Chapter XLVIII

4.8K 1K 207
                                    

Chapter XLVIII: The Future and the Prophecy (Part 2)

Natigilan si Ashe nang marinig niya ang ibinunyag ni Filvendor. Nalaman nito ang tungkol sa kanyang itinatagong sikreto, pero mas nabigla siya nang malamang hindi masilip ni Filvendor ang kanyang hinaharap dahil mayroong kung anong kapangyarihan ang pumipigil dito. Naghinayang siya dahil wala siyang malalaman tungkol sa kanyang hinaharap, pero isinantabi niya na lamang ang tungkol dito at hindi na gaanong pinagtuunan ng pansin dahil iniisip niya na lang na mabuti na rin ito upang hindi siya mangamba para sa kanyang hinaharap.

Isa pa, marahil ang tinutukoy na kapangyarihan ni Filvendor ay may kaugnayan sa kapangyarihan ni Sierra.

Pero, hindi na muling nagpaparamdam sa kanya si Sierra dahil nagpaalam ito sa kanya na matutulog muna ito ng mahabang panahon upang magpagaling para sa susunod nilang pagkikita ay mayroon na itong lakas kahit papaano.

Tungkol kina Fae at Alisaia, nabigla rin sila at nanghinayang. Gusto nilang malaman kung ano ang kapalaran ni Ashe dahil naniniwala silang magiging matagumpay ito dahil sa kanyang potensyal at tinataglay na purong dugo ng isang fire phoenix, ganoon man, mas nabigla sila ngayong nalaman nilang si Ashe ay tagapagmana ng isang totoong fire phoenix, at higit sa lahat--ng isang pinakamalakas na fire phoenix na isinilang sa mundong ito--ayon kay Filvendor.

Hindi nila ito alam. Inaasahan na nilang may nakatagpong totoong fire phoenix si Ashe na nagbigay sa kanya ng oportunidad, ngunit hindi nila akalain na isa pala sa mga dating namumuno sa divine realm ang nagbigay kay Ashe ng kanyang kapangyarihan.

At kung mayroong pinakanabigla sa lahat, iyon ay walang iba kung hindi si Vishan na seryosong nakatitig kay Ashe. Napabaling din siya kay Filvendor, at malalim na nag-isip.

‘Paanong hindi kaya ni Filvendor na silipin ang hinaharap ng dalagitang ito..? Ito ang unang beses na nangyari ito.. talaga nga bang napakalaki ng potensyal ng dalagitang ito na maging ang kalangitan ay siya ang pinapaboran kaysa kay Filvendor?’ Sa isip ni Vishan.

Saksi si Vishan sa tuwing gagamitin ni Filvendor ang kanyang tuwing magkasama silang dalawa. Nakapagbibigay agad si Filvendor noon ng impormasyon ngunit ngayon, wala siyang maibigay na mapapakinabangan ni Ashe. Hindi niya sigurado kung ngayon lang ito nangyari dahil hindi sila palaging magkasama, pero nagtataka siya kung bakit hindi kaya ni Filvendor na silipin ang kapalaran ni Ashe ganoong nagagawa nitong basahin ang kapalaran ng ilang pinuno na nagtungo rito na nagmula sa divine realm.

“Ano'ng ibig mong sabihin..? Talaga bang imposible na malaman kung ano ang kanyang hinaharap? Sa pagkakaalam ko... hindi ka pa pumapalya sa--”

“Nagkakamali ka,” agad na umiling at tumutol si Filvendor kay Alisaia bago pa man ito matapos sa pagsasalita. “Minsan na rin akong pumalya. May mga pagkakataong hindi ko masilip ang hinaharap ng isang nilalang dahil hindi ako hinahayaan ng kalangitan--at alam ko ang dahilan kung bakit; Ayaw ng kalangitan na ipakita sa akin ang kapalaran ng isang nilalang dahil malaki ang magiging ganap ng nilalang na iyon sa hinaharap kaya ayaw ng kalangitan na malaman ko kung ano ang mga mangyayari.”

Huminahon si Alisaia matapos niyang marinig at mapag-isipan ang mga sinabi ni Filvendor. Bumaling siya kay Ashe at nagwika, “Kung gayon, imposible nga talagang malaman kung ano ang mangyayari sa kanya..”

Nanatiling maaliwalas ang ekspresyon ni Ashe. Bahagya siyang yumuko kay Filvendor at nagwika, “Mas maganda na siguro ito dahil mas maitutuon ko ang aking atensyon sa aking layunin. Hindi ko na kailangang gumawa ng paraan para baguhin ang aking kapalaran kaya maipagpapatuloy ko ang aking nakasanayan. Ganoon man, nagpapasalamat ako ng lubos sa inyo dahil sa inyong pagsisikap at paglalaan ng panahon para matulungan ako. Hindi ko ito kalilimutan.”

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now