Chapter XIX

5.2K 1K 90
                                    

Chapter XIX: Mysterious Faceless Man and Shopping

Dahil kay Poll, nalaman ni Paul ang kuwento ni Finn sa planetang Accra at kung paano ito umangat mula sa wala patungo sa pinakamalakas na adventurer doon. Narinig niya mula sa mismong bibig ni Poll ang ilan sa pakikipagsapalaran at paghihirap na pinagdaanan ni Finn para lang marating ang kasalukuyan niyang sitwasyon. Pasan-pasan na ng binata ang napakaraming problema mula umpisa, at siya ang halos palaging gumagawa ng solusyon para mapabuti ang kanyang paligid.

Ang binata ang dahilan ng pag-angat ng maraming adventurer. Palagi niyang pinasasaya at hinihila paangat ang mga malalapit sa kanya. Napakabuti niya at mapagbigay, at naranasan iyon ni Paul sa sandaling panahon niyang pagsama sa grupo ng binata.

Kahit na malamig ang pakikitungo sa kanya ni Finn, ang kabutihang ipinamalas sa kanya nito ay sobra-sobra kaya hindi niya mapigilan na taimtim na mapaisip.

‘Lagi niyang tinutulungan ang iba, pero hindi siya humihingi ng malaking kapalit. Hindi niya hiningi ang tulong ng kanyang mga natulungan dati para sa kanyang gagawin paghihiganti... Marahil malamig ang kanyang pakikitungo sa nakapaligid sa kanya ngunit naiintindihan ko naman kung bakit. Para sa akin, siya ang pinakamabuting adventurer na nakilala ko--silang tatlo ni Ginoong Eon at Ginoong Poll,’ sa isip niya. Bumuntong-hininga siya at napatingin sa labas.

‘Darating pa kaya ang pagkakataon na magiging malaya si Ginoong Finn Doria mula sa mga problema at kalungkutan..? Mukhang malabo na..’

--

Samantala, nararamdaman ni Finn ang pagtitig sa kanya ni  Paul ngunit hindi niya ito pinagtuunan ng pansin. Itinuon niya lang ang kanyang pansin sa pagninilay-nilay. Ina-absorb niya ang natural na enerhiya sa kanyang paligid habang patuloy niyang pinag-aaralan ang anim na bituing kumikislap-kislap sa kanyang soulforce coil. Gusto niyang magamit muli ang kapangyarihang ginamit niya noon, pero nang subukan niya iyon ay hindi niya ulit magawa.

Kailangan niya ng target sa paggamit ng skill na hindi niya namamalayang tinawag niyang “Celestial Binding Bomb”. Isa iyong uri ng skill na pumipigil sa puntiryang adventurer na makakilos, at dahil walang kalaban si Finn sa loob ng silid-pagsasanay, hindi niya magawa ang skill na iyon.

Habang titig na titig sa mga bituin, hindi namalayan ni Finn na ang kanyang kamalayan ay napunta sa isang madilim na kapaligiran. Napansin niya na lamang na wala na ang kanyang diwa sa kanyang soulforce coil, at ang tanging nakikita niya na lang ngayon ay ang tila ba kalawakan dahil napakaraming bituin na kumikinang sa kanyang paligid.

Bukod pa roon, ang kanyang tingin ngayon ay nasa isang lalaking nakasuot ng napakagandang baluti. Hindi ito baluti na mukhang mabigat o malaki, mbaluti ito na manipis lang at magaan kung tingnan. Maihahalintulad sa isang maharlikang mandirigma.

Ang buong katawan nito ay naglalabas ng liwanag. Makinang ang balat at baluti nito ganoon din ang mahaba nitong puting buhok. Ganoon man, may isang katangian ang lalaki na agad napansin ni Finn. Wala itong mukha. Wala itong hitsura dahil blanko ang mukha nito.

Nakararamdam ng pamilyar na enerhiya at aura si Finn mula sa lalaki. Para bang may kaugnayan siya rito dahil ang aura na inilalabas nito ay maihahalintulad sa aura ng anim na kumikislap na bituin sa kanyang soulforce coil.

Mayroon itong kapangyarihan ng Celestial, at sigurado roon si Finn.

“Sino ka?” Tanong ni Finn habang nakatingin sa lalaki.

Kahit kita ni Finn na walang bibig ang lalaki, umaasa pa rin siya na makakakuha siya ng tugon mula rito. May ilan na siyang nakasalamuhang nilalang na kaya siyang kausapin gamit ang isipan. Nariyan si Munting Black, Sierra, Malina at Dayang.

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]Where stories live. Discover now