindi nagkita.. sana lang ay hindi nagbago ang kanyang pakikitungo sa akin,” sambit ng matandang lalaki habang umiiling-iling.

Samantala, sa isang magulong silid sa loob ng kuweba, taimtim na pinagmamasdan ng isang matandang lalaki ang dingding. Tulala lang siya roon, at kahit na matagal na siya sa ganitong posisyon tila ba hindi siya nangangalay sa kanyang pagtitig sa dingding na wala namang kahit anong nakaukit o nakasulat.

“Panginoon, mayroong importanteng tao na nais kumausap sa inyo,” pag-alingawngaw ng tinig, at kasunod nito ay ang tatlong magkakasunod na pagkatok.

Bumakas ang marahas na ekspresyon sa mukha ng matandang lalaki dahil sa istorbong nagawa ng ingay ng boses at pagkatok. Bumaling siya sa pintuan upang tumugon, “Hindi ba't pinaalalahanan ko na kayo na hindi ako tumatanggap ng kahit sino?! Kahit pa si Hermec ay tinanggihan ko--”

Natigilan siya nang biglang bumukas ang pinto. Nasilayan niya kung sino ang nasa likod ng pinto, at bigla na lamang siyang napatayo ng makilala niya kung sino ito. Agad na nanginig ang kanyang labi. Ang kanyang mga kamay ay para bang gustong sunggaban ang matandang lalaking nakasuot ng napaka pulang balabal para yakapin ng mahigpit. Nangilid din ang kanyang luha, at bakas sa kanyang kulubot na mukha ang pangungulila.

“Mainitin pa rin ang ulo mo kagaya ng dati, Drotey. Hindi na ba ako importante sa iyo?” Tanong ng matandang lalaki kay Drotey.

Tama. Si Drotey Goman ang panginoon nina Ratan. Siya rin ang guro ni Klaws Deterio, at kilalang-kilala siya bilang maalamat na rogue adventurer ng Crimson Lotus Realm. Ganoon man, ang kanyang natural na marahas at striktong ekspresyon ay hindi na mababakas ngayon. Para na siyang batang naluluha habang nakatingin sa matandang lalaki na may ilang metro ang layo sa kanya.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now