Chapter XVI

5.1K 1K 81
                                    

Chapter XVI: Heavenly Emperor Rank and His Celestial Power (Part 1)

Narating nina Finn ang nakitang paupahang bahay ni Paul. Pinagmasdan muna nila ito at sinuri. Malaki ang bahay na ito, at mala-mansyon ang lawak. Maraming nakahanay na ganitong disenyo ng bahay sa paligid pero, iba-iba ang kulay kaya madaling matukoy kung alin ang kinuhang bahay ni Paul. Mabait ang namamahala sa mga kabahayang ito, at nakipagnegosasyon na si Paul sa may-ari kapalit ang maliit na halaga. Nabanggit din niya na malapit lang ito sa mga adventurer na nagbebenta ng kanilang mga kayamanan kaya ang lokasyon na ito ang napili niya na hanapan ng bahay.

Sa paliwanag ni Paul at sa naintindihan nina Finn, may mga pumasok na negosyanteng adventurer sa mundong ito para sa isang layunin: ang kuhanin ang oportunidad na ito upang kumita ng malaki sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

Dahil bago itong mundo, maraming kalakip na oportunidad dito. Hindi lang mga adventurer ang makikinabang, ganoon din ang mga mangangalakal. Maraming organisasyon ng mga negosyante ang humalo sa mga adventurer at pumasok sa mundong ito, at ang pagpapaupa ng bahay ay isa lamang munting negosyo para sa kanila.

Ang pinaka layunin ng mga negosyante ay ang mga kayamanan sa mundong ito. Mayroon silang pagmamay-ari o ina-arkilang grupo ng adventurer para maglibot at maglakbay sa mundong ito para mangalap ng mga kayamanan. Ang mga adventurer na iyon ang nagtatrabaho para sa kanila habang sila ang nagbibigay ng mga kagamitan, sandata, baluti at mga kayamanan sa pakikipaglaban.

Ginagamit lang ng mga negosyante ang mga adventurer para tuparin ang kanilang layunin--ang magpayaman nang magpayaman at ang magpalawak nang magpalawak ng impluwensya.

Isang halimawa na sa mga malalaking negosyante ay ang organisasyong Crimson Traders. Pumasok din ang ilang matataas na miyembro nila sa mundong ito kasama ang kanilang mga tauhan. Kung makakakuha sila ng mga bago o pambihirang kayamanan, siguradong malaki ang maitutulong noon sa kanilang organisasyon.

Sa huli, hindi lang sila negosyante na nakikipagkalakalan sa Crimson Lotus Realm, nakikipagkalakalan din sila sa iba pang Middle Realm at ang pagkakaroon ng isang pambihirang kayamanan ay magbibigay ng malaking reputasyon sa kanila.

Matapos pagmasdan sandali ang mala mansyong bahay, pumasok na sina Finn sa loob.

Pinagmasdan at sinuri nila ang loob ng mansyon. Nasa salas sila ngayon at napansin nilang walang kakaiba rito. Maihahalintulad lamang ito sa normal na bahay na makikita sa planetang Accra. Ang tanging pinagkaiba lang ng bahay na ito ay matibay ang ginamit na materyales dito, at ang bawat silid ay ginamitan ng uri ng kayamanan na humaharang sa tunog na nagmumula sa labas.

Bukod pa roon, nabanggit din ng may-ari ng bahay na kompleto ito sa mga pasilidad. May mga silid-pagsasanay sa bahay na ito, at ang angkop iyon para sa gaya nilang nais magsanay.

Sinasabi rin ng may-ari na nasubukan na nila ang mga silid-pagsasanay kung gaano katibay ang mga pader, kisame at sahig, at sinigurado ng may-ari kay Paul na kahit siya, na Heavenly Emperor Rank, na sinubukang gamitin ang isang daang porsyento ng lakas ay hindi kayang gasgasan ang silid-pagsasanay.

Nakita't nasubukan na rin ni Paul ang silid-pagsasanay noong siya ay ginagabayan ng may-ari. Sinubukan niya ring gamitin ang kanyang pinakamalakas na atake, at humanga siya noong mapagtanto na wala man lamang siyang nagawang pinsala sa dingding at sahig ng silid.

“Gusto kong makita ang isa sa silid-pagsasanay na sinasabi mo,” ani Finn habang bahagyang lumilingon-lingon sa malawak na salas.

Inilabas niya sina Reden, Ysir at Heren. Inutusan niya ang tatlo na magbantay sa mansyon upang walang makapasok na kahit sino. Dahil sila ay magsasanay, sina Reden muli ang magiging protektor nila upang makaiwas sa insidenteng maaaring maganap.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now