Chapter XXXIX

5K 1.1K 117
                                    

Chapter XXXIX: New Ally and the Enemies' Arrival

Lumipas ang dalawang araw. Umaandar ang mga numero sa orasang nasa harap ng tatlong formation. Matagal nang natapos sina Finn sa pangongolekta ng mga kayamanan. Mas natagalan lang sila kaysa dati dahil bukod sa mas marami ang mga kayamanang naririto, nabawasan pa sila ng dalawa na katulong sa pangongolekta. Lahat ng kayamanan ay naitabi na ni Finn--kabilang na roon ang mga purong Redmond Crystal na idinumi ng Redmond Devouring Insect matapos kumain ng mga tipak ng Redmond Crystal.

Napahigop na ni Finn kina Reden ang death energy ng mga bangkay ng mga monstrous beast na kanilang napatay, ganoon din ang bangkay ng limang Heavenly Emperor Rank na nagtangka sa kanilang buhay. Marami silang bangkay na nakolekta sa nagdaang ekspedisyon, at ang antas ng mga ito ay matataas din. At dahil sa death energy ng mga bangkay, ang antas ng kanyang tatlong soul puppet ay umabot na sa 3rd Level Heavenly Emperor Rank.

Mas mataas na ng isang antas ang antas nina Reden kaysa sa kanya. Mas lalo pang naging makapangyarihan ang kanilang grupo, at kahit na kakaunti sila, mataas pa rin ang kumpyansa ni Finn.

Kasalukuyang nagbabantay sina Reden, Ysir at Heren sa dalawang daan na maaaring daanan ng mga kalaban. Pinagbantay sila roon ni Finn at inutusan na i-alerto sila sa oras na maramdaman nila na may papalapit ng mga kalaban o ibang adventurer.

Tungkol kay Finn, kasalukuyan siyang payapang nagninilay-nilay. Ina-absorb niya ang natural na enerhiya sa paligid. Nagsasanay siya ngayon gamit ang natural na paraan, at wala pa siyang balak na pataasin ang kanyang antas ng agaran gamit ang mga kayamanan dahil ano man ang mangyari, sinisiguro niya na matatalo niya si Gyuru sa tulong ng Golden Emperor Pill na natanggap niyang pabuya mula sa bundok ng buhay at kamatayan.

Ang kayamanang iyon ang rason kung bakit kumpyansa siya ngayon. Mayroon din siyang malalakas na skill kaya tiwala siyang hindi siya basta-basta matatalo ni Gyuru. Tungkol sa mga tauhan nito, malaki ang tiwala ni Finn na kayang lumaban ni Eon at ng kanyang mga soul puppet sa maraming kalaban kahit pa malalakas ang mga ito.

Makaraan ang ilang saglit, mayroon siyang naramdamamg pagbabago sa kanyang paligid kaya napamulat siya. Mayroong nabasag hindi kalayuan sa kanya--hudyat na mayroon nang lumabas sa isa sa tatlong formation na ginawa niya.

Bumaling siya sa kinaroroonan ng formation, at nang makita niya kung sino'ng unang natapos sa tatlo, hindi na siya nagulat dahil alam niya na sa simula pa lang na si Paul ang unang matatapos.

Ang ginamit niyang pill sa kanyang pagsasanay upang makaabot sa Heavenly King Rank ay madali lang i-konsumo. Mabilis na tataas ang kanyang antas at bukod pa roon, hindi maaapektuhan ng kahit kaunti ang kanyang pundasyon. Marahil kinailangan lang ni Paul ng ilang oras para maabot ang 9th Level Heavenly King Rank, at nagtagal siya sa pagkonsumo ng kanyang tatlong Supreme Emperor Pill.

Tumayo si Finn at bumaling kay Paul na nakatingin din sa kanya. Bakas ang galak sa mga mata nito habang nakatingin kina Finn at Eon. Nararamdaman niya ang malakas na kapangyarihan sa kaloob-looban niya. Nagawa niyang makaapak sa 3rd Heavenly Emperor Rank sa pamamagitan ng tatlong Supreme Emperor Pill. Tama, ginamit niya na ang lahat ng Supreme Emperor Pill na mayroon siya sa kadahilanang alam niyang kailangan niyang lumakas upang makatulong sa mangyayaring labanan.

Naabot niya na ang antas na Heavenly Emperor Rank at nagawa niya pang higitan sina Eon, Finn at Poll, ganoon man, alam niya sa kanyang sarili na hindi niya pa rin kayang tapatan ang lakas at kakayahan ng mga ito sa pakikipaglaban.

Kahit si Poll na isang 1st Level Heavenly Emperor Rank ay hindi niya sigurado kung mapapantayan niya ang lakas nito.

Lalapit na sana siya kina Finn, ngunit natigilan siya at agad na napabaling sa kanyang likuran. Pinagmasdan niya ang dalawang itim na bula, at doon niya napagtanto na nauna pala siya sa dalawa na lumabas sa formation. Napabaling din siya sa orasan, at dahil dito, nalaman niyang apatnapu't siyam na oras na pala ang nakararaan mula noong siya ay magsimulang magsanay.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now