Chapter LXXVIII

5.4K 1.1K 152
                                    

Chapter LXXVIII: Battle of Alchemists (Part 3)

Ang lahat ng mahigit isang daang alchemist ay abala na sa kanilang pagbuo sa kani-kanilang napiling pill. Ginagamit nila ang kanilang alchemy flame na may iba't ibang kalidad. Marami ang nagtataglay ng blue alchemy flame, ngunit mas marami pa rin ang mga alchemist na nagtataglay lamang ng orange alchemy flame at red alchemy flame. Mababang kalidad lang ng alchemy flame ang taglay ng iba, ngunit hindi pa rin iyon naging hadlang para hindi nila ituloy ang kanilang pagiging alchemist. At ngayon bawat isa sa kanilang naririto ay matagumpay at kinikilala sa larangan ng alchemy sa Crimson Lotus Realm kahit pa nagtataglay lamang sila ng mababang kalidad ng alchemy flame.

Sa kabilang banda, nagpapatuloy si Poll sa pagtunaw sa hindi mahalagang katangian o mga maruruming bahagi ng Yssogami. Ilang oras na niyang pinapalakas at pinahihina ang kanyang alchemy flame, ngunit pasensyado pa rin siya at hindi siya makikitaan ng kahit anong pagka-irita sa kanyang ginagawa.

Nananatili lang siyang mahinahon at may kalinawan sa isipan upang hindi siya magkamali sa pagkontrol niya sa kanyang alchemy flame. Hindi niya maaaring sayangin ang bawat sangkap dahil hindi siya sigurado kung bibigyan pa ba siya ng may-ari ng mundong ito sa oras na masayang ang sangkap na ginagamit niya dahil sa kanyang pagkakamali. Walang nabanggit sa kanila ang lalaki tungkol sa bagay na ito kaya mas mabuti na ang maging maingat at sigurado kaysa magsisi siya dahil naging kampante siya.

Sapat lang ang itinala niyang sangkap kaya kung magkakamali siya sa pagproseso sa kahit isang sangkap, mahihirapan na siyang magpatuloy--lalo na kung magkakamali siya sa sangkap na mahirap makuha dahil masyadong malaki ang karampatang puntos.

Hindi isang pangkaraniwang pill ang kanyang bubuoin, at ang pagpoproseso ng mga sangkap at hakbang para mabuo ang pill na ito ay hindi biro. Kahit ang Multi-colored Explosive Pill ay higit na mas madaling gawin kaysa sa pagbuo sa pill na kanyang balak buoin. Bubuo siya ng isang pambihirang pill na ang pinakamababang puwedeng kalidad ay rank 9 emperor grade pill, at kung magiging matagumpay pa siya, maaaring ang maging kalabasan nito ay ancestor grade pill na maaaring magdala sa kanya sa ranggong alchemy ancestor kagaya ng kanyang guro.

Pero, hindi umaasa ng sobra si Poll na maaabot niya agad ang ranggong iyon. Alam niyang kulang pa rin siya sa kakayahan at karanasan, at malaki na ang pasasalamat niya kung magtatagumpay siya sa pagbuo sa pambihirang pill na iyon.

Habang ang mga alchemist na nasa entablado ay abala sa pagpoproseso sa mga sangkap, ang karamihan sa mga adventurer na nasa isla ay tensyonadong nanonood sa mga kaganapan. Hindi sila ang kalahok, at wala sila sa entablado ngunit ang tensyon na kanilang nararamdaman ay higit pa sa nararamdaman ng mga alchemist.

Kahit na karamihan sa kanila ay hindi maunawaan kung sino ang nakalalamang, ibinabase na lang nila sa pagtingin sa ekspresyon ng mga kalahok ang kanilang paghuhusga kung sino ang maayos na nakapagpoproseso. Mayroon kasing ilan sa mga alchemist ang hindi na agad maituon ang kanilang atensyon sa pagpoproseso, at mayroon na agad na nagpapahinga dahil napagod sa pagpoproseso.

Iyon na lang ang ginagamit nilang basehan para malaman kung sino ang lamang dahil wala silang maintindihan. Pinanonood din nila kung gaano kagiliw at kakampante gumalaw ang mga alchemist, at karamihan sa mga adventurer, kahit pa hindi miyembro ng Myriad of Illusion ay nakatuon ang atensyon kay Hasiophea na kasalukuyang magiliw na kinokontrol ang blue alchemy flame nito sa loob ng gamit nitong cauldron.

Napahanga ang karamihan sa taglay na kagandahan ni Hasiophea, pero mas napapahanga sila sa magiliw at malumanay nitong pagkilos. Maraming babaeng adventurer ang may magagandang mukha, pero hindi ang talentado at kahanga-hanga kagaya ni Hasiophea. Para bang nakalimutan nila sandali kung gaano kahambog at mapangmaliit ang babaeng ito dahil sa kasalukuyan nitong ipinapakita. Ang karamihan pa ay may lihim na pagtingin dito, ngunit hanggang lihim na lang iyon dahil kumpara sa kasalukuyang estado ni Hasiophea, walang-wala sila.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now