Chapter XIV

4.9K 1K 84
                                    

Chapter XIV: The Discovery and the the World of Alchemy

Pagkatapos magkamayan ng dalawa, ang tensyon sa paligid ay mas tumindi pa. Huminto na ng tuluyan sina Poll, Eon at Paul sa pangongolekta habang sina Reden na lamang ang nagpatuloy sa pangongolekta ng mga mahahalagang bahagi ng Ground Spidercrab. At dahil hindi nila kayang gumamit ng interspatial ring, ibinubunton muna nila ang lahat ng naiipon nila sa isang tabi upang sina Finn na ang bahalang magtago ng mga ito sa kanilang interspatial ring.

“Mas maganda kung hahanap tayo ng pribadong lugar para--”

“Hindi na kailangan. Ang lugar na ito ay tama lang. Walang halimaw sa paligid, at walang adventurer na makikinig,” iling-iling na putol ni Gaestus sa suhestyon ni Finn. “Isa pa, ang ibubunyag ko sa 'yo ay mahahalagang punto lamang. Ang ilan dito ay hindi detalyado at kailangan pang kayo mismo ang tumuklas kung gusto n'yo.”

Nanatiling mapagmatyag ang mga mata ni Finn. Hindi siya nagpapakita ng gaanong reaksyon pero binabasa niya ang bawat pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Gaestus. Sinusuri niya kung napapasimangot ito o umiismid, o kung pakiramdam niya ay hindi ito totoo sa kanyang mga sinasabi.

Subalit, walang nakikita o napapansin si Finn mula pa kanina noong lumitaw ito. Malapad lang itong ngumingiti at tumatawa. Nakakainis din ang pagsunod ng matandang ito sa kanila, pero bukod doon, wala ng makitang mali si Finn na dapat nilang ika-pangamba.

Nahagip din ng kanyang mga mata ang ginawang pagprotekta at pagbibigay ni Gaestus ng Jade Fruit kay Paul kaya medyo ibinaba niya na ang kanyang depensa rito. Ganoon man, nag-iingat pa rin siya. Hindi siya maaaring magpakampante dahil ang kaharap pa rin nila ay isang Heavenly Emperor Rank na malapit ng maging Chaos Rank.

“Ayaw mong lumipat tayo sa pribado at mas ligtas na lugar, at hindi kita tututulan doon. Ngayon, sabihin mo na ang lahat ng impormasyon na alam mo na kailangan naming malaman. Makikinig ako,” mahinahong hayag ni Finn.

Bahagyang tumango si Gaestus. May kung anong pumalibot sa buong lugar na sumakop sa kinaroroonan nilang lahat. Gumamit ng Sound Concealing Skill si Gaestus, at agad iyong napansin nina Finn.

“Para sa ikapapanatag mo,” sabi ni Gaestus. Bahagya siyang ngumiti muli at nagpatuloy sa pagsasalita, “Ano'ng masasabi mo sa mga halimaw na nakaharap mo na sa mundong ito? Napansin mo bang espesyal sila o napansin mo bang parang may kakaiba sa mga halimaw na narito kumpara sa mga halimaw na naninirahan sa ating mundo?”

Sa sinabing ito ni Gaestus, agad na may mga ideyang pumasok sa isip ni Finn, ganoon din nina Eon at Poll. Naguluhan si Paul sa sinabi ni Gaestus at agad na napaisip kung ano ang ibig sabihin sa likod ng mga salita ng matanda.

“Bakit hindi mo na lang sabihin? Ang paghulain ako ay magpapatagal pa sa ating pag-uusap. Hindi mo ba gustong makuha agad ang formula ng Multi-colored Explosive Pill?” Tanong ni Finn.

“Gusto, siyempre. Pero...” naging mapaglaro ang ngiti ni Gaestus at muli niyang inilahad ang kanyang kamay bago magpatuloy, “Gusto kong makita't malaman kung kung ano ang iyong ideya sa kung ano ang aking katanungan. Gusto kong malaman kung mayroon ka ng naunang napansin bago ko pa sabihin ang alam ko.“

Naging malamig ang mga mata ni Finn. Nakipagtitigan siya kay Gaestus ngunit hindi natinag ang matanda sa kanyang titig. Nanatili itong nakangiti habang nakatingin din sa kanyang walang buhay na mga mata.

“Hindi ako nakikipaglaro sa iyo. Itigil mo na ang iyong binabalak dahil hindi ako natutuwa sa ginagawa mo,” ani Finn.

Kung siya ang dating Finn, malamang ay may oras pa siya sa ganito. Mas matutuwa rin siya kung pag-iisipin pa siya ng kritikal kaysa direktang sasabihin sa kanya ang sagot sa mga palaisipan, pero iba na siya ngayon. Ang tanging nasa isip niya na lamang ay ang mabilisang pagpapalakas at paghihiganti. Wala siyang balak na magsaya o makipagbiruan sa iba dahil ang anino ng trahedyang nangyari sa malalapit sa kanya ay tumatak sa kanyang puso't isipan. At para sa kanya, maiibsan lang ito kapag nakapaghiganti na siya at nalaman niya na ang kasagutan sa mga tanong na naiwan sa kanya.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now