Chapter LXI

5.6K 1.1K 97
                                    

Chapter LXI: Offer that will Change their Future

Gumawa ng napakalaking ingay ang ginawang panunumpa ng grupong Bloody Puppeteers kay Finn. Ang iba't ibang puwersa, kabilang na ang mga puwersa sa ilalim ng Crimson Lotus Alliance ay naguguluhan pa rin kung bakit bigla na lang magiging tauhan ang mga miyembro ng Bloody Puppeteers ng isang binatang nasa 9th Level Heavenly Emperor Rank lamang. Hindi nila maunwaan ng lubos ganoong kilala nila kung gaano kahirap maging ka-alyansa o makuha ang tulong ng Bloody Puppeteers dahil ayaw na ayaw nilang makipagtulungan, at mas lalong ayaw nilang maging sunod-sunuran nang wala silang natatanggap na malaking benepisyo.

Sa panig nina Geyaj, Zrimbo at ng iba pang punong komandante ng Crimson Lotus, nahinto sila pag-uulat tungkol sa kanilang mga karanasan at kayamanang nakuha. Narinig nila ang tungkol sa nangyari mula sa isa nilang tauhan, at ikinagulat ito ng lahat ng mga komandante.

“Ang Bloody Puppeteers ay may kinikilala ng panginoon ngayon? Isa itong malaking balita na kahit ang ating mga panginoon ay mabibigla,” sambit ni Zrimbo matapos marinig ang kabuoang ulat ng kanilang kawal.

Natahimik ang ibang punong komandante. Mayroong sumagi sa kanilang isip habang ipinoproseso ang mga impormasyon na kanilang nabalitaan.

“Noon ay sinubukan ng Crimson Lotus na kuhanin ang kanilang grupo bilang mga tauhan ngunit mariin silang tumanggi. Ayaw na ayaw nilang magpailalim sa ating puwersa kahit na napakaraming benepisyo na ang inilatag para sa kanila,” ani ng isang babaeng punong komandante. Huminga siya ng malalim at nagpatuloy sa pagsasalita, “Naaalala ko pa na sa tuwing nagpapalit sila ng pinuno, iba't ibang puwersa ng Crimson Lotus Alliance ang lumalapit sa grupong iyon para gawing tagapaglingkod, pero lahat ng pag-aalok ay balewala dahil sa kanilang paninindigan na hindi sila maglilingkod kahit kanino o sa kahit na sino.”

Naisip din ng ibang komandante ang mga pangyayaring ito. Nagsumikap dati ang Crimson Lotus para makuha ang Bloody Puppeteers bilang mga tauhan ngunit kahit si Hermec na ang nag-aalok, hindi pa rin pumapayag ang Bloody Puppeters, kahit alyansa ay hindi sila pumapayag.

“Sa tingin ko, marahil ang nais nilang paglingkuran ay isa ring soul puppet master--isang eksperto at magaling na soul puppet master. Alam natin kung gaano kalakas ang puwersa ng Bloody Puppeteers, malakas sila at nakita na natin silang magtrabaho dahil minsan na nilang pinaunlakan ang ating imbitasyon na tulungan tayong wasakin at buwagin ang isang puwersa na sumasalungat sa ating Crimson Lotus Alliance,” komento ni Geyaj.

Napatango rin ang ibang komandante dahil sa mga salitang binitawan ni Geyaj. Naaalala nila ang pakikipagtulungan ng Bloody Puppeteers sa kanila para tapusin ang isang buong puwersa, at ang lakas ng Bloody Puppeteers, lalong-lalo na ang mga pinuno nito ay talagang kahanga-hanga.

“Soul puppet master na may kakayahang kontrolin ang tatlong soul puppet.. at sa inyong paglalarawan tungkol sa kasuotan at maskara ng mga soul puppet, mukhang nakasalamuha ko na ang mga iyon,” dagdag ni Geyaj habang inaalala ang pigura ng isang grupo na minsan niya nang nakasalamuha sa mundong ito.

Naging interesado si Zrimbo sa pahayag ni Geyaj. Ibinuka niya ang kanyang bibig at nagtanong, “Kilala mo kung sino ang panginoon na paglilingkuran ng Bloody Puppeteers?”

Bahagyang tumango si Geyaj at tumingin sa kawalan, “Malakas ang kutob ko na siya na iyon. Ang lider ng grupo na sinubukan kong kuhanin noon na nagngangalang Finn Doria. Mayroon siyang kakayahan na kontrolin ang tatlong manika at bukod pa roon, kaya niyang gamitin ang isang daang porsyento ng ikalawang antas ng kanyang foundation art. Isa lang siyang Heavenly King Rank noong huli ko siyang makita, pero ngayon isa na pala siyang 9th Level Heavenly Emperor Rank at ang kanyang grupo ay higit na mas malakas na kaysa rati. Nakapanghihinayang talaga na hindi niya tinanggap ang aking alok na umanib sa atin upang maging isang miyembro ng pribadong hukbo ng ating panginoon.”

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon